DALE'S POV
2 days akong absent, hinintay ko muna maging okay si mommy bago ako bumalik dito sa dorm. Kailangan ko na rin kase bumalik, marami pang dapat gawin sa school lalo na dalawang araw din akong absent sa class ko pati sa Csquad practice.
Kakatawag lang ni Brent, siya kase ang pinakuha ko ng mga assignments at lectures na kailangan kong habulin. Sunday pa naman ngayon kaya wala na akong oras para makapag pahinga ng matagal. Kailangan ko na rin kunin yung pinakuhako kay Brent para may maipasa ako bukas at makahabol ako sa lectures.
Kaso napakatamad ng monster na yun at ako pa ang pinapupunta dun sa bar daw ni Mico, may party daw sila kaya di niya mahahatid sa condo ko ang mga pinakuha ko. Napakatamad talaga nun.
At talagang dun pa sa bar na yun. Pag nababanggit yung bat na yun ang naiisip ko e yung gagong nagnakaw ng first kiss ko. Bwisit.
Wala lang talaga akong choice kase kailangan ko pang tapusin yun..
Makaligo na nga past 8 na rin kase.
At the Bar..
BRENT'S POV
"Tama na Mitch. Lasing na lasing ka na. Maaga pa naman ang flight mo bukas."
Ang hirap talaga nito pagsabihan. Wala ata itong sinusunod. Pag sinabi niya gagawin niya.
"Hey! Enough of that." Sabay agaw ko sa Black label na tinutungga nito habang sumasayaw. Tinalo pa nito ang lalaki kung uminom. Buti nga naubos na ang yosi e, di nila alam na talagang tinago ko para lang mapigil ito sa paninigarilyo.
"Mico, ikaw na bahala kay Jessy ha? Kanina pa tulog yan. Di ko na yan mahahatid. Ihahatid ko pa tong brat na 'to." Tukoy ko kay Mitch.
"No problem dude. Basta ikaw kay Mitch. Ayoko ng magka bukol." Tumatawang sagot nito.
Nung last kasing uminom at inasikaso niya si Mitch at sinasaway niya ito pinag hahampas pa siya nito ng sapatos.
Ayaw kasi nito ng pinapakelaman siya e. Sa magbabarkada si Mitch ang pinakamahirap at pinaka magulong kausap. 'Spoiled Brat' ika nga.
Wala pang nakakapag pasunod dito. Matapang pa kasi ito kay Gabriela Silang e. Ha ha ha.
Nagpalinga linga ako pero biglang nawala sa harapan namin si Mitch. Magmumura pa sana ako mabuti nalang at nakita ko na ang babaeng ito.
"That devil is seductively dancing in the dance floor." Kasama pa nito ang mga lasing na rin na sina Sab at Pauline. Halos matumba na ito pero wala paring pakealam na sumasayaw habang iwinawagaywag ang bra...
I check it again kung tama ang nakikita ko..
"Wtf is that a bra?"
"What the hell Mitch!"At dali dali ko na itong pinuntahan kung nasaan ang dalawang kaibigan nito sa dance floor.
Ayaw paawat nito kaya ayaw niya man ay binuhat ko na siya para matigil ang kabaliwan nito.
"Put me down bastard! Put me down!" At pinaghahampas niya pa ako habang buhat buhat ko siya samantalang pangiti ngiti lang sina Sab at Pauline na mga lasing na rin.
Napag alaman ko na bra ni sab ang iwinawagayway nito kanina na ikinatuwa naman ng maraming naķakita dito.
"What the hell Mitch?! Are you damn crazy? Ano ba pumapasok sa mga utak niyo? E kung mabastos kayo e di napaaway na naman tayo?!"
Kahit naman gago ako. Ayokong may nakikitang babaeng binabastos lalo na kung kaibigan ko at malapit sa akin. Dahil talagang ilalaban ko ng patayan ito.
"Look girlss. The Badboy is saying something." At umikot pa sakin sabay hawak sa batok ko.
"Stop it Mitch! You're drunk. Hihintayin ko lang ang pinsan ko at iuuwi na kita."
"C'mon Brent lets just enjoy the night." Pauline.
Di ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila. Tiningnan ko na lang ang phone ko ng maramdaman kong nagvibrate ito.
Message from Krystin Dale.
"Im here outside. Lumabas kana asap. Im in a hurry."
"Ok wait for me. 1min."I replied.
"Xander, ikaw na muna bahala sa kanila ha. Mabilis lang ako may iaabot lang ako sa pinsan ko." Bilin ko sa isang kateam mate ko na close friend ko rin.
"And please girls, don't do anything stupid okay. I'll be back." At nagmamadaling iniwan ko na sila.
Sa labas naman ng Bar..
"What took you so long, i'm almost 10minutes waiting here." Naiinis na sabi ni Dale.
"Sorry my pincess, i have to babysit those friend of mine which is under the influence of the goddamn liqour. Anyway here it is, kumpleto na yan. Ikaw na bahalang gumawa. I already flirt with your bitch classmate just to get that for you." Sabi ni Brent habang inaabot sa kanya ang folder.
"Kelan pang ang isang Brent Villamor ay natuto na palang magbabysit. And as long as i know, flirt ka naman talaga. For sure nagustuhan mo pang makipaglandian sa classmate ko no. Yuccccckkk." Dale.
"Only for you thats why I'm willing to do that. Even if its disgusting to flirt with that bitch. Anything just for my baby sister." At ginulo gulo pa nito ang buhok ni Dale.
"Stop that Brent!" At hinampas pa nito ag kamay ng binata pero pinagtawanan lang naman siya.
"C'mon. Hatid na kita, gabi na. Baka mapano ka lang sa daan." Bubuksan na sana nito ang kotse niya ng pinigilan ito ni Dale.
"I can handle myself na no. Saka i brought my car. Ayoko ding makasabay ka sa kotse baka masuka lang ako. You smell like shit Brent! Umuwi ka na nga!"
"Okay lang gwapo naman ako e, kaya nga maraming ngkakagusto sa akin e. Hahahahaha."
"Duhhhhh! Lord bat ba kase binigyan moko ng pinsang kasing hangin nito." Dale rolled her eyes.
Ginulo gulo lang ulit ni Brent ang buhok niya kagaya ng madalas na ginagawa niya sa pinsan niya. Hahampasin pa sana niya ito pero mabilis na nakalayo na ito at tumatawa habang kumakaway papasok ng bar.
"Just take good care princess okay? Deretso agad sa condo okay?" Humalik pa ito sa hangin bago makapasok ulit ng bar.
Naiiling na lang na tinungo ni Dale ang kotse niya. Paalis na sana siya ng magcrave siya sa ice cream na kahapon pa sana niya gustong kumain kaso wala siyang mabilhan. Lalo lang siyang naglaway nung may dumaan na mag ina na may dala dalang sundae.
Nakita niya sa di kalayuan ang store ng mcdo kaya nakangiting napakagat labi siya habang ini imagine na natutunaw sa bibig niya ang ice sundae na nakita niya.
"Ma-try nga dun, di ko na talaga matiis parang mababaliw ako ngayon kung di ako makakakain ng icecream o sundae, pwede na siguro yun."
Malapit lang naman kaya bumaba na lang siya at lalakarin nalang niya pabalik mabili lang ang nais niya.
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...