Chapter32

9.4K 327 9
                                    

Halos 3days ng nagpractice ang Cheerleading team. Pati na rin ang ibang sports na lalaban sa nalalapit na University competition kaya halos lahat ng kasali dito ay laging pagod.

Sobrang training ang pinapagawa sa kanila dahil na rin siguro gusto lang ng school nilang manatiling top best University sa buong Pilipinas.

MITCH'S POV

Three days ko na rin siyang sinusundan. Ewan ko ba bat natotorpe ako. Parang wala akong lakas ng loob para lapitan siya. Nakukuntento na lang ako sa pagsunod sunod sa kanya.

Natatakot din ako na baka kapag nakilala niya ako ay magalit siya. O worst umalis at di na magpakita. I don't know kung ano ang magiging reaction niya.

Nung unang araw na tumakas ako sa mga bestfriends ko para sundan ko siya, marami na akong nalaman sa kanya.

Lagi itong dumadaan sa famous flowershop na The Flower Madness para bumili ng tulips. Tinanong ko kasi yung flowershop na yun. Lage daw yun ang binibili nito at walang iba.

Maybe its her favorite.

Nalaman ko rin na ''Dale Evangelista'' pala ang real name niya.

At ang nakatuwa pa. Sa condong pag aari ng family namin siya ngayon tumutuloy. Ang El Buena Condominium na ngayon ay si kuya Rafael ang nagmamanage.

After ko malaman ang favorite flower niya, araw araw na akong nag iiwan ng tulips sa locker niya.

At natutuwa ako kapag nakikita ko siyang napapangiti habang hawak ang bulaklak na pasekretong binigay ko sa kanya.

Nagpromise ako na before mag Sunday ay magpapakita na ako sa kanya.

And today is saturday. So this is it.
Wala na akong dapat sayanging araw.

I really want to pursue her and make her mine.


DALE'S POV

Nakakapagod. Sabado pero may practice parin. Perfect naman na namin ang presentation. Tss.

Pero bat ganun? Parang nawawala ang pagod ko kapag may naaabutan akong tulips na nakaipit sa locker ko. 2days na rin simula nung may nag iiwan ng flower sa locker ko. Nakaka excite kase wala namang ibang nakakaalam na yun ang paborito ko. Kahit sino ata sa mga manliligaw ko wala pang nakaka alam. Maliban na lang sa mysterious person na yun.

Pero bat ganun? Wala namang importante sa taong yun pero bat parang nae excite akong malaman kung sino siya. Kinikilig din ako kapag nakikita ko ag nakasabit na tulips na yun which is weird.

Sino ba kasi yun?

Nasa malalim ako ng pagiisip ng bigla na namang nagring ang cellphone ko.

''Hello Mommy?''

''Baby, what time ka uuwi?''

''Pauwi na rin mommy, katatapos lang nang practice namin e. I'll just fix my things at uwi na rin ako.''

''Do you want our driver to fetch you?''

''I can manage mom. Dont worry. I'll be there before 11am.''

'Okay baby. You take care okay.'

'Yes mommy, i'll hang up na po, para maayos ko na ang gamit ko.'

''Okay baby, well wait for you here okay? I love you. Bye.''

Kailangan ko na pala umuwi ng mansion, may lunch pa nga pala ako with mom and dad.

Binitbit ko na ang sports bag ko at nagpunta ng locker. May mga iiwan pa kasi akong gamit dun.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon