Chapter 40

9.6K 255 2
                                    

Busy sa paggawa ng assignments ang mga kaibigan ni Mitch habang nakaupo sa damuhan ang mga ito.

Nakita niya pa si Brent na kumakain ng spaghetti. Nakatitig sa pagkain na nilalantakan ni Brent na lumapit siya dito.

''Where did you get that Brent?'' Nakakunot ang noong tanong nito.

''Sa wakas! Dumating ka rin Mitch, why the hell are you late again. Sama mo makatingin sa kinakain ko ah, hehehe!''

''I said. San mo nakuha yan!"

''What's your problem?? Why? Do you want some? Sorry. Ubos ko na eh. Hahaha! Just buy yours babe! Kelan ka pa naging interesado sa mga kinakain ko.'' Nakangising sabi nito.

''Kinain mo lahat????''

''Di naman lahat, galing lang ito kay Dale, sa pinsan ko, di kasi kumakain yun ng spaghetti. Ewan ko ba bat bumili e di naman siya kumakain nito.'' Tuloy parin sa pagsubong sabi nito. May sauce pa ito sa pisnge pero di alintana at sarap na sarap pa sa pagkain.

''Talaga? Di pala siya kumakain ng spag?  Kamusta nga pala siya?'' Nakangiting sabi ni Mitch.

''Sudden change of mood huh.. Malapit ko na talagang isipin na nagda drugs ka babe.'' Tuloy pa rin ito sa pagsubo.

''Kayong dalawa lang ba dito huh? Did you already meet Brent's cousin Mitch?''Sab.

Si Krista naman ay walang pakialam sa boyfriend na tinalo pa ang bata sa pagkain rin ng spaghetti.

''Kelan kayo nagkakilala?'' Halos magkasabay na tanong ng magkakaibigan.

''Si babe ang naghatid sa kanya kagabi. Siya lang kasi ang di nakainom eh. Remember? Mga lasing na kasi kayo kaya di niyo na maalala.'' Si Brent.

''Ikaw????'' Pauline.

''Kaya pala parehas na lang kayong nawala kagabi, ano ba problem ng pinsan mo hon? Tinalo niya pa ang hustler sa inuman kung makalagok ng alak kagabi. Ayaw pa paawat.'' Nagsalita na rin si Krista.

''I dont know hon. Ayaw niya sabihin e.''

Nakatingin lang naman si Mitch sa kanila habang nag uusap.

MITCH'S POV

Ano nga kayang problema ng sweetypie ko. Di ko man lang natanong. Kahit kase natutulog siya kagabi. Ang lungkot parin ng mata niya.

''Alam mo Mitch, you're acting so weird simula ng dumating ka galing States. Ano bang iniisip mo. Para kang retarded diyan. Magagalit ng walang dahilan tapos tatawa ng parang walang nangyari. Psh! Pacheck up kana girl.'' Maarteng sabi ni Jessy.

Nginitian ko nalang si Jessy. Parang ang saya ko, biruin mo. Di niya inignore yung pinadeliver kong pagkain sa kanya, tapos dinala pa niya dito sa school makain lang. Atleast now i know na di siya kumakain ng spaghetti.. Lihim naman akong napangiti.

''Ughhhh.. Something's really wrong with you Mitch, try to see a doctor'' Sabi din ni Sab na binato pa ako ng tissue.

''Ohhh, don't tell me may bagong boyfriend ka na naman girl? Wanna share it with us? Ng matikman naman namin.'' Nakangising sabi naman ni Pauline.

"Wala no! Nasa ten commandments na ba ngayon na bawal maging masaya? Ha? Hayaan niyo nga ako!"

''So Girlfriend?????'' Magkasabay na sabi ni Krista at Pauline.

Tumingin naman sakin silang apat. Pati si Brent ay tumingin din ng nakakaloko.

"Ha? Pwede ba! Tantanan niyo nga ako! Wala pa akong girlfriend no!" Naiilang na sabi ko. I feel uneasy.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon