Chapter 23

9.1K 264 6
                                    

MITCH'S POV

Kabababa lang ng eroplanong sinakyan namin ni Henry. I'm with my boyfriend, ayaw niya daw akong magbyahe mag isa thats why sinamahan niya ako. Whatever. Alam ko namang gusto lang mambabae nito dito. Kilala ko na siya no. Hehe.

Finally we're here in the Philippines.

Walang nakaka alam na ngayon ang balik ko ng bansa kundi si daddy lang. Si daddy rin ang nagpa ayos ng mga papers ko sa school. Kaya ngayon wala na akong iisipin kse naka enroll na ako sa University. Papasok na lang ako.

Thats the power of being a Buenaventura.

Henry will stay in a hotel. Di naman pwedeng sa bahay siya no. Baka habulin lang siya ng shotgun ni kuya Rafael, nakasagutan kasi ito ni kuya nung last na tumawag si kuya sakin para kamustahin ako. Si Henry kasi ang nakasagot at pinagselosan nito si Kuya. Kaya ayun. Di ko na inalam pa ang ibang pinagtalunan nila.

Ayaw ng family ko kay Henry, naipa background check na raw nila kase ito. Ewan ko ba. Bukod sa pagiging mabait nito sa akin e parang napaka mysterious parin talaga nito. Di naman ako interesadong alamin. Alam naman nila na di ko to mahal. Binigyan ko lang talaga ito ng chance. Sabihin na nating awa.

''Henry, dito na tayo maghiwalay ha, di na kita masasamahan maghanap ng hotel. Alam mo naman ang issue between you and kuya Rafael right? Just call me kung nakahanap kana ng hotel.''

''But dear. Will you stay with me even just one night? Bukas kana umuwi sa inyo. No one knows you're here na naman diba?'' Pakiusap ni Henry.

''Daddy knows Henry, thats why i need to go.'' At dali dali kong hinila ang maleta ko palabas ng arrival area. Di ko man lang nilingon si Henry. Alam naman niya ang number ko, tumawag na lang siya kapag may problema. Narinig ko pa siyang may sinasabi pero di ko na naintindihan. Basta ang alam ko lang excited akong makita ang mga friends ko. At gusto ko ng gumala baka sakaling makita ko ang taong miss na miss na miss ko na. Pag nakita ko siya, never ko na hahayaang mawala siya sa mata ko ng di ko nakukuha ang pangalan niya. Napangiti na lang ako sa naiisip ko..

Agad na akong nagpalinga linga, hinahanap ko ang driver ni daddy. Yun kase ang susundo saken ngayon.

And here it is nakita ko si Mang Gardo na malawak ang pagkakangiti habang dala dala ang papel na may nakalagay na pangalan ko.

''Welcome back mam! Lalo po kayong gumanda, Di ko nga po kayo nakilala kung di po kayo lumapit. Akala ko po artista. Hehehe!'' Bola pa nito.

'Thank you Mang Gardo, kayo po talaga napakagaling niyo pa ring mangbola!" Sabay ngiti ko sa kanya.

''Mang Gardo paki sakay na lang ng mga maleta ko. Then let's go na po, excited na po akong makauwi sa bahay.."

Nang mailagay na ni Mang Gardo sa compartment ang maleta ko ay mabilis din kaming umalis.

Pagkarating ko naman sa mansion ay may surprise na sumalubong sakin, ako pa pala ang masurprise..

Kaming buong mag anak lang ang nandito, bilin ko kase kay Daddy na wag banggitin sa mga kaibigan ko, ako kasi ang magsusurprise sa kanila.

Si mommy naman ay napaka emotional, kanina pa ata ito iyak ng iyak. Natutuwa lang daw siya kasi naka uwi na ako. Ako lang kase ang nag iisang anak niyang babae kaya super close ko din kay mommy..

May konting salo salo dito sa bahay, andito ang asawa at baby ni kuya Rafael pati ang ilang malalapit kong pinsan.

Kanina ko pa kalong kalong si baby Cedrick, ang baby ni Kuya Rafael. Napaka cute kasi nito, mag pa five months palang siya.

''Anak, payakap nga ulit.. Akala ko talaga matagal kapa dun, ito namang si daddy mo walang sinasabi na uuwi kana pala. Akala namin yung celebration na hinanda ng kuya mo na yun e para lang sa success ng Buenaventura Lands, yun pala darating ka.'' At niyakap ako ni mommy na naiiyak na naman.

''Mommy, tinatawanan ka ni baby Cedrick ohhh, ang pangit mo daw pag umiiyak. Diba baby?'' At tumatawa akong tumingin kay Mommy.

''Mukhang masayang masaya ang mommy mo sa pagbabalik mo anak, di ka na niyan hahayaang umalis pa.'' Si daddy.

''I just miss our daughter Romeo, teka.. Nainom mo na ba ang gamot mo?''

''Yes my Queen.'' At humalik pa si Daddy sa lips ni Mommy habang nakayakap ito sa kanya.''

''Yuckkk Daddy! You and mom should get a room. Nakakahiya sa ibang pinsan natin ohhh, pati yan pinapakita niyo pa kay baby Cedrick! Dun na nga kayo sa room niyo! Ewwwww..'' At tinabunan ko pa ang mata ni baby Cedrick.

Hinalikan pa ulit ni Daddy si Mommy naparang walang narinig sa sinabi ko..

''Dont mind them sis, alam mo naman pag tumatanda. Saka akala nila teens sila, don't you find it sweet? Hehehe!'' Singit ni kuya habang kumakain ng salad.

''Errrr! Lika na nga baby Cedrick, bawal ka makakita ng kalaswaan ng lolo at lola.'' Tinawanan lang nila ako.

Maaga akong natulog after the family house party, may pasok pa kasi ako kinabukasan. Di ko na rin nasagot ang mga tawag ni Henry. Nag bar daw siya. Pinapasunod ako pero di ko na nireplyan ang mga text at tawag nito. Saka ire-ready ko pa ang kagandahan ko para sa muling pagkikita namin ng mga bestfriends ko. Sigurado marami na naman ang maglalaway pag nakita nilang dumaan sa harapan nila ang new Mitch Buenaventura..

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon