Chapter 36

8.6K 292 6
                                    

Maagang natapos ang last subject ni Dale. Nakapagpractice na rin sila ng Pepsquad kanina. Parang hangin lang na dumaan ang buong maghapon niya.

Di pa rin kasi mawala sa isip niya ang mga napag usapan nila ng daddy at mommy niya.

Maraming nakapansin ng mood niya kanina pati pinsan niyang si Brent pero di na lang niya sinagot ang mga tanong nila.

DALE'S POV

It's already 4pm pero parang ang bagal ng oras. Inip na inip na ako. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang gusto kong uminom. Gusto kong sumigaw. At gusto kong makalimot kahit saglit.

Gusto kong magalit sa lahat!

Tumayo ako at hinanap ko ang phone ko saka ko idinial ang number ng pinsan ko.

''Brent? Where are you? Can you pick me up. I want to drink.'' Si Brent lang kasi ang kasama ko kapag may problema ako. Siya ang takbuhan ko pag may misunderstanding kami ng parents ko.

''Couz? You okay? Okay sige. Susunduin kita. Wait for my call before you go outside okay?'' At binaba na niya.

Inayos ko na ang sarili ko. Gusto kong maglasing ngayong gabi. Para kahit saglit makalimutan ko lahat ng sakit at sama ng loob sa dibdib ko. Alam ko namang di ako pababayaan ng pinsan ko.

After 15minutes ay may kumatok sa condo ko. Wala namang ibang nakakaalam nito kundi parents ko. Yaya at driver ko at.. Oo nga pala.. Baka si Brent.

''Brent? Huhuhu.." Napaiyak at napayakap ako kay Brent pagkabukas ko ng pinto sa di ko malamang dahilan. Basta ang alam ko mabigat na mabigat ang loob ko at para akong sasabog.

''Husssssshh princess.. Tama na.. Ayokong nakikita kang umiiyak, may problema ba couz?'' Pag aalo nito sakin habang hinihimas ang likod ko.

Iyak lang ako ng iyak.. Di ko alam kung sasabihin ko sa kanya o hindi.

''Tama na princess.. Is that about Tito and Tita? Tell me what happen..''

Iyak parin ako ng iyak na parang bata.

''C'mon princess.. Let's go somewhere. Di na kita pipilitin kong di ka pa ready magkwento..'' At tahimik lang akong sumunod sa kanya pagkasara ko ng pinto.

We end up at Mico's Bar again. Birthday kasi ng isang team mate at barkada nila. Andito rin sina Jessy at Pauline. Susunod pa lang daw ang iba nilang kaibigan. Nagulat pa ang mga ito pagkakita sa akin. Alam naman nila na pinsan ko si Brent pero di nila alam na marunong rin ako pumunta sa ganitong bar.

Wala na akong pakialam kung memorable sa akin ang bar na 'to. Ang mahalaga makalimot ako kahit ngayon lang.

At sabay sabay kaming nagcheers para sa birthday celebrant.

MITCH'S POV

Walanghiyang mga yun. Iniwan ako. Ginabi na ako sa paghahanap sa kanila sa buong school wala naman sila.

Nadagdagan tuloy ang init ng ulo ko kanina about sa sinabi ni kuya. Shit!

Usapan 5pm eh! Lahat na sila tinawagan ko di naman sumasagot. Si Sab lang ang nagtext pero kakarecieve ko lang rin. On the way na rin ito.. Mauuna lang sa akin ng konte.

Fvk! Traffic pa. It's almost 7pm pa lang naman. Nadaanan ko ang tumaob na jeep na nakaharang pa sa kalsada. Kaya pala traffic.

Badtrip na badtrip na talaga ako. Tumatawag pa si Daddy pero di ko sinagot. Nabibwisit ako. Sa sobrang traffic pa halos 7:40 na rin ako nakarating dito sa bar ni Mico.

''Blag!''

At sinipa ko pasara ang pinto ng kotse ko.

Pagkapasok ko ng bar dun agad ako tumuloy sa wine section at umorder ng glass ng margarita. Agad ko itong ininom sa sobrang inis, sabay order ulit ng isa.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon