Galit na galit si Mitch pero wala na siyang nagawa. Nakahiga na rin daw ito sa kotse niya dahil dun daw binaba ni Brent. Kaya wala na siyang choice kundi ihatid ito. Gigisingin na lang niya ito para di siya mahirapan.
Nagdadabog na pumunta na ito sa kotse niya.
Naabutan pa nito si ate Cherry, siya yung isa sa mga trusted waitress nina Mico.
Pinapaypayan pa nito ang babaeng paupong nakahiga sa backseat ng kotse niya na tila lantang gulay sa sobrang kalasingan.
MITCH'S POV
Bwisit talaga tong Brent na 'to! Pshhhh! Nasa kanya nga pala ang duplicate ng susi ng kotse ko kaya nadala niya dito itong lasinggerang ito! Hiniram niya kasi ito nung nasa States ako.
''Ate Cherry, salamat po. You may go. Ihahatid ko na yan.''
''Ahhh, ma'm ingatan nyo daw po si ma'm ano.. Si ma'm....'' Nagkakamot sa ulo na sabi nito. Nakalimutan ata ang pangalan ng babaeng pinapaypayan niya.
''Just go. Ako na ang bahala diyan.'' Masungit na sabi ko. Umalis naman ito na parang nag iisip pa rin ng kung ano.
Ano nga bang pangalan ng babaeng ito. Tsk! Kababaeng tao ang lakas ng loob uminom di naman kaya ang sarili. Bwisit. Kairita ang mga ganitong babae.
Nakasabog pa ang buhok nito sa mukha niya kaya di ko masyadong makita ang mukha niya. Plus. Medyo madilim pa. Maayos naman ang pwesto nito kaya di ko na ginising. Parang pamilyar ang amoy ng perfume nito, di ko alam kong saan ko naamoy. Pero di ko na pinansin. Nakakabwisit kasi. I can't believe i'm babysitting a drunk stranger!
Ayoko ring gisingin. Mamaya magsuka pa ito sa kotse ko. At baka masipa ko pa ito palabas. Mamaya na lang siguro pagdating sa condo niya. Isinara ko nalang ang magkabilang pinto ng kotse at binuhay ang makina. Binuksan ko na rin ng malakas ang aircon para di ito mainitan.
Papaandarin ko na sana ito ng maalala ko. Shit! Saang condo pala! Ano ako maghuhula!? Pag di ka nga naman minamalas.. Bwisit!
Bumaba ako at binuksan ulit ang pinto ng passenger seat. Sumakay ako at isinara ulit ito para lumamig sa loob. Binuksan ko kasi ang aircon. Umupo ako sa may tabi niya at binuksan ang dim light para makita ko siya.
''Hey Miss! In what condo are you living?'' Sabi ko lang dito. Di naman ito umiimik. Tulog na tulog pa rin.
Kinalabit ko na ito. ''Miss.. Wake up. Saan ka bang condo kasi nakatira huh?'' At kinalabit ko ulit ito.
Bigla naman itong nagising na parang nananaginip pa. Hinawi nito ang sariling buhok at kinusot kusot ang mata. Di pa rin ito nagmumulat masyado dahil sa pagkalango nito sa alak.
At nagulat ako ng makita ko ang mukha nito.
"Ughhhh! My head hurts. Hik! Brent.. Don't leave m...me coushh.." At bigla akong niyakap ng mahigpit nito dahilan para madaganan ako na lalong ikina shock ko naman.
Ngayon ay halos nakahiga na kami at nasa ibabaw ko siya habang nakayakap parin sakin. Nakapatong pa ang mukha niya sa kanang dibdib ko. Para akong nagpapatulog ng baby. Gosh!!
Hindi lang shock. Shock na shock na shock!
Her voice!
Alam kong di ako lasing at di ako nananaginip kaya di ako pwedeng magkamali. Idagdag mo pa ang amoy nitong hinding hindi ko makakalimutan kahit pa may halong amoy alak ito. At lalo na ang mukha nitong di ko nakakalimutan at nakaukit na sa puso ko.
Isa pang ikinalito ko ang pwesto namin ngayon. Napaka awkward. Napagkamalan niya pa akong si Brent..
OMG! Siya pala ang pinsan ni Brent??
Totoo ba 'to? Shit! Kung alam ko lang..
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...