Chapter 47

8.1K 299 13
                                    

Past 12 na nakarating ng bahay si Mitch dahil sa baha. Kaya pagdating nito ay dumiretso agad ito sa kwarto niya para makapagshower. Buti na lang at medyo humina na ang ulan at di na masyadong kumikidlat. Soundproof din ang room niya kaya mahina lang din ang naririnig niyang ingay sa labas dahil sa ulan. Ipinaayos ito ng daddy niya simula nung nagkatrauma siya.

Pagkatapos nito magshower ay agad niyang isinaksak ang headseat sa tenga at nagplay ng music saka nagtalukbong ng kumot. Yun ang ginagawa niya kapag ganun ang panahon.

Pumasok naman ang mommy niya sa kwarto niya para samahan at icomfort siya.

''Don't be afraid baby..'' At niyakap pa ang anak na ramdam niyang natatakot pa rin.

''Mommy.. Huhuhu!'' Naiiyak na parang bata na sabi nito habang yakap ng mommy niya.

''Sana laging may bagyo para lagi kang ganito anak.'' Pagbibiro pa ng mommy niya.

''Not funny mom!! I'm shaking here! This weather's gonna kill me.'' Pagalit nitong sabi sa ina niya.

''Shhhhhhh.. Nagbibiro lang anak, sa ganitong situation lang kasi kita nayayakap at nalalambing ng ganito. The past days napakadami mo na namang ginawang di nagustuhan ng dad mo. You also keep on yelling your brothers. Lagi mainit ulo mo.''

''Mom naman, not now pleasee.. Ngayon mo pa talaga naisipang pangaralan ako. Not this time mom please.'' At tinakpan pa ng unan ang tenga niya.

Niyakap lang naman siya ng mommy niya hanggang sa makatulog na ito saka siya lumabas. Di na niya pinatay ang ilaw dahil di nakakatulog ang anak niya kapag walang ilaw sa kwarto niya.

Halos 3am na ng magising si Mitch sa lakas ng ulan at kulog. Kahit kasi soundproof ang kwarto niya ay narinig niya pa ang malakas na kulog. Natakot siya lalo ng parang may humampas sa bintana ng kwarto niya kaya naginginig siyang napabangon sa kama niya at tumakbo palabas. Naglalakad siya sa hallway para pumunta sa kwarto ng mommy o ng kuya niya ng biglang nagbrownout at kumulog ng malakas kaya natakot na talaga siya at nagpanic. Sa sobrang takot ay wala sa sariling binuksan niya ang guest room at pumasok dun para dun magtago. Ito lang kasi ang malapit sa pwesto niya.

Parang naaninag naman niya dahil sa ilaw dala ng kidlat ang bulto ng katawan ng tao na nakahiga sa kama at tulog parin. Naisip niya na baka ang Mommy niya dahil dun ito natutulog pag binabantayan siya sa ganitong situation.

Bigla na namang gumuhit ang kidlat at sinabayan pa ng malakas na kulog ang narinig niya kaya bigla siyang napatalon sa kama. Sumiksik siya sa kumot ng natutulog niyang mommy at niyakap ito ng mahigpit. Nanginginig na ang buong katawan niya at naiiyak na rin siya sa takot.

''Mom.. I'm afraid.. Don't leave me pleasee. Huhuhuhu!'' At sumiksik pa lalo siya sa katawan ng mommy niya. Parang nagulat naman ang mommy niya sa ginawa niya.

''W...wwhat are yoo..you doing??'' Namamaos pa nitong sabi. Halatang kagagaling lang sa malalim na pagtulog.

Parang pilit namang kinikilala ni Mitch ang nagmamay ari ng boses kaya di siya nakapagsalita.

''Who are you? Why are you here? Why are you.... Oh shit!!!! Get off me!!'' Bigla ata itong natauhan dahil sa biglang pagtataray nito. At kahit madilim at wala itong makita ay pilit na inaalis ang mahigpit na pagkakayakap sa kanya ni Mitch.

Parang lalo namang nanlamig si Mitch ng makilala ang nagmamay ari ng boses. Mixed emotions na rin dahil kanina pa siya takot na takot.

''Dale????????' Why are you.. Waaaaaaahhhhh!! Enough pleasssee... Huhuhu!'' Bigla ulit humigpit ang pagkakayakap nito kay Dale dahil sa biglang guhit ng kidlat at parang sumasabog na tunog ng kulog.

''Oh God! You are Mitchella??'' Di makapaniwalang nasabi ni Dale. Si Mitch naman ay walang pakialam na nakasiksik parin sa katawan niya at ramdam niya pa ang panginginig nito. Narinig pa niya ang paghikbi nito kaya bigla siyang nakaramdam ng awa.

''Come here... Shhhhhhh! It's okay.. I'm here Mitch..'' At ibinalot niya na rin ang kumot sa katawan ni Mitch saka kinabig para yakapin.

''Huhuhu! Don't leave me please.." Humihikbi parin nitong sabi.

'' You're shaking Mitch. Relax okay? God! What will i do? Ju.. just think it was just a noise coming from an old angry lady with a funny stupid face.. Yea right.. an old lady which has ahm... Dont be afraid okay? Pati ako nagpapanic sayo...'' Nagkanda lito lito na ring pag aalo niya rito para di na ito matakot.

''I'm afraid Dale..'' Di pa rin ito makatingin sa kanya at naiiyak na rin.

''Husssshhhh..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Mitch kahit di niya ito masyadong maaninag. ''Listen Mitch.. It was just a little noise okay? It wont hurt you.. Nobody can hurt you babe.. I'm here, I wont leave you... Shhhh... " At niyakap niya ito. Medyo tumigil na rin ito sa paghikbi at yumakap rin sa kanya.

''Dont mind if its dark here okay? Magkakailaw rin mamaya dont worry.. Di kita iiwan..'' Pag aalo niya rito.

Di ito sumagot at nakayakap lang sa kanya. Bigla na namang kumulog ng pagkalakas lakas at sinundan pa ng kidlat bago bumuhos ulit ang malakas na ulan. Napahigpit ulit ang yakap nito sa kanya pero di na ito masyadong nanginginig di gaya kanina.

Dahan dahan niyang tinapik na parang bata ang likod ni Mitch. ''Let's sleep now okay? I wont leave you.. I promise..'' At nanatili sila sa ganong posisyon hanggang di nila namalayang nakatulog na sila parehas..




The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon