Chapter 28

8.6K 265 7
                                    

Sa bar na ni Mico tumuloy ang buong barkada para i celebrate ang pagbabalik ni Mitch.

Kumpleto ang barkada, pati team mates nila ay nandito rin. Kasama pati ang ibang co-cheerleaders ni Jessy at iba pa maliban na lamang kay Dale. Di pa daw kasi ito nakakauwi. Tinatawagan naman ni Jessy ito pero puro voice messages lang ang sumasagot.

Si Brent naman ay medyo nakainom na at inaalalayan ng girlfriend nitong si Krista.

Nakainom na rin sina Mitch pero di masyado dahil puro kulitan lang ang ginawa nila.

Di na rin sinama ni Mitch si Henry para iwas gulo. Sinabihan na lang ito ni Mitch na magpalamig muna at tatawagan nalang niya ito. Galit pa rin kasi si Mitch sa kanya dahil sa nangyari.

Mabilis naman natapos ang gimik nila dahil may mga pasok pa kinabukasan.

At kahit may nagyaring gulo kanina, sobrang nag enjoy naman sila after nilang magchill sa bar nina Mico.

Kinabuksan naman ay maagang nagising si Mitch dahil sa pagkatok ng mommy niya. Medyo may hangover at jetlag pa kasi siya kaya tinatamad siyang bumangon.

Nakaka anim na katok na ata ang mommy niya ng napilitan na siyang bumangon para pagbuksan ito.

MITCH'S POV

"Arghhhh.. coming mommy..'' Sagot ko sa walang tigil na pagkatok ni mommy sa pinto ng kwarto ko.

May pasok kasi ng maaga si Daddy sa opisina, at sasamahan naman ito ni mommy.

Simula ng tuloy tuloy na itong gumaling, galing sa pagkakastroke e bumalik na ito ulit sa pagmamanage ng kumpanya namin. Inaalalayan na lang ito ni mommy para di masyadong mapagod at ma stress.

''Anak, bumaba kana, your dad is waiting. He wants to talk to you before we leave. Bilisan mo dahil may emergency meeting pa kaming pupuntahan.'' Si mommy.

Di na ako sumagot.

Eto na. Kakausapin na ako ni daddy. Sigurado. Tungkol ito sa nangyaring gulo sa school yesterday.

Mabilis na nag ayos na ako ng sarili ko at mabilis na bumaba sa sala.

''Goodmorning mom, dad.'' And i kiss them.

''Buti naman at bumaba kana.'' Seryosong sabi ni daddy.

''Romeo, be easy on our daughter.'' Paalala ni mommy.

''Dad, sorry about what happen yesterday.''

''Mitch, di kita sisitahin sa nangyari kahapon. I just want to remind you. Alam mo na dapat ito dahil matanda kana para mag isip ng maayos. Huling beses ko na sasabihin to sa'yo. Umiwas kana sa Henry Balesteros guy na yan. Para makaiwas kana sa gulo. Akala ko pa naman nagmatured kana nung nagstay ka ng States. Umiwas ka na sa gulo anak. Mas okay sakin na mag girlfriend ka kahit ilan basta wag mo ng i.entertain ang lalaking yun. You thought di ko alam ang nangyayari sayo sa states? Pati sa kuya mo? I know na may nabuntis na siya, at alam ko na kasal na sila dun! Wala kayong narinig sa akin na kahit ano. I respect every decisions you both make. Mahal ko kayong mga anak ko. I have contacts there para malaman bawat galaw niyo. I'm not mad, tanggap kita anak. At wala na rin akong magagawa kundi tanggapin ang nangyari sa kuya mo dun. I'm just waiting for him na siya mismo ang magsabi. At ikaw.... Mahal kita kaya kung anong gusto mo hinahayaan ko lang. Just please. Iwasan mo na ang Balesteros na yun. I know his family background. Yun lang. We have to go at may importante pa kaming meeting na pupuntahan ng mommy mo.''

Tuloy tuloy na sabi ni daddy. At humalik sa akin bago umalis, ganun din naman ang ginawa ni mommy.

Ako naman nakatulala lang sa mga sinabi niya. Nawala bigla ang antok ko.

I'm shocked. Si dad ba yun? Di ko alam ang sasabihin ko. Pero masaya ako na tanggap niya naman pala ang pagiging ganito ko. Shocks. He know every single details na nangyari sakin sa states. At tama ba ang narinig ko? Okay lang sa kanya na mag girlfriend ako basta iwasan ko na si Henry? Ano kayang meron sa pamilya ng gagong yun.

Nagbago na talaga si daddy, before kasi tinalo pa niya ang Police Commander kung magbitaw ng salita. Bihira niya rin kami kausapin kung hindi about sa business.

Kung ano man ang pagbabagong yun, I'm happy..

Whatever it is di na ako interesado, ang alam ko lang masaya ako sa mga sinabi ni dad kahit alam kong medyo nagalit siya dahil sa nangyari.

One more. Makikipagbreak na talaga ako kay Henry, wala naman talaga akong nararamdaman yun. Siya lang ang may gusto ng relationship namin.







The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon