Chapter 66

18.5K 526 283
                                    

MITCH'S POV

Sobrang saya ko talaga ngayon, kami na ng babaing matagal ko ng pinapangarap. Ang cute pa niya, napaka innocent niya kasi. Nahuli niya talaga ako sa killersmile at captivating eyes niya. Para akong matutunaw kapag nagtatama ang mga mata namin. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko talaga ang lahat para sa kanya.

Ang cute niya pa kanina habang nasa pizza parlor kami. Di niya alam na nakapag usap na kami ni Tito Manolo at Tita Steph tungkol sa aming dalawa.

Flashback...

"I like your daughter Tito Manolo. Not just like a friend or a sister but more than that." Kabadong sabi ko habang nakaupo kami sa sa sofa at kaharap ko sina Tito Manolo at Tita Steph.

Matagal na tinitigan lang nila ako. Di alam ang sasabihin. Seryosong nakatitig lang si Tito Manolo sa akin. Kabadong kabado na ako. Parang gusto ng tumalon ng puso ko at kusang maglakad palabas ng bahay nila. Pero paninindigan ko ito. Kahit pa sabihin nilang isa itong kabaliwan.

Nanatiling seryoso ang mukha ng Daddy ni Dale na si Tito Manolo. Si Tita Steph naman ay nakangiting tumabi sakin.

"Mitch hija.. What do you mean? Is that the reason why you came here and want to talk with us?"

" Anong ibig mong sabihin hija?" Naguguluhang sagot ni Tita Steph.

"Tita.. Alam kong mahirap po ipaliwanag at alam kong mali. Pero seryoso po ako sa sinabi ko.. Uhmm.. Kasi po.. "

"Mga bata talaga sa panahon ngayon. Ikaw talaga Mitch.. Natutuwa ako na close na kayo ng anak naming si KD. Normal lang naman yang mga ganyan siguro, lalo na diba at napapadalas na lagi kayong magkasama." Ngumiti na rin si Tito Manolo kaya medyo nawala ang kaba ko.

"Akala ko naman kung ano na yun hija. Hehehehe! Kamusta nga pala si KD? Sana wag mo siyang pababayaan. Alam mo naman ang anak naming yun.." Si Tita Steph.

"Mahal ko po si KD Tito, Tita."

Saglit na binalot ng katahimikan ang paligid namin dahil sa sinabi ko.

"Anong sinasabi mo Mitch? Parehas kayong babae ni KD. Baka naman naguguluhan ka lang.. Kayo talaga.." Natatawang sabi ni Tito Manolo na pinipilit pang magbiro. Alam kong nahihirapan siyang idigest ang mga sinasabi ko.

"Anak, sigurado kaba sa sinasabi mo? Bata pa kayo parehas.." Si Tita Steph.

"Isa pa parehas kayong..."

"Tito, Tita.. Alam ko pong mali at hindi tama yung nararamdaman ko. Pero yun yung nararamdaman ko. Matagal ko na po siyang nakita at nakilala, di ko pa po alam na anak ninyo siya at siya si KD. At nung una ko pa lang po siyang nakita noon naramdaman ko na po na espesyal siya."

"Mahal ko po talaga si KD. Nandito po ako para sabihin sa inyo yun at patunayan na kaya ko siyang ipagtanggol at ipaglaban. Malinis po ang intensyon ko sa anak niyo. At kahit mali ito sa paningin ng iba o sa kung sino man, handa akong patunayan sa kanila kung gaano ako ka sincere at papatunayan ko yon.."

End of flashback..

Nung nakaraan kase na sobrang busy ko ay kinausap ko na ang mga parents ni Dale at lakas loob kong sinabi lahat lahat. Kung gaano ako kaseryoso at katotoo para sa nararamdaman ko para kay Dale.

Nasa gitna ako ng pagbalik ko sa mga napag usapan namin ng magring ang cellphone sa bulsa ko.

"Where are you? Umuwi ka ngayon dito sa mansion at may pag uusapan tayo." Narinig ko na naman ang seryosong boses ng Daddy ko. At parang alam ko kung bakit napatawag na naman ito.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon