Halos maghapon akong di bumaba ng kwarto ko. Nagpapadala na lang ako ng pagkain kay manang. After what happen yesterday parang nawalan na ako ng gana.
I can't believe it. Ipapakasal nila ako ng dahil lang sa gusto nilang maging maayos ang future ng company? They're impossible! Halos mabaliw ako sa sinabi ni daddy na yun!
I can manage the company by my own..
Wala ba silang tiwala sakin. Saka hello? Ang bata bata ko pa.. Nagsstart pa lang nga akong mag enjoy sa buhay ko tapos ganun na ang sasabihin nila.I hate them for making their own decisions without being asking or considering my feelings! Naiiyak na naman ako.
Bat ba ganito ang buhay ko. Lagi nalang ba akong susunod sa kanila without making my own decisions. Wala na ba kong karapatan mag decide sa family na to? Naiyak na ako lalo sa isiping yun.
Tok.. Tokk.. Tok..
''Baby? Are you okay?" Kumakatok na naman si mommy.
''Baby di mo ba kami sasabayan ng daddy mo sa breakfast? Kagabi di ka na rin bumaba dyan. Aalis ka na naman mamaya dahil may pasok ka bukas.'' Sabi pa ni mommy ng di pa rin ako umiimik.
''Wala akong gana mom.'' Malakas na sagot ko para marinig niya. Nakasara pa rin kase ang pinto.
Pinakiramdaman ko kung magsasalita pa ito pero wala na akong narining.
Wala na ring kumatok.. Siguro umalis na si mommy.
3pm na kaya inayos ko na ang mga gamit kong dadalhin pauwi ng condo. Dinagdagan ko na ang mga ito dahil ayoko na munang umuwi dito.
Pagbaba ko ng sala naabutan ko si mommy. Di pala ito pumasok sa office niya.
''Baby, maaga pa ah.. Babalik kana agad ng condo?"
''Marami pa akong gagawin mom.''
''Alam kong nagtatampo ka pa baby. Sana maintindihan mo kami ng daddy mo. We just want the best for you.''
''The best for me or just the best for the compay?" Mariing sagot ko habang naglalakad palabas ng mansion.
''It's not what you think Krystin Dale! Try to understand. Di kami gagawa ng isang bagay na ikapapahamak mo.'' Tinawag na ako ni mommy sa pangalan ko. Nagalit ata sa pagsagot ko.
''Wala naman kayong pakialam sa nararamdaman ko mommy diba?''
''Kelan niyo nga naman pala ako binigyan ng freedom ni daddy. All these years lage na lang akong sumusunod sa gusto ninyo. If you want me to stay in the mansion. Ginawa ko. No more strangers and unknown friends. Pumayag pa rin ako. Bawal lumabas. Ginawa ko pa rin. What else?? Lahat yun sinunod ko kasi sabi niyo for my own good. And now what? Ipapakasal niyo ako sa taong di ko naman kilala? This time for the good of the business naman? How about me mom? How about my feelings? Did you bother to ask me kung okay lang ba sakin? Sabagay. Di naman mahalaga ang decisions ko.'' Pagkalagay ko ng gamit sa kotse sumakay na rin ako at pina andar ito.
''I'm going. Sana masaya kayo sa decisions niyo. Kahit naman ayaw ko wala akong magagawa. Bye mom.'' At pinatakbo ko na ang kotse. Nakita ko naman sa side mirror na tulala lang si mommy habang nakatingin sa papalayo kong sasakyan.
At di ko na napigilan ang muling pagpatak ng luha ko. Masamang masama ang loob ko.
MITCH'S POV
Its sunday afternoon. Parang inip na inip na akong mag monday. Di kasi umuwi yung crush kong si Dale nung saturday sa condo niya. Hanggang kanina wala pa din daw ito sabi ni ate Sandy.
Si ate Sandy ang asawa ng kuya Rafael. Assistant secretary ito dati ni kuya. Nung naging mag asawa na sila, si ate Sandy na ang humawak ng ilan sa mga condo namin kasama na ang El Buena Condominium kung saan nakatira si Dale. Kaya di na rin ako nahirapan pang alamin kung nakauwi siya o hindi. Yun nga lang. Walang nakakaalam kung saan pa ang bahay na inuuwian ni Dale.
Hay.. Miss ko na siya.. Parang di kumpleto ang araw ko pag di ko siya nakikita. Lalo na yung nangyari samin sa shower room ng school. Di ko alam pero parang nararamdaman ko na gusto niya rin ako. Kahit pa ngayon lang ulit kami nagkita after almost a year.. She did even respond to my kisses. Muntik pa kaming mahuli ni Jessy! Hehe. Nakangiti ako habang kumakain.
''Ouchhh!!'' Biglang may sumipa sa paa ko sa ilalim ng table.
Napatingin naman ako ng masama kay kuya Rafael. Kumakain kami ng dinner. Sunday lang kasi kami nagkakasama sama kaya pumupunta dito sa bahay sila kuya kasama ang baby nila para mag dinner o kaya maglunch.
''Kuya ano ba! Can't you see i'm eating here! Bat kaba naninipa!"
''You look stupid Mitch. Kanina ka pa tulala. Tapos bigla kang tatawa. Yan na ba ang epekto ng pagseseryoso sa pag aaral? Hahahaha!!"
''You two.. Para na naman kayong mga bata. Finish the food first bago kayo magsipaan diyan.'' Si daddy.
''Si kuya kasi daddy e! Di ko naman inaano bigla na lang akong sinipa! Nakakainis!''
''Ano ba mga anak, di na kayo mga bata ha.. Ikaw naman Rafael, di kaba nahihiya sa asawa at anak mo. Pagpapaluin ko kayo diyan e.'' Natatawang sabi naman ni mommy.
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni mommy..
''Nga pala, sinong gusto sumundo sa kapatid niyong si Angelo? Darating siya bukas from States.'' Daddy.
Lahat kami napatingin sa kanya.
''Uuwi si Angelo daddy? Bukas agad? Why? May problema ba ulit ang company natin sa States?'' Gulat na tanong ni kuya Rafael.
''Why so sudden dad? May nangyari ba?" Tanong ko.
''Oh, I forgot to tell you earlier about it. Di ba Rafael nakita mo na ulit ang Ninong Manolo mo? Well. Nag usap kami ulit ng masinsinan. Just your Ninong Manolo and your Ninang Stephanie. Kasama ko rin ang mommy ninyo.''
''About what dad?'' Si kuya.
Ako naman ay nakikinig lang. Di ko pa naman namemeet yung si tito Manolo. Pero nung maliit pa daw ako e lagi akong hinihiram nila ni tita Steph. Para daw may kalaro ang baby nila. 2 years old ata ako nun tapos mag wa one year pa lang ata yung anak nila ni tita Steph. Kaso bata pa ako kaya wala pa akong natatandaan. Kwento lang ni mommy sakin dati. I dont bother to ask more about them.
''About merging our Companies. Matagal narin naman kaming magkaibigan ng mga Sy. Mga bata pa kami. Kaya napag usapan namin na mas magiging strong ang both companies kung mag memerge kami. Total matagal na rin naman kaming magkakaibigan.''
''Pag uusapan pa namin ang ibang details kaya nagset kami ng dinner. Kasama kayo. Para na rin magkalilalanan pa tayo ng maayos at mapag usapan ang mga bagay bagay. That would be on this coming tuesday. Kaya rin pinauwi ko ang kapatid niyo from states.''
''Daddy, ako na susundo kay kuya Angelo.'' Sabi ko.
''What time bukas dad?'' Tanong ko pa.
''After lunch pa Mitch. Kausapin mo na rin ang kapatid mo.'' Seryosong sabi ni Daddy. Siguro tungkol ito sa nangyari sa states. Alam kasi ni daddy na may nabuntis si kuya dun at nagpakasal na rin.
''Okay dad.'' Napatango na lang ako.
Si kuya naman tahimik lang na kumakain. Alam niya rin kasi ang nangyari kay kuya Angelo sa States.
''Save your schedules for tuesday okay. Gusto rin kayo makilala ng tito Manolo ninyo. Para mameet niyo na rin si KD. Ang nag iisang anak nila.'' Biglang sabi ni mommy para mabasag ang katahimikan.
''Darating kami mommy.'' Nakangiting sabi ng asawa ni kuya.
Buti na lang simula ng tumuloy tuloy ang pagrecover ni dad after ng stroke di na ito bugnutin. Ang laki ng pinagbago ni daddy. Unlike before. Laging galit. At di mo pwedeng biruin. Kung hindi, baka napatay na nito si kuya Angelo sa ginawa nito sa States.
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomansaPaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...