Chapter 14

9.3K 340 5
                                    

MITCH'S POV

Lumabas ako para maghanap ng yosi kahit umiikot na ang paningin ko. Para kaseng binabaliktad ang sikmura ko. Naubos kasi ni Pauline at Jessy ang yosing pinabili ko kay Brent kanina dito sa labas.

Ewan ko ba. Kahit alam kong masama sa katawan di ko parin kayang itigil ang pagyoyosi kong ito. Patago lang ito sa parents ko. Pero alam naman ng mga kaibigan ko.

Walang may lakas ng loob para pigilan ako. The last time kase na pinigilan ako ni Brent e ilang sampal ata at batok ang naibigay ko sa kanya. At halos isang linggo ko itong di pinansin. No one can stop me of what i want to do or say.

Fvk. Nasusuka na talaga ako. I need to smoke. Umiikot pa ang paningin ko. Napadami ata talaga nainom namin. Di ko na rin kasi napansin.

Naghahanap ako ng nagtitinda ng cigarette ng makita ko sa di kalayuan ang babaeng nakasuot ng white loose tshirt na nakabuhol sa gilid at naka black miniskirt. Wala itong pakealam sa paligid niya habang nakasandal sa kotse niya at nilalantakan ang dala dala nitong sundae. Para itong bata na sinisipsip pa ang kamay nitong napatakan ata ng sundae na nasa kamay niya.

Kahit blurred ang paningin ko ay tinitigan ko itong mabuti. Am i dreaming?! Di ako pwedeng magkamali!

She's my girl!

Ang babaeng ilang gabi ng di nagpapatulog sa akin.

At kahit pasuray suray ay pinilit kong maglakad ng maayos palapit sa kinaroroonan nito.

"Hi sweetie, I've finally found you.."

Parang nawala ata ang pagkalasing ko nung tumingin siya sa akin.

Nakatulala lang itong nakatitig sa akin na pawang nagtatanong ang mga mata. Mababakas ang pagkagulat sa magagandang singkit na mga mata niya.

May nagkalat pang mantsa ng kinakain niya sa gilid ng lips nito. Shit! Kahit nakanganga pa siya ay napakaganda niya parin. Matagal kaming nagtitigan. Di ko na namalayan pano ako nakalapit sa kanya.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na hinahalikan ang gilid ng lips niya.

Sucking every piece of sundae na kumalat sa magandang mukha niya. Hanggang di ko napigilang dalhin ang halik na yun sa lips niya.

She's damn delicious! Ewan ko ba kung yung kinakain niya na sinaid ko sa may lips niya o sadyang matamis talaga ang lips nya na hanggang ngayon ay hinahalikan ko. This girl is drivin' me insane! Naramdaman ko nalang na nalaglag yung hawak hawak nito sa paa ko at nagreresponse na siya sa halik ko. Hinawakan niya pa ang batok ko para mapadiin ang mga labi namin.

I've deepen the kiss. Our lips is sealed. Para akong nakukuryente sa nararamdaman ko habang magkadikit ang mga labi namin. Dahil medyo tipsy nako, naisandal ko sya sa may unahan ng kotse nya at lalong napadikit ang katawan ko sa kanya. Halos parang nakadagan na ako sa kanya habang nakahawak parin siya sa batok ko.

Di ko napigilang hawakan ang dulo ng skirt niya habang dahan dahan kong pinapasok ang kamay ko paakyat. Gosh! She's damn hot!

Nagulat ata ito sa ginawa ko at bigla niya akong naitulak. Buti na lang di gaanong malakas at di ako natumba.

Aalis na sana siya sa pagkakahiga niya sa kotse ng mabilis kong naiharang ang katawan ko at dumukwang ako sa ibabaw niya. Dahilan para mapasandal siya ulit. Hinarang ko ang mga kamay ko sa gilid niya at tinitigan siya.

"You're so beautiful sweetie. You're just mine." Sabi ko habang nakatitig sa kanya. Di ko na alam. Basta masaya ako na nakita ko na ulit siya.
Wala akong pakialam kung nagmunukha akong maniac sa mga sinasabi ko sa kanya.

God. She's so pretty! Kahit medyo madilim ay kitang kita ko ang namumulang mukha nito..

Hahalikan ko pa sana siya ng..

Peeeeeppppp..
Peeeeepeeeeeep..

Peeeeeep..

May kung sino na namang gagong bumusina sa likod ng kotse niya. Tumama pa ang ilaw nito sa mukha ko, dahilan para umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Parang sumiklab ang galit ko sa gagong bastos na yun. Sa galit ko. Bigla akong tumayo at tumungo sa likod ng kotse niya para bulyawan ang mga walang modong gago na yun.

Kahit pasuray suray at nagawa ko pang tadyakan ang hood ng kotse ng gagong bumusina.

"Get out of the fucking car idiot! C'mon! How dare you mess with me! Get out scum bag!" At pinagsisipa ko ang kotse niya.

Narinig ko nalang ang pagtunog ng gulong at matuling pagtakbo ng sasakyan sa likod ko.

Napaisip ako bigla..

Shit! Nakalimutan ko siya! Saan siya pupunta? Hahabulin ko pa sana ang kotse pero mabilis na nawala na ito sa paningin ko.

Fuckkkkk! Nawala na naman siya!

Nanlilisik ang mata kong binalikan ang kotseng sumira ng moment namin ng babaeng matagal kong hinanap.

"I will send you to hell! Get out!!!!!" Pinagsisipa ko ang kotseng yun habang sumusuray at pinagmumura ang nakasakay dun. Dinuro duro ko pa ang salamin nito para bumaba ito.

Bumaba dito ang lasing na lalaki na mukhang addict at ngumisi lang sa mukha ko. Mabilis na hinawakan niya pa ang bewang ko na lalong ikinagalit ko.

"Let me bring you to heaven miss, you'll finally taste heaven with me." Nakangising sabi nito.

Nagulat na lang ako dahil biglang may lumipad na suntok mula sa likod ko at sapol sa mukha yung lalaki dahilan para mabitawan niya ang bewang ko.

Natumba ako at nagdilim na lahat..






The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon