DALE'S POVAndito kami ngayon ng close friend kong si Krista sa may pool area. Freshmen ako ng nakilala at naging kaclose ko siya. Siya lang naman ang girlfriend ng empaktong pinsan ko na si Brent. Di ko nga alam baka natalisod lang itong friend kong 'to kaya pinatulan ang siraulo kong pinsan.
"Dale ano na news?" Krista.
"Same, same. Nakakabored nga ee."
"You look pale, are you okay sis?" She asked.
"Im fine, just tired from 6 hours nonstop practice. For sure we gonna win this competition naman e, di ko naman alam bat grabe sila makapush sa pag practice e magagaling naman halos lahat ng athlete ng university."
"Dapat kase nagboboyfriend kana sis." Krista whispered. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"I dont want any hell commitment Kris, then what? Kagaya lang din ng boyfriend mong may sayad ang magiging boyfriend ko? A big NO."Sabay tawa.
"That monkey is really a pain in the ass." Bulong ulit ni Krista.
At nagtawanan kame ng nagtawanan ng may tumikhim sa likod namin.
"Ehem!'' Tikhim ni Brent at nagpapacute pang hinawi ang buhok nito habang nagpapacute.
Sabay kaming napatingin at nagtawanan ulit.
"What? Kelan niyo ba ako isasali sa usapan niyo ha? Ako lang naman ang heartrob na boyfriend mo Krista at ako lang din naman ang cute na pinsan pinsan mo Dale. Baka nakakalimutan niyong dalawa." At mayabang na kinamot pa nito ang chin niya.
"Whateverrrr!" Sabay na sagot namin at nagtawanan ulit.
Lumapit na lang ito ng nakapout at umupo sa tabi ni Krista.
"Hon, Sa bahay ka naman matulog mamaya. Natatakot ako sa naririnig ko pag 3am e, may nag aalulong kase tapos wala namang aso." Nakangising sabi ni Brent.
Tiningnan lang ito ng masama ni Krista at binatukan.
"Awwwwwww! Hon naman ee, Miss na miss lang kita.. Napakabusy mo naman kase, wala na ngang time saken ni Dale tas pati ba naman ikaw." Nagpapacute na lambing nito.
"Wag mo ngang binobola yang si Krista Brent! Ang sabihin mo naduduwag ka lang sa bahay niyo. Ang tanda tanda mo na napakaduwag mo pa. Pero pag kalokohan dyan ka magaling." Litanya ko dito.
Sa halip na sumagot ay pinindot lang nito ang magkabilang cheeks ko.
"Anooooo baaaaa Brent! I'm not a kid kaya wag mo na nga ako ginaganyan!" At hinambalos ko ito ng librong dala dala ko. Mabilis naman itong nakatayo at tumakbo kaya kahit naka skirt ako ay hinabol ko ito.
Naghabulan kami sa may paligid ng pool samantalang si Krista naman ay natatawang napailing na lang.
"Grow up guys." At tumawa ito ulit.
Naghahabulan kami ni Brent na parang mga bata ng dumating ang mga barkada nito kasama sina Sab, Pauline at Jessy.
Kilala ko na rin sila at ilang beses nakasama pero si Jessy lang ang madalas kase kasama ko sya sa Csquad.
Mababait naman ang barkada ni Brent, naasar lang ako sa isang kaibigan nito na si Xander.
Matagal na itong nagpapapansin at nililigawan ako. Nakaka irita kasi minsan buntot ng buntot. Ayoko lang sa kanya kasi napakayabang nito at napaka chickboy. Isa pang ayoko e yong mga naglalakihang tattoo nito sa braso. Nakakadiri. Ayoko lang talaga sa may tattoo. Ang dumi tingnan. Parang killer.
Alam naman ni Brent na ayoko sa barkada niyang yon pero hinayaan niya nalang na kulitin at ligawan ako. Alam naman daw niya na di ko ito sasagutin kaya di na niya pinigilan. Yan ang pinsan kong napaka walang kwenta magdahilan. Errrr! At nanggigigil na naman ako ng makita ko si Xander na nagpapacute na kasama nila. May dala pa itong bouquet ng white roses na malamang sa malamang ay ibibigay na naman sa akin.
Nakaka asar, bobo talaga. Ilang buwan ng nanliligaw pero hanggang ngayon di pa niya alam ang paborito kong bulaklak.
I hate roses. My favorite's are Tulips idiot. Bulong ko na lamang sa sarili ko.
Tinanggap ko nalang ito at napilitang ngumiti. Hinalikan naman ako sa cheeks nina Jessy at ng dalawang friend niya.
Mababait naman sila parehas kaso di ko lang masyadong nakakabonding di kase nagtutugma ang mga schedule namin. Saka madalas nasa condo lang ako. Bihira din ako sumama sa mga bar at gimik nila.
Plus nitong mga nakaraang buwan madalas ako sa mansion, nagtatampo kase sina mommy at daddy kasi lage na daw akong busy.
Natigil ako sa pag iisip ng nagsalita si Jessy.
"Dale, can you join us later? Gusto kang makabonding ng dalawa kong friend, nahihiya lang magsabi. Dinner lang dun sa favorite resto namin, marami naman tayo e, kaya sama kana pleassse." Nakapuppy eyes na sabi nito. Alam kong ang tinutukoy nito ay ang dalawang friend niya na sina Sab at Pauline.
"Kasama naman sina Brent at Krista." She added.
"Dont worry di kasama yung mukhang timawa na yun." Pabulong na sabi niya sa akin habang lihim na nakatingin kay Xander.
Todo ngiti naman ang mokong na si Xander. Akala niya kung ano ang pinagbubulungan namin.
"Sige na girl, please.. Join us." Halos sabay na sabi nina Pauline at Sab.
"Uhhhh. Ahmmm... Sure.." Nakangiting sabi ko.
"Thank you." Nakangiting sabi nina Jessy.
"You look more pretty kapag nakasmile ka babes." Halos magsitayuan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang sinabi ni Xander.
Babes pa nga.
Nagbago bigla ang expression ko kayat nagtawanan naman sila. Alam na alam din kase nila ang pagkadisgusto ko dito. Kaya base palang sa reaksyon ng mukha ko ay alam na nila.

BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...