DALE'S POV
Maaga kaming nagsimula magpractice, nalalapit na kasi ang cheering competition kaya halos araw araw ay 7am palang nagsimula na kaming insayo.
Buti pa sina Brent, 9am pa ang start ng training nila. Kaya ang mga unggoy nanonood sa amin habang nagpapractice. Naglalaway pa ata ang ibang kateam mate niya habang nanonood sa ibang kasama ko na kitang kita ang nag gagandahang mga legs habang nagpapacute na sumasayaw.
Ganito kaaga pero napakadaming nanonood sa amin. Tss. Karamihan pa boys. Napakadami talagang maniac dito sa school.
Habang sumasayaw kami, napansin ko ang isang lalaking nakatitig sa bawat galaw ko. Di ko alam kung student din ito dito o baka naman outsider, di kasi ito naka uniform. Sa itsura niya, halatang half Filipino ito. Halos naninilaw na kasi ang buhok nito.
Lalo akong nailang dahil nakita ko siyang titig na titig sa legs ko habang nakangisi.Ewan ko ba. Parang nababastusan ako sa kanya kahit sabihin nating sanay na ako sa mga nanonood sa amin araw araw kapag nagpapractice kami.
At lalo pa akong nabwisit ng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa na para akong hinuhubaran! Shit! At tinapunan ko na lang ito ng masamang tingin.
Pervert! Sigaw ng isip ko.
''Girl, sobrang naglalaway ata sayo yung gwapong yun. Ingat ka ha. Mukha pa namang pinsan ni Mr Gray.'' Pabirong bulong sa akin ni Jessy bago ituloy ang kanyang pagsayaw.
Di ko na lang ito pinansin at nagfocus nalang ako sa rehearsal.
Binigyan naman kami ng 10 minutes break para makapag cr at makapag pahinga ng konte kaya pinuntahan ko si Jessy.
''Jessy samahan mo naman ako sa comfort room, kanina pa ako naiihi.''
''Ako din Dale, let's go.''
Naglakad lang kami ng konte at comfort room na. Wala namang masyadong gumagamit nito kaya parehas kaming nakapasok at magkatabing cubicle lang kami.
Nauna akong natapos kaya nagsalamin muna ako at inayos ang damit pati lipstick ko.
''Jessy, are you done?'' Tanong ko.
''Not yet sis, mukhang masama kasi ang tiyan ko kanina pa.''
''Im just outside okay? I'm gonna check kung nagsstart na. Do you need something for your stomach? Maybe i can get it for you.''
''I'll be okay, mawawala din siguro ito."
"Okay girl, go.. Basta balikan moko ha.'' Sagot ulit ni Jessy.
''Oo na, basta bilisan mo.''
Pagkalabas ko ng cr ay may biglang humila sa kamay ko na ikinagulat ko naman.
''Hey there sexy.. Can i have your name?'' Nakangising sabi nito na dahilan para kabahan ako
Shit sabi na maniac 'tong anak araw na 'to.
''Hey baby, i know i'm pogi. Can i have your name?'' Sabi nito na medyo slang pa.
''Let go of my hands!'' Sabay hila ko sa kamay ko na hawak niya at tinalikuran ko ito.
Maglalakad na sana ako ng bigla niya akong hinila dahilan para mapasandal ako sa wall ng cr at hinarang niya ang katawan niya dahilan para mag panic ako.
''Ano ba! Get off!!!!" Sigaw ko dito habang pilit ko siyang itinutulak. Pero habang tinutulak ko ito lalo naman niya akong dinidiin sa wall. Pangisi ngisi lang ito at namumungay ang mga matang nakatitig sa lips ko.
Lalo akong kinabahan ng maramdaman ko na halos dikit na dikit na ang katawan niyang nakaharang sa katawan ko.
''You're a pevert!! Get off me!!!" At pinaghahampas ko ang mukha niya na tila ikinainis pa nito.
Hahalikan na sana ako ng maniac na 'to ng mapansin kong may mga palabas ng Men's comfort room. Siguro nabulabog sa sigaw ko at nakita ko si Brent na pasugod dito na nanlilisik ang mga mata.
At mas mabilis pa sa kidlat na nahila ng pinsan ko ang lalaki at pinagsusuntok ang lalaki sa mukha. Galit na galit na minura ito ni Brent habang walang tigil na binabasag ang mukha nito.
Nasuntok ng lalaki si Brent sa may labi pero agad namang nakabawi ang pinsan ko at buong lakas na sinuntok ito sa panga habang tinatadyakan ito.
Ako naman ay nakatayo lang at nakatulala sa mabilis na pangyayari.
Dumami na ang nanonood sa away na nagyayari. At mabilis na dumating ang mga kateam mate ni Brent at inawat ito.
Halos di na makita ang kanang mata ng lalaki dahil sa dugong kumalat mula sa kilay nito.
''Sis! What happened? Are you okay? What happen?'' Halata pa ang pagkagulat sa mukha ni Jessy na kakalabas lang ng cr.
Di naman ako nakasagot. Nakatingin lang sa dalawag lalaking pilit pinaghihiwalay ng mga football players.
''Oh my gosshh! Dale what happen?! Bat nag away sila? At bat galit na galit si Brent?''
''The.. The white guy ha.. harrased me.. '' Pautal kong sagot.
''Kaya pala nagalit si Brent! Ngayon lang ulit yan nakipag away e, i told you. That guy who is dying just to stare you is a maniac! Dapat lang sa kanya yun! Tingin pa lang kasi halata mong pervert! Are you okay? Nasaktan ka ba?" Walang prenong daldal ni Jessy.
''Couz, are you okay? I'm gonna kill that bastard! Kung di lang ako pinigilan ng mga kateam mate ko mapapatay ko talaga ang manyakis na yun!'' Pagalit na sabi ni Brent.
Di namin namalayan na nasa harap na namin si Brent. Yung lalaki naman ay dinala sa office para maimbestigahan. Outsider daw kasi ito.
''Thank you Brent. Akala ko talaga tuluyan na akong mababastos ng lalaking yun.'' Naiiyak na sabi ko.
''Di ko hahayaang mangyari yun couz, buti na lang naisipan kitang sundan dito sa cr, napansin ko na kasi kanina pa yun na malagkit ang tingin sayo.''
''Brent, you should go to the clinic. Para malinis na yang mga sugat at pasa mo. Thankiee pala sa pagsasave kay Dale ha.'' Jessy.
Ngumiti lang si Brent na parang walang nagyari.
''Si Dale na ang maglilinis ng sugat ko Jessy, punta lang ako ng office. Pinapasunod ako ng security officer dun. Wag kayo aalis dito ha, pag nakita nyo pala si Krista sabihin nyo hintayin ako.''
At tiningnan lang namin ito habang papunta ng school office.
Unti unti na rin nawala ang mga nakikinood sa nangyari.
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...