Napanganga si Jessy pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ni Dale. Usapan kasi nila kahapon na pumunta siya ng maaga sa condo ni Dale para sabay silang pumasok. May duplicate naman siya ng condo nito na si Dale na mismo ang nagbigay para kapag daw wala ito ay pwede siyang magstay dito.
Naabutan kasi niyang magkatabi at magkayakap sina Dale at Mitch habang tulog na tulog silang dalawa.
Kaya naman kinalampag niya ang pinto dahilan para magising ang dalawa.
"Stop that Jessy!! Ang aga aga!" Bulyaw ni Mitch sa kaibigan na di pa halos makamulat dahil sa antok.
"So.. Pwede ko bang malaman kung bat nandidito ka sa condo ni Dale ha Mitch? Ehemmmm!! At talagang magkayakap at magkatabi pa kayo?!" Pagtataray ni Jessy habang nakapamewang.
Naalimpungatan na rin naman si Dale at agad lumayo at inalis ang pagkakayakap kay Mitch.
"Ano?? Magtititigan na lang ba kayong dalawa? Ano bang nangyayari dito? Dale?! Mitch?!"
" Wala bang iimik? Bat magkatabi kayo? At bat nandito ka ha Mitchella?"
Namula naman si Dale na halos di makatingin kay Mitch na relax lang na ngumiti saka pumikit ulit para matulog.
"Jess.. Why are you this early?"
"Anong why are you this early Dale ha? Baka naman nakalimutan mong may practice tayong maaga, saka anong ginagawa niyan dito??" Turan ni Jessy habang nakaturo sa nakapikit ulit na si Mitch.
"Ha? Ahmm.. Kasi..."
"Kasi????" Nakataas ang kilay na tanong ni Jessy.
"Can we talk later Jess? Maliligo lang ako. Wait for me okay." At mabilis na umalis ito at iniwan ang nagtatanong pa ring si Jessy.
Nang wala na naman si Dale ay agad nitong dinaganan si Mitch para magising ulit ito.
"Ano ba Jessy, inaantok pa ako!"
"Anong inaantok? Parang condo mo ito ah, kanina pa ako daldal ng daldal. Bat nandito ka? Dito ka natulog? Kelan pa naman kayo naging close ni Dale huh??"
Dinedma lang naman ni Mitch ang kaibigan at kumuha pa ng unan saka itinakip sa mukha niya. Inagaw naman ito ni Jessy saka hinampas ang kaibigan.
"Awwww! Ano ba Jesssyyyyy!!!!" Reklamo ni Mitch sa ginawa nito.
"Are you courting Dale?? Sabihin mo nga ang totoo Mitch, ano bang meron sa inyong dalawa? Nacu curious na ako sa ikinikilos niyo ha!"
"Stop hitting me Jessy!! Ano baaa!"
"Okay fine, I like her okay? And i'm gonna court her beginning this day.." Patuloy na sabi ni Mitch.
Natigilan si Jessy. "May manliligaw pa lang ba na nakatulog na agad sa bahay ng liligawan? Pwede ba Mitch! Pano kang nakatulog dito?? Saka seryoso ka ba ha?"
"Seryoso ako Jessy.. I like Dale, matagal na.. Simula pa nung una kaming magkita.."
At ipinaliwanag lahat ni Mitch kay Jessy ang lahat lahat simula umpisa, pati ang mga plano niya pagdating kay Dale. Napag usapan na rin ng dalawa ang pagkatao ni Dale na parehas nilang alam.
"Wag niyo nga akong tingnan ng ganyan? Bat ba kasi magkkwentuhan lang kayo di pa kayo dun sa sala." Sabi ni Dale na kakalabas lang ng banyo at nakatapis pa habang tuloy tuloy sa pagtulo ang basa pa nitong buhok.
Agad naman tinabunan ni Jessy ang mata ni Mitch at nagharutan pa ang dalawa na parang mga bata.
"You both get out!! Magbibihis ako, dito pa kayo mag aasaran ng ganyan!!" Inis na sabi ni Dale ng makita ang dalawang walang pakelam na gumugulong sa kama.
"Kasi Dale minaman... ķwrrrrrggggggshhhhhrtttt...." Di na naituloy ni Jessy ang sasabihin niya dahil tinabunan na ni Mitch ang bibig niya.
Tumaas naman ang kilay ni Dale at tiningnan ulit ang ginagawa ng dalawa.
Magsasalita pa sana si Mitch pero mabilis na hinila ito ni Jessy palabas ng kwarto saka isinara ang pinto.
Naiiling na lang na nagbihis si Dale agad agad dahil baka malate na siya..
"Let's go, Dale.. Sa labas na tayo kumain, saka malelate na tayo." Yaya ni Jessy ng lumabas si Dale ng kwarto niya bitbit ang bag niya.
"Uhm... Where's Mitch?"
"Umalis na Dale, may pasok din kasi yun. Pinapasabi na lang na magkita kayo sa school. Nagmamadali na umalis ee.."
"Ahh. Okay.. Let's go.." Parang nanlumong sagot ni Dale na pilit ngumiti para di mapansin ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...