KRISTA'S POV
Katatapos lang namin manood ng cheering competition. Sino pa nga ba ang nanalo kundi ang Pepsquad parin namin. Halos mabingi kami sa hiyawan ng lahat ng magperform ang nagsesexyhan at magagaling na cheerers namin. As usual we got the trophy for Cheerleading again. Plus. Dumami ata ang fans at suitors ng mga cheerers namin, lalo na kina Jessy at Dale. Marami kasi kaming napansin kaninang lapit ng lapit at nakikipagkilala sa dalawa after nilang magcompete.
Nanood rin sina Ninong Manolo at Ninang Steph na ikinagulat ng lahat. Kilala kasi ang Sy family na nabibilang sa mga sikat at maykayang pamilya. Well, they also own the half share in this university. Di alam ng lahat na si Dale ang dahilan kung bakit nandun sila para lang manood ng isang cheering competition.
Di na namin ikinagulat ang pagiging champion ulit namin pagdating dun kundi ang nakakabinging pagtili ni Mitch. Kung kilala niyo rin si Mitch dati pa ay magtataka rin kayo kung bakit. Sa aming apat na kaibigan niya kasama si Brent na nanood rin ay gulat na gulat sa suportang ginawa ni Mitch. Nakakagulat lang talaga na sinosuportahan niya si Jessy ng ganun. Ewan lang kung si Jessy talaga. Ikinagulat kasi namin kanina ang pag abot ni Mitch ng sangkatutak na mga tubig, energy drink at towels. Kahit si Jessy rin ay nagulat sa ginawa ni Mitch, nagbulungan pa ang dalawa at nakita naming nag aasaran. Are they inlove with each other kaya??
''Hon, maglalaro na kami, manood kayo ha! I need you to be there for me, alam mo naman na ikaw ang nagpapalakas sakin e.'' Bola ng boyfriend kong si Brent sabay nakaw ng halik sakin.
''Ofcourse hon, for you..'' At niyakap ko siya. Kahit naman siraulo minsan ang boyfriend kong ito ay mahal na mahal ko parin siya.
''Enough of that sweetness na nga, masyado na naman kayong PDA dyan." Pang aasar ni Pauline.
''Inggit ka lang girl, wala ka kasing boyfriend. Hahahaha!'' Sabi naman ni Sab.
Nakita naming palapit si Jessy samin. Nakabihis na ito. Gusto rin kasi niya manood kasama namin.
''Where's Dale?'' My boyfriend ask her.
''Sabi niya she's gonna buy something lang daw ee.''
Napatingin naman kami sa may likuran niya ng makita namin si Dale na nilalantakan ang ice cream na parang bata.
''Is that a dirty ice cream Dale?'' Nakangiwing tanong ni Sab dito.
''Don't tell me you did buy that ice cream from the old man outside??'' Nagtanong din si Jessy.
Di parin sumasagot si Dale dahil busy pa itong ubusin ang hawak na dirty ice cream. Nang mapatingin naman ako kay Mitch ay nakangiti lang ito habang nakatingin rin kay Dale.
'Couz! Ehem... Baka naman nakakaistorbo kami sa pagkain mo?' Natatawang sabi ng boyfriend kong si Brent. Napatingin naman si Dale at ngumiti. Nahiya ata ng mapansing sa kanya kaming lahat nakatingin.
''Why lo..looking me th...at way?'' Nahihiyang turan nito.
Humagalpak naman sa kakatawa si Brent ng makitang may ice cream pa sa may dulo ng ilong ang pinsan niya. Pati kami ay natawa na rin.
''Hahahahaha! You're still like a baby couz.. hahahahahaha!''
Kumunot naman ang nuo ni Dale at biglang namula. ''Wh..why?'' Nagmamadaling kinuha niya ang phone niya sa dala niyang bag at dun nagsalamin para makita ang mukha. Lalo itong namulang parang kamatis sa hiya ng makita ang itsura niya.
"Nakakainis naman eee.. Stop laughing!!''
''Gosh! She's damn cute!'' Narinig ko ang pabulong na sabi ni Mitch, nasa tabi ko kasi siya halos. Parang ako lang naman ang nakarinig dahil di na sila nagreact.
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...