Few hours before Mr. Manolo Sy meets her daughter's friends..
MANOLO'S POV
Andito ako ngayon sa SYcorp to have a late lunch with my old friend Romeo Buenaventura. He is my former classmate wayback to elementary up to higschool. He is also my bestfriend. We are like real brothers. Walang masyadong nakaka alam nun dahil alam niyo naman dito sa business industry.
Minsan kase ginagamit ng kalaban ang ibang malalapit na tao sayo para lang makaangat sa larangan ng business.
Almost a year din kaming hindi nakapag usap ni Romeo. Parehas kase kaming abala sa mga business namin. Lastweek he calls my personal secretary to set an appointment with me. Medyo nagkakaproblema daw ito sa business niya. Di naman daw masabi sa mga anak niya dahil sila na rin ang magmamanage nito at ayaw niyang madagdag pa ito sa kanilang isipin.
Matagal ko ng kakilala si Romeo kaya kahit ano mang tulong ay kaya kong ibigay sa kanya. Malaki rin kase ang tiwala ko dito.
Kakababa ko lang ng tawag ko kay Stephanie para tanungin kung papunta na siya dito ng makita ko na si Romeo na papalapit. Kasama nito ang panganay na anak nito. Kailangan kasi nito ang may kasama dahil kagagaling lang nito sa sakit ilang beses na raw itong nastroke. Stress siguro sa kumpanya niya.
"Kumpadre, how's the business going? Balita ko nag expand na naman ang shipping business ni kumare ah?" Nakangiting sabi niya habang nagkakamay kami.
"Okay naman kumpadre, teka ito na ba ang inaanak kong si Rafael? Binatang binata na rin ah! Nung huling nakita ko 'to e nagsa highschool pa lang ata siya."
"How are you Ninong." Nakangiting bati naman ni Rafael at kumamay na lang ito bilang paggalang.
"Businessman na rin ang dating mo Rafael ah, may asawa kana ba? May apo na ba ako?" Tumatawa kong sabi.
"Hay nako kumpadre, wala na yang ginawa kundi mangbabae kahit may asawa na, may apo na tayo diyan sayang nga lang at ilang buwan pa lang kaya di namin pwedeng isama.'' Sabi ni Romeo habang nakangisi.
"Daddy naman, pinapahiya moko kay ninong Manolo e.'' Kumakamot sa ulo na reklamo ni Rafael.
''That's nice! Buti kapa kumpadre at may apo na, kaya pala bumabata ka lalo, hehehe. Normal lang naman ang maging babaero iho basta wag mo lang bubuntisin ng bubuntisin. Tandaan mo mahalaga sa success nating mga businessman ang may maayos na pamilya.'' Sabay tapik ko sa braso niya.
''Opo ninong. That was just my past time, nakakastress kasi sa office. Si daddy kasi sa akin pina manage ang clothing industry niya. Ang hirap pa naman dahil di ko gaanong gamay ang pamamalakad niya dati doon.''
''Anak, its for your own good naman. Lalo na at may pamilya kana.'' Romeo.
''Tama na yang drama ninyong mag ama dyan, lets talk about it over the table. My wife will be here in a minute. Pinasundo ko na sa driver ko, she also wants to see you Romeo. Nag alala din kasi yon ng malaman ang madalas na pagkakasakit mo. Kaya nung nalaman niya na medyo okay kana at magkikita tayo e sinabi sa akin na sasama siya. Pinacancell pa niya ang ibang meeting niya sa client niya makapunta lamang dito.''
''Si kumare talaga, o siya. Let's go para din mas maayos ang kwentuhan natin.''
Ilang minuto lang ay dumating na si Stephanie. Kaya mas nakapag kwentuhan kami ng matagal pagkatapos kumain. Nalaman din namin na okay na daw ang company nila, napagtulungan daw ng mga anak niya.
''Oo nga pala Romeo, nasaan na ang na iisang anak na babae mo? Mukhang business minded narin ah. Sabi mo kasi sila ang umayos ng problema ng company niyo sa US. Nakauwi na ba siya?'' Tanong ng asawa ko.
''Ay nako Steph, sakit din sa ulo ang batang yun. Buti nga at medyo tumino na. Pauwi na rin yun soon, dito niya na itutuloy ulit ang college niya.'' Romeo.
''Napaka ganda pa naman ng anak mong 'yon kumpadre, magkasing ganda sila ng anak namin. Mabuti naman kung uuwi na siya para mas malapit sa inyo, at para di na kayo nag aalala. Sigurado magiging mabuting magkaibigan sila ni KD. Sabihin mo na lang kapag dumating na siya para makapag kwentuhan ulit tayo. Isama mo na rin si kumare.'' Stephanie.
''Oo nga ano. Alam niyo naman ang asawa ko. Abala masyado. Anyway kamusta na si KD? Siguro dalagang dalaga na ito, ang pagkakatanda ko ahead lang si Mitch sa kanya ng isang taon. Napakaganda siguro ni KD, bat di nga pala ninyo naisama para naman makilala ko ang batang yun.'' Romeo.
''Dad, babae ba si KD? Di ba lalaki yun? Everybody knows KD is a boy.'' Rafael ask his dad seriously.
Tawa lang ang isinagot ng mag asawang Sy at ng daddy niya.
''Dad?! What? How come na KD is a girl?'' Tanong ulit nito.
''Iho, you will understand everything when the right time comes. Romeo, ikaw na nga ang mag explain sa inaanak kong 'to.'' Paliwanag ko.
''Let me explain later Rafael, for now. Tapusin na natin ito at may importanteng lakad pa ang ninong mo.''
Nagtawanan na lang ang magkakaibigan at tinapos na ang pagkain nila.
Nakauwi na ang mag amang Romeo at Rafael, ihahatid ko na sana sa may parking area ng Resto ang asawa ko ng lumapit ang Managing supervisor na si Lian, siya ang namamahala sa Sycorp resto.
''Sir, may i talk to you for a while?'' Sabi niya.
''Ofcourse, make it quick.''
''Sir Ms Krystin is here. She's with her friends. Classmates i think.'' Dagdag nito.
''Really?? Hon.. Our daughter is here.'' Sabi ko sa asawa ko.
''Talaga hon? Lian nasaan siya? Tell her we're waiting at the executive lounge. Bilisan mo baka umalis yun.'' Tuwang tuwang sabi ng asawa ko.
''No hon, mauna kana dun at dadaanan ko ang anak natin.''
''Okay hon, bilisan niyo ha, miss na miss ko na ang baby natin.''
''Lets go Lian, baka di na natin siya maabutan.''
''This way sir.'' Sagot nito.
Umalis na kami papunta ng VIP area, kasunod ko ang mga bodyguards ko. Kailangan makausap namin si Krystin, naging abala na ito sa school kaya di na kami halos nakakapag usap. Namimiss na rin siya ng mommy niya.
Nakita ko siyang kasama ng mga kaibigan niya, anak din ito ng mga kakilala ko sa business industry. Buti nalang at kasama nila si Brent at Krista, makakalapit ako sa kanila ng di nila alam na si Krystin ang pakay ko.
''Lian, let me talk to them. You may back to work.'' Sabi ko kay Lian at umalis na ito. Ako naman ay nakangiting lumapit sa table nila. Kinamayan at binati pa ako ng ibang nadaanan kong halos kilala ko rin.
''A pleasant evening everyone. Did you enjoy your meal.?'' Panimula ko.
''Good evening din po.'' Sagot ng mga ito. Titig na titig pa ang mga ito sa akin habang ako naman ay nakangiti lang. Lumapit naman si Brent sa akin para kamayan ako. Naiilang na ring tumayo ang anak ko nung tingnan ito ni Brent at hinalikan ako. Kitang kita ko sa mga mukha ng kaibigan niya ang pagkagulat. You can see confusion on their face.
''Enjoy your meals ladies, i need to go. My wife and son is waiting. If you need something, dont hesitate to call the Vip assisting supervisor.'' Nasabi ko na lang at iniwan ko na lang sila para di na mailang si Dale.
Nakakatuwa na ang anak ko ay maraming ng nakilalang mga kaibigan, at nakikita ko sa mga mata niya ang saya habang kasama ang mga ito. Miss na miss na namin siya ng mommy niya..
Salamat po sa mga nagfollow sa DREAME account ko. At sa mga walang sawang nagmemessage sa akin. I'm trying everything that I can para mareplyan ko kayong lahat.
This story is also finished. Inaayos ko lang ito para di kayo mahirapang magbasa.
Please continue to follow and support me on DREAME ✔
https://m.dreame.com/novel/323625216/The%20Lady%20Marine%20Engineer

BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomansPaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...