Chapter 64

9.9K 293 24
                                    

"Ikaw??"

Nakataas ang kilay na sabi ni Dale habang nakapamewang itong nakatayo sa may pinto. Nabungaran kasi nito si Mitch na malawak ang pagkakangiti sa kanya.

"Hi sweetie.. Namiss kita..." Nakangiti pa nitong sabi, hahakbang pa sana ito palapit ng biglang magsalita si Dale.

"Hep! Where do you think you're going huh? Miss your face!! Ano na namang ginagawa mo dito, bigla ka nalang sumusulpot kung kelan mo gusto." Pagsusungit ni Dale.

"Sweetie naman ehh.. Let me explain later, gusto ko lang naman yakapin ka ee.. Miss na miss na kita mahal ko.." Parang batang paliwananag ni Mitch.

"Ano ka, siniswerte! Umuwi ka na nga!"

"Alam ko naman na namiss mo rin ako e. Hehehehe." Nakangising sabi ni Mitch na nakatingin sa kamay ni Dale na hawak pa ang bulaklak na ipinaabot niya kanina.

"Hi...hindi no!! Umalis ka na nga!" Namumulang sabi ni Dale.

At biglang sinara ni Dale ang pinto na halos tumama pa sa mukha ni Mitch.

"Sweetie naman eeee! Buksan mo na 'to. Bat ba ang sungit mo? Sweetie! Sabi na eh, miss mo din ako.. Buksan mo na ito!" At sunod sunod na kinatok ulit ni Mitch ang pintuan. Pero walang sumasagot sa kanya.

"Pag di mo 'to binuksan wawasakin ko 'to." Pagbabanta niya.

"Pwede ba Mitch umuwi kana!! Gabi na, gusto ko ng matulog!" Narinig ni Mitch na sigaw ni Dale.

"Magbibilang ako Dale, sinasabi ko sayo wawasakin ko talaga ito!"

"Isa....."

Pero wala ng nagsalita sa loob.

"Dalawa..."

"Tat.."

"Ano bang probema mo ha?!" Pagalit na sabi ni Dale kay Mitch ng buksan nito ang pinto bago matapos ang huling bilang nito. Nagpapacute naman na nakangiti pa si Mitch na nakasandal na pala sa pinto kaya naman halos matumba ito, buti na lang at napakapit ito at nakapagbalanse.

"Sweetie naman e, wag nang masungit.. Iaabot ko lang naman itong binili kong ice cream para sayo.. Matutunaw na kasi." Nagkakamot sa ulo na sabi ni Mitch.

"Akina nga!!" Hinablot ni Dale sa kamay ni Mitch ang dala dala nitong paperbag. Napangiti naman si Mitch sa ginawa ni Dale kaya humakbang siya ng konte papalapit dito.

"Umalis ka na!"

At malakas na sinara ni Dale ang pinto kaya naman tumama ang noo ni Mitch sa pinto kaya napasigaw ito sa sakit habang hawak hawak ang noo.

"Shiiit!! Oucccccch!! Krsytinn Daleeeeeeeeee! Napupuno na ako!!"

"Argg.. Fuck! Dale, huli na ito. Pag di mo binuksan ang pintong ito, wawasakin ko na talaga 'to at humanda ka sakin!!" Nagsisisigaw na sabi ni Mitch at nilakasan pa ang pagkatok.

Bigla naman bumukas ang kabilang unit at lumabas doon ang nasa mid 50's ng babae.

"Wag ka ngang manggulo dito! Nakakaistorbo na yang pagsigaw mo." Sabi pa nito.

"Pasensya na po Mam, yung girlfriend ko po kasi e, nilalambing ko lang. Medyo may tampuhan lang po kami. Pasensya na po kung naistorbo kayo.." Humihingi ng paumanhin na sabi niya sa babae. Lumapit pa siya dito para magbigay galang.

Bumukas naman ang pinto ng unit ni Dale at lumabas ito, narinig siguro nito ang reklamo ng matanda.

"Ikaw naman hija, papasukin mo na ang girlfriend mo ng di na mag ingay dito. Mag usap kayo ng maayos para di kayo nakaka istorbo. Saka di kana naawa sa kanya, gamutin mo ang bukol niya baka yun ang dahilan ng pagsigaw sigaw niya. Nakaka istorbo, dis oras na ng gabi!" Di maipintang sabi ng matanda.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon