Chapter 65

10.1K 273 13
                                    

DALE'S POV

Andito kami ngayon ni Mitch sa isang pizza parlor at katatapos lang maglunch. Late na kami parehas nagising kaya late na rin kami nakapagsimba. Dito na rin kami dumiretso dahil past 11 na kami lumabas ng simbahan.

Sobrang saya ko ngayon, di lang dahil kami na ni Mitch kung hindi dahil nararamdaman ko kung gaano siya kasincere at gaano niya ako kamahal talaga. Nakikita at nararamdaman ko kasi kung gaano siya kasweet sakin dahil sa mga kilos niya, she always wanted to protect me at di siya nagsasawang pangitiin at pakiligin ako lagi. Ewan ko ba, simula ata nung nakilala ko siya naging weakness ko na ata ang pagiging sweet niya kaya nafall din ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Mitch, ayoko lang masyadong ipakita. Natatakot pa rin kasi ako kasi she's my first love and first of everything.

"Babe, bat ang tahimik mo.. May problema ba?" Tanong ni Mitch na hinawakan pa ang mukha ko at tinitigan ako.

"Wala babe, im just happy.. Di lang ako makapaniwala na magiging tayo. Saka syempre, di ko alam pano natin sisimulan ito."

"Bakit naman babe? Mahal na mahal kita, alam ko na ganun ka rin. Kung di man magiging tayo, gagawa pa rin ako ng paraan para at the end tayo pa rin. I cant loose you that easy.. Mahal na mahal kita babe, sabay nating haharapin lahat. Di kita iiwan, i promise you that.. Wag na mag isip okay?" At masuyo niya akong hinalikan sa labi.

"Babe naman ee, we're in public." Protesta ko, baka kasi may makakita. Marami pa kaming dapat ayusin at pag usapan ni Mitch tungkol dito.

"Who cares babe.. Mahal kita at girlfriend kita. Hahalikan kita kung saan at kung kelan ko gusto. Saka wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. I'm just proud of having you as my girlfriend." At hinalikan niya ulit ako sa lips, mas matagal at ramdam ko ang pagmamahal niya.

"Iloveyou babe.. Sakin ka lang ha?" At hinalikan niya ako sa forehed ko.

Di talaga siya nagsasawang pakiligin ako. Eto naman ako, kilig na kilig na parang ewan.

"Babe namumula ka na naman, lalo kang gumaganda. Hahahaha! Cute mo talaga.." At hahalikan niya sana ulit ako ng iharang ko ang mga palad ko kaya sa kamay ko lumanding ang nguso niya.

"Hep!! Nakakarami ka na Mitchella Buenaventura, baka naman mamaga na ang nguso ko niyan. Inaabuso mo na ang mga lips ko ha, tingnan mo nga at nawala na yung lipstick na nilagay ko. Hmp!" Natatawang reklamo ko.

"Babe naman e.. Ang sarap mo kasing halikan, saka di ako magsasawang gawin yun no. Saka girlfriend kita, hahalikan kita kung kelan ko gusto."

"What?! Magtigil ka ha, ayoko ng PDA! Nakakailang, saka ano na lang ang sasabihin ng makakakita satin. Ano kaba babe. And one more.. Nag aadjust pa ako.."

Napakamot na lang siya sa batok. "Okay babe, i understand. Basta sinasabi ko sayo. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mahal kita at gusto kong malaman ng lahat yun."

"I love you babe, sorry ahh.. Nahihirapan pa kasi ako mag adjust. Saka alam mo naman kung sino ako, kailangan ko ring mag ingat."

"Isa pa pala babe.. Nagtext si Daddy, pinapapunta niya ako sa mansion. Kaya kailangan na nating magmadali." Dagdag ko.

"E di ihahatid kita, girlfriend mo na ako at di ko hahayaang umuwi o magpunta ka sa kahit saan ng mag isa."

"Its not that easy babe.. Di moko pwedeng ihatid.. Alam mo namang bago lang tayo, saka di ko pa naoopen ito sa kanila." Malungkot na sabi ko.

"Nahihiya ka ba na girlfriend moko babe." Narinig kong sabi niya.

"Di naman babe.. Ano ba.. Intindihin mo na muna ako.. Alam mo namang di ganun kadali sa side ko."

"Then look at me and tell me... Bat di ka makatingin sakin?"

Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan niya ako sa mata kaya nasalubong ko ang mga mata niya.

"Before... I was sort of depressive. I hated my life, I also almost hated my family especially my father. I thought i was cursed. I had no desire to pursue my studies outside our home. Akala ko kasi forever na sa loob nalang ako ng mansion. Di pwedeng gawin ang mga bagay na ginagawa ng normal na tao. It seemed like I was just existing and not really living. Then years have passed and my Mom and Dad prove me na they just did that for my safety. That they really love me that's why ginagawa nila lahat yun just to protect me.. I know kung gaano rin sila nahirapan para lang maprotektahan ako kaya naman inintindi ko sila."

Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko habang nakikinig.

" I love you Mitch, di naman kita ikinahihiya sa parents ko.. Mahal na mahal kita.. Its just that.. We need to talk about everything pa. For you to know me better at para rin mapag usapan natin kung paano maoopen up ang lahat ng bagay na tungkol sating dalawa. Sa nararamdaman natin. I love you and syempre gusto ko ring ipaalam sa lahat yun. Especially sa family ko. You barely know them naman di ba? Alam mo rin kung anong kaya nang gawin pagdating sa akin at para sa safety ko. Ayoko lang kasi babe na bumalik yung dati. Na di ako makalabas sa bahay, sorrounded with bodyguards.. etc.. At ayokong mawala ka.. Ayokong malayo sayo.."

"I dont know what to say.." Naiiyak na ako kapag naiisip ko ang pwedeng mangyari.

''Shhhhhhhh.. Tama na babe.. I understand okay? We'll take it step by step.. Just trust me on this. Di kita pababayaan, sobrang mahal na mahal kita and i cant afford of loosing you. Dont worry much about your Dad and Mom, nakausap ko na naman sila e.." Nakangiting sabi ni Mitch na ikinataas ng kilay ko.

"What do you mean babe?"

"Nothing.. Basta tandaan mo, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ipaglalaban kita at di ko hahayaang mawala ka. Gagawin ko ang lahat para sayo.."

"Alam ko naman babe eh! What i'm asking is ano yung sinabi mong kinausap mo sina Dad! Ano ba yun??"

"Wala nga babe.." Simpleng sagot niya at hinalikan niya ako bigla saka ngumiti ng matamis.

"Mitchella ha! Dont do anything stupid!! Hayaan mong ako ang magsabi kina Daddy at Mommy, di mo kilala si Daddy."

"Oo na babe, just dont worry okay?? I love you. Ihahatid na kita sa bahay niyo okay? Bawal magreklamo."

"Ha?? Wag na babe, baka makahalata sila. Saka mabilis lang naman ako e.. Babalik din ako ng condo kasi may pasok ako bukas."

"Ihahatid na kita babe, wag ng matigas ang ulo okay. Hatid lang naman e, promise matutuwa pa silang makita ako. Hehehe!" She chuckles.

"Bat naman sila matutuwa?"

" Wala naman. Alam ko lang. Hahahaha! Ihahatid kita. Period. Wag ka ng magreklamo babe okay? Tapusin na natin ang lunch natin kasi sigurado hinihintay na nila tayo.."

" Weird mo babe, umayos ka nga. Basta wag mo akong pangungunahan. Di mo pa kilala si Daddy." Seryosong sabi ko na nginitian niya lang.

"Oo na girlfriend ko. Alam ko po. Basta. I LOVE YOU."

"Hey!! Nakakarami kana talaga! Akala mo ha. Bilisan na nga natin." Sabi ko ng makita kong hahalikan na naman niya ako. Napansin ko kasing medyo tumitingin na yung nasa kabilang table.

"Akala ko lang makakalusot. Hehehe! Nakaka addict ka kasi babe. Ang lambot ng lips mo.."

"Babe, hinaan mo nga yang boses mo.." Pabulong na sabi ko. Pano ba naman di na nahihiya. Ang lakas pa ng boses.

"Oo na nga po girlfriend ko. Ang cute mo talaga kapag namumula ka ng ganyan. Pwede bang wag na muna tayong pumunta sa mansion niyo? Magkulong na lang muna tayo sa condo mo babe. Hehehe!" At kumindat pa siya saka nagpacute.

"Mitchella?! Napaka mo!! Bilisan mo na dyan bago ko tusukin yang mata mo ng tinidor! Pakindat kindat ka pa diyan!!" Pinandilatan ko nalang siya ng mata. Kaya naman tumawa lang siya ng tumawa dahil sa ginawa ko.

Hayy sana forever na kaming ganito..




















The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon