12 months and 2 weeks later..
MITCH'S POV
Napaka bilis lumipas ng araw. Dapat 18months ako dito dahil sa naging problema ng business namin pero mabait parin ang Diyos at naayos at nagawan namin ng paraan ng maaga ang problema ng business namin.
Parang kailan lang pauwi na ako ng Pilipinas.
Surprised? Yes, ilang araw na lang pauwi na ako ng Pilipinas at walang nakakaalam na pabalik na ako.
It's my surprise for them.
Last sembreak dinalaw ako dito nina Brent,Mico,Pau,Sab at Jessy together with my Mom.. halos 2weeks lang sila dito pero talagang nag enjoy sila. Wala na yata kaming ibang ginawa kundi maglibot.
Natapos ko rin ang pag aaral ko dito, naayos naman namin ni kuya ang business namin dito at naisurvive ang malaking pakakabaon nito sa utang. Ngayon unti unti na itong nakakabangon. As a reward kinuhanan na ako ni Daddy ng ticket para makauwi agad. Siya lang ang nakaka alam na mapapaaga ang balik ko ng Pilipinas..
Kasama ko nga pala pag uwi ko ang boyfriend ko.. Si Henry Balesteros. He's half Filipino half American. Dito daw siya ipininganak pero after 8months dinala na siya ng mommy niya sa Colorado. Yes may boyfriend ako, siguro mag ti 3months palang kami. Siguro talaga? Haha. Actually di ko nga matandaan ang exact date kung kelan naging kami. Pano naman kase lasing ako nun. Well. Naawa na rin kasi ako dito kay Henry, 6months kase akong niligawan nito. Bago ko pa siya accidentally na nasagot kung sino sino na rin ang naging boyfriend ko dun.
Flings lang din. Wala pa ata sa utak ko ang magseryoso. Honestly? Nagka girlfriend na rin ako. Siguro mga tatlo yun. At alam nyo naman sa US masyasong liberated. Alam niyo na siguro ibig sabihin nun.
Alam din ni Kuya na ganito ako. Pati na rin ni Mommy. Alam na rin siguro yun ni Dad. Yun pa. Pero di namin pinag uusapan yun. Tanggap naman nila ako. Wag lang daw ako magmukhang lalaki. Hahahaha.
Malaki kasi ang curiousity ko sa pagkababae ko. Lol. I dont know. Pinilit ko kasing kalimutan ang babaeng nagpabaliw sa akin. Ang babaeng hanggang ngayon ay laman ng isip ko at gustong gusto kong makita para yakapin. Ang babaeng pinilit kong kalimutan pero hanggang ngayon ay nagsusumiksik parin sa puso't isip ko.
Isa siya sa dahilan kung bat nagmamadali akong makabalik ng Pilipinas.
To find her.
At si Henry? Alam naman niya na wala talaga akong feelings para sa kanya. For formality lang. Sweet siya kaya napalagay na rin ang loob ko sa kanya.
Sabi niya subukan daw namin. We'll give it a try. 5months at wala padin then siguro talagang friends na lang kami.
Two weeks lang naman siya magsstay, babalik din siya agad ng US para dun sa family business din nila. Then pabalik balik na lang ulit siya dito. Yan ang napag usapan namin.
Excited na akong umuwi..
Sana makita ko ulit siya, andami na kasing nagbago.
Hay... Sana.. Sana..
At the Willford High...
Mag Ju-July na, nalalapit na ang annual Sports and Cheerdance Competition kaya abala lahat.
Last year kasi nag over all champion ang University kaya naman ngayon di pwedeng matalo ito. Kailangan manatiling hawak nito ang titulo bilang Over all Champion sa lahat ng Universities para manatiling nangingibabaw parin ang Willford High sa University standing.
BRENT'S POV
I'm with my girlfriend Krista Juanillo. Mag seseven months na kami. She's the only daughter of Gino Juanillo, the Vice President here in the Philippines.
Siya na ata ang nagpatino sa akin. Lol. Hahaha.
We're here at the Universitys swimming pool, she's a swimmer anyway. Not just a swimmer but also the University's Student Council President. I'm a lucky dog.
Krista is also Jessy's cousin. And Dale's super close friend, Krista also knows that Dale is the only daughter of my uncle Manolo Sy.
Krista and Dale is super close. Parang magkapatid narin sila. Siguro dahil inaanak ni tito Manolo si Krista.
And Dale? Isa lang naman ang pinsan kong yan sa pinag aawayan ng maraming lalaki at kinababaliwan ng ilan sa gwapo o magandang studyanteng nag aaral dito. Nabasa niyo diba? Andami kasing natitibo dyan. Ewan ko ba kung ano nakikita nila dyan kay Dale e isip bata naman yan. Hahaha. One more. She's a straight. Mas straight pa sa ruler. Ewan ko ba. Ang gaganda pa naman ng mga chick na nafafall at naglalaway sa kanya. Buti na lang matino na ako at di na naghahanap pa ng iba.
Speaking of my authistic cousin, she's here. As usual nag gi-girl talk daw sila. Kapag nga yata papipiliin si Krista kung ako o si Dale e baka si Dale pa ang piliin nito. Hahaha.
Lage kasi naming pinag aawayan ng girlfriend ko ang pagiging basagulero ko. Ano bang gagawin ko. Mabilis mag init ang ulo ko e.
Mapuntahan na nga ang dalawang prinsesa ko..

BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomansPaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...