Chapter 49

9.5K 307 12
                                    

DALE'S POV

Katatapos ko lang maligo. Di ko nga alam kung pano ako natapos. Kanina pa kasi ako tulala. I just can't believe everything happen since last night!

That Mitch..

The drunken lady who kissed me a year ago at the parking lot..

Ang babaeng pilit kong kinakalimutan..

At nung nakaraan lang din, siya yung babaeng laman na naman ng isip ko. The nerve of that witch! Naalala ko na naman nung bigla ko siyang nakita sa loob ng shower area ng school. Grrrrrrrr! Nakakainiiiiis!! That witch almost raped me!!!

Rape? Really? Parang nagustuhan mo naman? Shut up brain! Ano ba tong naiisip ko? Bwisit na yun, bat pa kasi nagkita kami ulit. Kung kelan medyo nakakamove on na nga ako sa panghahahalay niya last year e.

Panghahalay? Wag ka ngang OA. Diba nagustuhan mo naman? Nagresponse ka pa nga nung hinalikan ka niya e. Kinilig ka pa. Anong inaarte mo ngayon dyan? Waaaaaaaaaa! Ipinilig ko ang ulo ko. This is'nt happening!! Yung babaeng yun. Siya pa pala ang anak ni Tito Romeo at Tita Mish. Grrrrrrr!

The other night, i'm so drunk. Then we sleep together. Pasweet pa ang mokong na yun at kung ano ano pang tinatawag sakin.

And then last night.. We just...

Waaaaaaaaaaaahhhh!

Ang kapal niya talaga!! Minamaniac niya pa ako samantalang siya na mga yung tinulungan ko kagabi. Parang minamaniac niya kasi ako sa way ng pagtitig niya sakin. Grrrrrr! Gusto ko ng umuwi. Baka mamaya kung ano na naman ang kahalayang gawin niya sakin tapos di na naman ako makareact man lang. Tssss! Bwisit na yun.

Bat nga ba ganun na lang ang epekto niya sakin. Sa tuwing magkakalapit kami. Alam kong mali pero bat parang nagugustuhan ko na nasa paligid lang siya. Na kinukulit niya ako kahit nabubwisit nako sa kanya..

Napahawak ako sa dibdib ko. Bat pag nasa paligid ko lang siya ang lakas lakas ng tibok nito. Parang magkaka heart attack pa ata ako. Whatever! Nakakabwisit kasi siya! Nakaka inis. Nagagawa niya pang ngumiti na parang wala lang.

Napakaraming nangyari.. Dati akala ko after ko malaman na siya yung friend nina Jess at Girl bestfriend ni Brent e tapos na. Tapos ngayon naman siya pala yung nag iisang babaeng anak nina Tito Romeo. That stubborn freak! Siya yung baliw na tumakas sa hospital. Ganun ba talaga ako kaayaw makita ng bruhang yun? Tapos lately naman lagi siyang sumusulpot sa harapan ko. She's weird.

Tok!

Tok!

Tok!

"Iha.. Gising ka na ba?" Natigilan ako ng may kumatok.

Shit! Isa pa andito ako sa bahay nila. Di ko siya maiiwasan. Kailangan ko ng umuwi. Okay naman na ang panahon e.

Tok!

Tok!

Tok!

May kumatok na naman kaya binuksan ko na.

"Iha buti naman at gising ka na, let's go. The lunch is ready. Di na natin lahat namalayan ang oras, nagbrown out pa kagabi." At humalik pa si Tita Hannah sakin pagkatapos niya magsalita.

"Ahm. Oo nga po tita.. I need to go home na rin po. Tatawagan ko lang si Mang Gener para makapagpasundo ako."

"Mamaya na Iha, kumain muna tayo. Tumawag na rin naman ako sa bahay niyo para di mag alala ang mommy at daddy mo. Saka pasensya na ha? Sabi kasi ni Angelo magkatabi kayo natulog ni Mitch. Salamat na rin Iha, alam kong takot na takot yun kagabi tapos nagblack out pa. Salamat at sinamahan mo siya."Nag init bigla ang mukha ko sa sinabi ni Tita.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon