DALE'S POV
Kararating ko lang sa bahay namin. Its been a long day. At ang daming nangyari.
Kanina nung nameet ko yung parents ng kaibigan kong si Jessy ako yung nagulat. Her dad knows me and my family. At ayun gulat na naman si Jess. Parang timang lang na kinulit pa ang daddy niya. Naging business partners din pala sila ng dad ko dati. Naconfirm ko ito ng tumawag si daddy kanina tungkol sa nangyari. Trusted naman daw yung Daddy ni Jess na si Mr. Asuncion kaya walang problema tungkol sa totoong pagkatao ko. At dahil dun, nagbilin na lang ako sa Daddy ni Jess na siya na lang mag explain sa anak niya. Napakadaldal at napakakulit naman kasi ng babaeng yun. Tinalo pa ang reporter sa ingay ng bunganga.
Pagkatapos kong dalawin ang mommy ni bestie ay nagpaalam na rin ako. Gabi na rin kasi at may pasok pa bukas. Sinabihan ko na lang si Jess na magkita bukas bago ako umalis.
Nakapag usap na rin kami ni daddy at okay na ang lahat, tutulungan daw ni dad bumagon ang kumpanya nina Jessy. Matagal rin naman daw kasi ang pinagsamahan nila ni Mr.Asuncion, Jessy's dad. Masaya din si dad kasi proud daw ako na sabihing anak niya ako. Dati kasi ayokong malaman ng iba na isa akong Sy.. Atleast now medyo okay na at masaya ang araw ko.
Its a very long day, pero napakagaan ng pakiramdam ko. Kahit naman oa ang friend kong si Jessy e natuwa naman ako kasi di siya kagaya ng iba na nagbabago pagkatapos malaman lahat ng tungkol sakin. I can totally count on her.
Matutulog na sana ako ng kumatok sa kwarto ko si Mommy. Pagbukas ko ay nakita ko siyang may dalang maraming Tulips.
''Wow! Thank you mommy! Alam na alam mo talaga kung anong paborito ko..'' Sabay kuha sa kanya.
''Oppsss.. Its not from me baby, hehehe!'' Inilayo niya naman ito sakin.
''Huh? Kanino naman Mom?'' Curious kung tanong.
''It says here...'' Babasahin pa sana ni mommy ang nakalagay sa bulaklak ng bigla ko itong inagaw. Baka kasi galing din ito sa nagpapadala ng tulips sakin sa school at sa nag iiwan ng tulips sa locker ko.
''Baby di ko pa nababasa ah.. Hmmmm.. Mukang may suitor na naman ang anak ko ha, diniliver kanina yan dito bago ka dumating.. Teka kanino galing yan baby? He knows you, alam niya na dito ka nakatira e. And nobody knows its your favorite flower maliban samin anak. Hehehe!'' Nang aasar at nakangiting sabi ng mommy ko.
''Goodnight mom! You should sleep, its getting late.'' At hinalikan ko bigla si mommy sabay tulak ng konti sa kanya para maisara ko ang pinto ng kwarto ko. Alam ko kasing di na naman ako tatantanan ni mommy. Magtatanong na naman yun ng paulit ulit.
''Baby.. Open the door! I wanna know who's that guy giving you those flowers this late..'' Narinig ko pang humahagikhik si mommy.
Mas kinilig pa sakin ang mommy ko. Baliw talaga yun. Wait. Kanino nga ba 'to galing?
''Mommy wag ka ng makulit! Matutulog na ako. Maaga pa akong babalik ng condo bukas.'' Sagot ko na lang dito. Naririnig ko kasing di pa siya umaalis sa harapan ng pinto ng kwarto ko.
''Mom?!!! I know andyan ka pa. I can smell your old-fashioned victoria secret perfume!!'' Nagtitili kong sabi. My mom really knows how to annoy me! Grrr!
''Hahahaha! You owe me a story okay? Sige na, may pasok ka pa bukas. I love you baby, bawal pa magboyfriend ha? Hehehe!'' Narinig kong sabi ng mommy ko habang palayo na ito.
Sumisixteen na naman ng mommy ko.. tsk!
Buti naman di na ako kinulit..
Binasa ko ang nakalagay na maliit na papel na nakasingit sa bouquet at napangiti ako sa nabasa.
''I miss you so much my sweetie. :* See you tomorrow. I hope this flower can make you smile.. 143.''
Alam ko kung kanino nanggaling yun. Ang baduy baduy talaga nung babaeng yun, ang jejemon pa. Pero para naman akong baliw na kilig na kilig sa nabasa ko. Naconfirm ko na sa kanya rin nanggagaling ang mga tulips na inaabot sakin sa school ng kung sino at nakasingit sa locker ko minsan. Parehas kasi ang handwritting nila, parang kinahig ng manok. Hahaha! Pero wala akong pakealam. Nakangiti ko itong tiningnan at hinaplos ko pa ang maliit na papel na sinulatan niya..
Lately nagiging confuse na ako sa sarili ko. Sa nararamdaman ko. Alam ko namang mali at hindi dapat. Pero ewan ko. Habang iniisip ko na maling magkagusto ako sa same sex lalo naman akong naiinlove sa Mitch na yun. Inlove? Tama ba yung naisip ko na yun? Am i really inlove to that lady who always shut my mouth using her sexy lips? Ako naman itong si gaga na sa halip na tumutol at tarayan siya e nagpapadala naman.
I never felt like this before, never akong nakaramdam ng parang tambol na tibok ng puso ko na halos mabingi ako sa lakas. Yung tipong parang magkakaheart attack ako kapag nasa tabi ko siya. Bwisit na babaeng yun. Nagiging confused tuloy ako dahil sa pagnanakaw niya lagi ng halik sakin. Bat ganito. Naguguluhan na talaga ko. How idiot i am to fall for that gorgeous pervert na wala ng ginawa kundi itease at iseduce ako samantalang kung iba yun baka nasampal at nasipa ko na.. But here she comes, kahit ilang ulit na niyang ginawa yun di ko man lang nagawang tumutol..
Napahawak nalang bigla ako sa lips ko.. Natatawa ako sa naisip kong yun sa mga oras na ito..
I miss her..
I miss her scent..
I miss her sexy tempting lips..
God! I miss everything about that lady who always there and makes me feel special..
Waaaaaaaaa!!! This is crazy!! I hate to feel this way.. This is all wrong. Kailangan ko siyang iwasan. Baka nalilito lang ako.. Ano nalang ang sasabihin nina Daddy at Mommy pag nalaman nila na sa babae pa ako nagkacrush.
Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinilot hilot ang sentido ko habang nag iisip. Di ko na rin namalayan at nagdilim na lahat..

BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...