Chapter 50

8.7K 268 10
                                    

Halos isang linggo ang mabilis na dumaan. Bumalik na rin sa regular school days pagkatapos ng event sa school. Nanatili pa rin namang nangunguna ang Willford sa lahat ng University matapos masungkit ulit nila ang pagiging overall champion pagkatapos ng ginanap na competition.

3rd day na ngayon ng regular classes ng mapansin ni Dale na di pa rin pumapasok ang kaibigang si Jessy. Di na rin kasi niya ito nakikita sa campus. Tinatanong din niya ang ilang close friend sa team nila at kahit sina Sab at Pauline pero di rin daw nila alam. Naging close na rin naman sila. Maliban kasi kay Krista at Brent ito yung madalas niyang kasama. Tinatawagan at tinitext niya ito pero di sumasagot. Nag aalala na rin kasi siya. Buti na lang at ng subukan niya ito ulit tawagan ay sinagot nito ang tawag niya.

''Jess? Thank God you pick up my call!! Anong nangyayari? Nag aalala na kami sayo..''

''Dale...'' Naririnig ni Dale ang pag iyak sa kabilang linya.

''Jess? Are you okay? Are you crying??''

''I need someone to talk to Dale. Kita na lang tayo. I'll just text you. Mababaliw na ako.'' Naiiyak pa ring sabi ng kaibigan niya.

''Basta ikaw Jess, wag ka ng umiyak dyan. Let's see each other okay? Pa out na rin naman ako kasi wala yung last subject ko.''

''Okay bestie see you, thanks.. Let's just talk later.''

Magsasalita na sana ulit si Dale ng parang may narinig siyang nagsalita sa background ni Jessy bago pa naputol ang linya nito.

After few minutes naman ay narecieve niya ang text ng kaibigan. Napag usapan naman nilang magkita sa SyCorp Resto para dun mag usap, kaya naman mabilis na siyang nag ayos at tumungo sa meeting place nila para madamayan ang kaibigan.

Pagkarating niya ng SyCorp ay nakita niya itong nakaupo sa table at tulala. Nakita niya pa ang namumugtong mata ng kaibigan. Ng makita siya nito ay naiyak lalo ito at yumakap sa kanya.

''Hey sis.. Shhhhhh.. Stop crying.. Ano bang nangyari?'' Sabi ni Dale habang hinihimas ang likod ng kaibigan.

Di pa rin sumasagot si Jessy at tuloy pa rin ang tahimik na pag iyak nito.

''Tama na Jess.. I'm just here, you can tell me everything.. Sige ka papangit ka na niyan kakaiyak mo. Wala ng lalaking lalapit sayo.'' Pagbibiro niya. Medyo ngumiti naman ang kaibigan niya na namumugto pa rin ang mga mata. Pina upo niya muna ito at inabutan ng tubig.

''Dale.. I'm gonna die.. huhuhu! Ayoko na..'' Nakahikbing sabi nito.

''Wag ka ngang oa dyan sis! Ano bang sinasabi mo kasi? Naguguluhan na ako. Speak up. Kaibigan mo naman ako e, ano bang nangyayari sayo? Bat di kana pumapasok? Di ka naman sumasagot sa text at tawag ko. Nag aalala na kami.''

''Sis... I'm going to be married after 4 days.. Huhuhu! The groom is 30 years older than me.. Sis, mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ikasal sa amoy lupang matandang hukluban na yun.. Huhuhu!'' At tuluyan ng umiyak ulit ito.

''Whaaaaattt??? Are you dead serious???''

"Why so sudden?'' Nagulat namang tanong ni Dale.

''Si mommy nasa hospital pa. God! Inatake siya sa puso when she heard what's the problem and what's going on with our business and my dad's company. Dale di ko na alam. The next thing i know na halos ikabaliw ko ay ng malaman ko na ikakasal na ako sa matandang yun.. Huhuhu!'' Tuloy tuloy na sabi ng kaibigan niya habang di tumitigil sa pag iyak.

''Omg you're serious!? Wait! Isa isa okay? I don't understand what is happening at kung bat ka magpapakasal? I know you.. Never kang nagkaroon ng boyfriend na mas matanda sayo saka kilala naman namin ang mga nagiging boyfriends mo. Di mo naman kailangang magpakasal dun besy eh! And what happen to your mom? Is she okay now?'' Nalilito na ring tanong ni Dale habang inaalo ang kaibigan.

"So, my bride to be is here! Buti na lang at nasundan ka ng mga tauhan ko na dito ka pumunta. You can't just runaway like that to me lady! Baka nakakalimutan mong malaki ang pagkakautang sa akin ng ama mo! Kaya sa ayaw at sa gusto niya kailangan mong magpakasal sakin!" Isang lalaking may edad na ang biglang sumulpot sa harapan nila at may kasama pa itong dalawang bodyguard. Nakangisi pa ito habang nakatingin kay Jessy na nagulat rin.

Natulala run si Dale at di alam ang gagawin o sasabihin dahil sa pagsulpot bigla ng matandang parang kasing tanda pa ata ng lolo niya.

"You're coming with me darling. Pasalamat ka at may kameeting ako dito kaya nadaanan na rin kita. Di ka na mahihirapan pang magtaxi. I know you and your family lost everything. Sa wakas mapupunta ka rin sakin!" Parang manyakis na nakangising sabi ng matanda.

"Mr. Thomson please. Ayokong magpakasal sayo.. Hayaan niyo na lang po kami ng pamilya ko. Makakabayad rin kami sa utang namin..'' Umiyak na tuluyan si Jessy.

"Wala akong pakialam! Gusto ko lang ay makasal ka sakin! Di na sana mangyayari ito kung dati pa ay pumayag ka na. Umabot tuloy tayo sa ganito."

"What are you waiting for?! Kunin niyo na ang magiging asawa ko at iuwi niyo na sa bahay ko!" Galit na utos ng matanda sa mga bodyguard niya.

"No! Ayoko! Mr. Thomson please! Nasa hospital pa si mommy. They need me now. Ayokong pati si Daddy ay maapektuhan sa nangyayari.."

Lalapitan na sana si Jessy ng mga lalaki ng biglang magsalita si Dale.

"Touch her and i will kick all of you out of this building!!!" Tumayo at namewang na sabi ni Dale na humarang pa sa kaibigan para di malapitan ng mga lalaking gustong kaladkarin siya.

"Dale what are you doing, you doesn't know that old man. He can do whatever he likes without anyones permission." Halos pabulong na sabi ni Jessy sa kaibigan.

"You better leave us alone young lady! You have nothing to do with it. Everything is settle now. Kung ayaw mong masaktan, wag ka ng makialam dito. I'm trying not to make a scene here."

"Really?? Magkano ba ang utang ng Daddy niya sayo para pilitin mo siyang magpakasal sayo? And now you're forcing her to like and marry you? Wala ka bang puso? You know that her mom is in the hospital." Deretsong sabi ni Dale.

"Sis, tama na. Sasama na lang ako sa kanya para walang problema." Pilit na pinatatabi ni Jessy si Dale pero di naman ito nakikinig.

"Is your friend here knows me darling? The old man smirks. Di mo alam kung sino ang kinakabangga mo iha. Wag ka ng makelam dito. Sa laki ng utang ng pamilya niyan sakin e kulang pa siyang kabayaran! Now leave us."

"I can pay you old man. Will you stop bothering my friend here? She can't marry you because she doesnt love you. Alin ba ang di mo naiintindihan dun?" Relax lang na sabi ni Dale.

"You're funny little kid. Can you pay me 80 Million? Hahaha! Now answer me. Aalis ka ba o gusto mong pati ikaw ay kaladkarin ng mga tauhan ko dahil sa pangingialam mo." Humahalakhak na sabi nito.

"Dale, wag ka na makelam. Ayokong madamay ka dito. Family problem namin ito. I will just come with him para matapos na to. Wala rin naman akong magagawa." Lumuha ulit si Jessy at akmang maglalakad na papunta sa matanda ng..

"Ma'm may problema po ba?" Lumapit ang Vp for Operations ng SyCorp.

"Mr. Salcedo? How are you? Bat napadaan ka dito?" Nakipagkamay pa si Mr. Thompson kay Mr. Salcedo.

"Mr.Thomson.. Andito ka pala. Do we have problem here?"

"Wala naman Mr.Salcedo, you may leave us. Bat ka ba pumunta dito? I'm not calling you." Masungit na sabi ng matanda.

"I don't want to be rude but, actually the owner of this building you are standing called me thats why i'm here." Formal na ngumiti lang ito at bumaling sa kinatatayuan nila Dale at Jessy.

"Ma'm? What is it? May problema po ba?" Nakatingin ito kay Dale. Lahat naman ay nagtatakang napatingin rin kay Dale lalo na si Jessy na nagulat sa sinabi ni Mr. Salcedo.

































The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon