BRENT'S POV
I really want to kill him. Pasalamat siya at may mga umawat kung hindi baka di ko napigil ang sarili ko at napatay ko siya.
Pinilit kong wag masangkot sa gulo dahil sa pakiusap ng girlfriend kong si Krista. Pero nung nakita ko yong gagong yun na minamaniac si Dale parang bigla akong naging demonyo
Gusto ko talaga siyang patayin sa bugbog ng mga oras na yun! Next time na makita ko pa siya talagang wawasakin ko ang mukha niya!
Kinabahan ako nung nakita kong takot na takot ang pinsan ko. Ang gagong yun! Siya lang ang naglakas ng loob para gawin yun kay Dale.
Para talagang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng oras na yun! Tatawa tawa pa ang manyak na yun kanina sa office nung nagkaharap kami ulit! Fvk that guy! Wag lang magkrus ang landas namin ulit dahil sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha sa unggoy!Papasok na ako ng gate ng school, kakahatid ko lang kay Dale sa private parking. Mismong si tito Manolo ang sumundo sa kanya sa private parking kaya dun ko siya hinatid. Nalaman kasi agad ni tito Manolo ang nagyari, almost 50% kasi ng Willford High e si tito Manolo na ang nagmamaya ari. Kaya di na ako nagtaka ng nakarating agad sa kanya ang nangyari.
Alalang alala si tito ng makita si Dale na parang takot na takot, kaya nagpasalamat ito sa akin dahil sa pagtatanggol ko sa pinsan ko. Minabuti na muna ni tito na sa mansion muna umuwi si Dale kahit ayaw nito.
Ipapakulong sana ni tito yung lalaking gumawa nun pero si Dale na ang nakiusap sa kanya na wag nang makialam.
''Hon, nakarating sa akin ang nangyari.. How's Dale? Nasan siya?'' Nag aalalang sabi ng papalapit kong girlfriend.
''She's fine now hon, sinundo siya ni tito. Tito's really mad, napakaluwag daw kasi ng security dito sa school. Alam mo naman na si tito ang nagmamay ari ng halos 50 percent ng share dito sa school. Magpapatawag daw siya ng urgent meeting regarding that incident.''
''Why on earth did that stranger do that to Dale? Di kaya alam nito ang pagkatao ni Dale?'' Krista asked.
''I dont think so hon, his face is new here. Namaniac lang siguro talaga kay Dale, ang lakas nga ng loob eh, sa dami ng nagkakandarapa at nanliligaw kay Dale sa school e walang nag attempt na galawin siya just that bastard!''
''Bat ba kasi napakaganda ng pinsan mo hon, kailangan niya na rin siguro ng bodyguard. Bat kasi ayaw pa niyang sundin si ninong.''
''She'll not buy that. Kilala ko si Dale, she hates popularity by name. And also. She really hates her dads bodyguards.'' Nakangiting turan ko dito.
''Si Dale talaga.. Hon buti okay na yang mga sugat mo, i thought you're that tough e bat mukha atang tinamaan ka niya. Hehehe.'' Pang asar na sabi ng girlfriend ko.
''Dale cleaned it."
"Ohhhhh c'mon hon, kung nakita mo lang ang mukha nung ungas na yun baka matawa ka. Halos basagin ko na ang muka niya e.'' Mayabang na sagot ko.
Nasa may school canteen na kami ni Krista ng may babaeng nagsalita sa may likuran ko.
''How's my babe?''
''Mitch??? Ikaw na ba yan? Look at you! You're still gorgeous. How's the states? Kelan ka pa nakabalik?'' At agad akong lumapit dito sabay yakap.
''Eto lalong gumanda, di mo ba ako papakilala sa girlfriend mo?'' Simpleng sagot ni Mitch habang nakatingin kay Krista.
''Come here hon, Meet my brat ex and the new bitch in the university, Mitchella Buenaventura.?"
"Mitch this is the Vice-Presidents daughter and my future wife, Krista Juanillo.'' Mayabang na sabi ko habang nakangiti.
''Napakayabang mo pa rin Brent, baka maniwala niyan si Krista na i'm a bitch. Well i'm the most gorgeous bitch here. Hahahaha. Nice meeting you Krista.'' At nakipagshake hands sa girlfriend ko.
''Wife agad agad Brent? Baka di matiis ni Krista ang kahanginan at kayabangan mo at iwan ka niyan.'' Nang aasar na singit naman ni Jessy. Kasama na pala nila ito.
Nagtawanan naman lahat sila pati ang girlfriend ko.
''Pinagkakaisahan niyo na naman ako huh, mahal na mahal ako ng girlfriend ko no, kaya nga nagbabago ako para sa kanya. Kanina lang ulit ako sinaniban ng masamang espirito dahil sa gagong yun. Buti nga di ko napatay.'' Seryosong sabi ko. Nabubwisit na naman ako.
''Brent, about that guy.'' Si Sab.
''That's why we're also here, the guy you almost break the face is..'' Pauline.
''That bastard! Makita ko ulit siya at talagang ako pa ang maghahatid sa kanya sa morgue.'' Biglang singit ko kay Pauline at galit na galit na sabi ko. Parang uminit ulit ang ulo ko.
''He's my stupid boyfriend Brent." Mitch.
Sabay kaming napatingin ni Krista sa kanya. Habang lalo namang napalitan ng galit ang expression ng mukha ko.
''Your what??!" Pagalit na tanong ko habang si Krista naman ay humawak lang sa braso ko at nakatingin lang. Nagulat din.
''Look Brent, he's my fvking boyfriend okay. But i don't care, tama lang sa kanya ang ginawa mo! It's my fault. Dapat di ko na sinama yun dito." Paliwanag ni Mitch.
''I also don't care kung boyfriend o kaano ano mo yun Mitch! Binastos niya ang pinsan ko!! Your idiot boyfriend touch her again and he's dead! I will not hesitate to kick his ass and send him to hell!!'' I'm totally mad.
''Hon, relax. Its all over okay. Let's just forget what happen.'' Alo sa akin ni Krista na niyakap pa ako.
Seryoso lang akong tumingin sa girlfriend ko.
''Chill guys, let's just forget it okay. Know what, let's call it a day. Atleast everything's fine now. Di tayo nag aaway right?'' Pumagitna naman si Pauline sa aming dalawa.
''Let's chill later at Mico's bar after our classes. Katatapos lang ng renovation nito. For sure mag eenjoy tayo dahil maganda at mas malaki na daw ito ngayon.'' Nagyayayang sabi ni Jessy.
''We're okay guys right? Let's not ruin our day. Treat ko later, and Brent, isama mo ang pinsan mo, ako na mismo ang magsosorry sa kanya."
"I'm so sorry guys, kararating ko lang pero nagkagulo na.'' Si Mitch.
''You just don't understand why i'm this mad. Well. Di pa rin ako magsosorry sayo Mitch dahil sa ginawa ko sa boyfriend mo. Tandaan mo, di pa ako tapos sa kanya!'' Banta ko pa.
"I can't believe na naging boyfriend mo yung kulugong yun! Anyway. Di ko maisasama ang pinsan ko, sinundo siya kanina ni tito. Dun na muna siya magsstay sa...''
Shit i forgot.
"Uhmmmm.. Dun sa hotel, kakauwi lang kasi ng daddy niya kaya yun. Basta.."
Shit muntik na akong madulas!
''Akala ko nasa ibang bansa ang parents niya? Sinundo siya? Bat di namin nakita para sana nakilala namin." Nagtataka namang sabi ni Jessy.
"Ahhh... Forget her guys. Basta nakauwi na yun."
"O sure tayo later ha, alis na kami ni Krista, may training pa ako e. Welcome back ulit Mitch! See you later.'' Umalis na kami ni Krista para di na sila masyadong magtanong.
Nakisakay naman si Krista kaya di na sila nagtanong pa at di na kami pinigilan nung umalis kami.

BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
Roman d'amourPaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...