At the SYcorp Hotel...
Magkakasama na ang pamilya ng mga Sy at Buenaventura. Katatapos lang nila magdinner. At kasalukuyang nagķukwentuhan.
Nakapag usap naman na sina Don Romeo at anak na si Angelo habang nasa daan papunta ng SYcorp tungkol sa nabuntis ng anak sa States. At kahit papano ay naging okay naman ang samahan ng mag ama.
''I still can't believe this Dad, Tito.. KD is a girl, not just a simple girl but a totally grown pretty one.'' Buong paghanga na sabi ni Angelo habang nakatingin kay KD na tahimik lang.
''Nagmadali ka kasi Angelo. Hehehe!'' Nakangiti namang sabi ng mommy ni KD.
''Anak, baka matunaw niyan si KD. Kanina mo pa siya pinupuri..'' Pagbibiro naman ng mommy ni Angelo.
''Mommy, dad.. Alam niyo naman na committed na ako saka may anak na kami, parang bunsong kapatid ko na rin yang si KD. Di lang talaga ako makapaniwala..'' Turan niya sa mga magulang niya. Ngumiti lang naman ang mag asawang Sy.
Namumulang napangiti na lang din naman si KD (Dale).
''You're so beautiful iha, wala ka pa bang boyfriend? Sayang talaga at nagsipag asawa na itong mga anak ko.'' Nanghihinayang na sabi ni Don Romeo.
''Kumare, pasensya na at di na namin naisama ang isa pang anak naming babae, may biglang emergency lang. Dadaan nga kami dun mamaya para kamustahin siya. Kung naisama sana namin yun e siguradong magkakasundo sila ni KD, medyo may pagkapasaway lang yun pero pagdating sa pagandahan ay talagang magkasing ganda sila.''
''Anong nangyare sa kanya? Okay na ba siya? Okay lang yun, hayaan mo at dadalaw din kami dun ni Manolo kapag maayos ang schedule namin.'' Stephanie.
''KD anak, bat di mo na lang dalawin ang anak ng tito mo, sigurado magkakasundo kayo nun, schoolmate mo daw siya sabi ng Tito Romeo mo, dun din ito nag aaral sa Willford.'' Si Manolo.
''For sure talagang magkakasundo kayo nun KD, Mabait yung kapatid kong yun, para na rin may makakasama ka minsan sa school niyo..'' Angelo.
''Yeah, sure..'' Maikling sagot naman ni KD.
''If you want, sama ka sakin. Mauuna kasi akong umuwi kina Daddy to check her. Para na rin magkakilala kayo.'' Yaya naman ni Angelo kay KD.
Nag aalangan naman na napatingin si KD sa mga magulang.
''Why not nga naman baby, mag uusap pa kasi kami ng Tito at Tita mo about business. Saka diba dederetso ka na rin sa condo mo? Samahan mo na muna ang kuya Angelo mo..'' Nagsalita naman ang mommy niya.
''Ee, Mommy..''
''Princess, sige na.. Marami pa kaming pag uusapan ng Tita at Tito Romeo mo..''
Walang nagawang pumayag na lang si KD sa gusto ng mga magulang..
Pagkatapos naman ng dinner ay nagpaalam na sina Angelo at KD sa mga magulang nila.
''Angelo iho.. Take good care of KD ha, ingat kayo.. Dadaan na lang kami ng Tita Stephanie mo doon kapag maayos na ang schedule namin.'' Paalam ni Don Manolo habang kumakaway bago pa makasakay ng kotse sina Angelo.
''Princess, call us okay?'' Dagdag pa ng mommy ni KD.
''I will Dad, bye mom..''
''Ikaw naman Angelo, ingatan mo yang si KD, parang bunsong kapatid mo na yan. Si Mitchella, ikaw na muna bahala dun. Dadaan na lang kami bago umuwi mamaya dun.''
''Okay Dad.. Tito,Tita, Mommy.. We're going..''
At tuluyan nang nawala sa paningin nila ang kotse ng mga anak nila..
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...