Maagang nagising si Mitch dahil sa tawag ng Kuya Rafael niya. May family breakfast daw sila sa bahay. Kaya nagmadali na siya.
Tulog na tulog pa rin si Dale. Kaya naghanap na lang siya ng ballpen at papel. May nakita siyang post it sa table nito kaya nagsulat na lang siya ng note para dito.
Hinalikan niya ulit ito sa noo bago umalis.
''Aghhhhhh.. Damn! Ang sakit ng ulo ko.. Parang mabibiyak sa sakit.'' Hinilot hilot ni Dale ang ulo habang nakapikit at sinasariwa ang mga nangyari kagabi.
DALE'S POV
Ano kayang nangyari kagabi. Wala na akong masyadong maalala.
Gezzzz.. Ang sakit pa ng ulo ko!
The last time i remember, uminom lang ako ng uminom hanggang nag agawan na kami ni Brent dun sa alak na hawak ko. Then nagsuka ako ng nagsuka..
Ughhhhh.. Shocks.. Ang sakit talaga ng ulo ko.
Ding dong...
Ding dong...
Who the hell is that.. Ang aga aga.. Bwisit.
Ding dong.
Ding dong..
Bumangon ako agad at tinungo ang pinto. Ang aga aga! Siguro si Brent ito. Lagot sakin tong monster na 'to!
''What do you want!'' Bungad ko pagbukas ng pinto.
"Uhmmm.. Ma'm... Be..bbreakfast delivery po.. So.. sorry if i woke you up..''
Napanganga naman ako sa hiya sa delivery boy na bumungad sakin. Natakot ata sa pagsigaw ko.
''Sorry. I thought you're my friend.''
Nakakahiya. Kagigising ko lang. Sabog sabog pa ata ang buhok ko. Para kasing naguguluhang nakatingin ito sa itsura ko.Nagsign na lang ako dun sa inabot niya. At napatitig ako sa pagkaing inabot niya.
Wala akong natatandaan na nagpadeliver ako ng pagkain. Parang masarap naman. Inamoy amoy ko pa ito.
Magtatanong pa sana ako dun sa delivery boy kaso wala na siya. Bat di ko man lang namalayan na nakaalis na yun. Antok pa nga ata ako.
Napatitig na lang ulit ako sa box ng pagkaing hawak ko. Parang bigla akong nagutom.
Ibinaba ko ito sa table ko ng may napansin akong maliit na papel na nakasingit sa box. Kinuha ko ito at binasa ang nakalagay dun.
''For my sleepyhead Angel,
Sorry di ako marunong magluto kaya nagpadeliver na lang ako. Nagmamadali rin kasi ako. Don't worry nextime mag aaral ako magluto para sayo :)
Missyou already.
See you at the school sweetie.. muah!Your Mitch ♡''
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.
''Your Mitch????'' Ang kapal niya ha! Pa sleepyhead sleepyhead pa siya. Natigilan ako sa naisip ko.Ohmy.. Sleepyhead?? Pano niya nasabi yun? Di kaya....
Natahimik ako bigla ng makita ko ang itsura ko sa giant mirror sa harapan ko.
Sinong nagbihis sakin? Pinilig ko ang ulo ko.. Wala talaga akong maalala sa nangyari kagabi. Di kaya totoo yung panaginip ko?? Para kasing nananaginip ako na may magandang babae na nag alaga sakin at.... ohhh no! It can't be!
Di kaya totoo yun, at si Mitch yun?? Nakakahiya.. At siya pa ang nagbihis sakin????
Uhhhhhhhh! Nakakahiya talaga..
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...