DALE'S POV
Paakyat na ako sa Executive Lounge, for sure kanina pa naghihintay sina daddy at mommy.
Si Brent na ang nagdahilan kina Sab at Pauline. Ang alam nila may importante akong gagawin kaya nauna na akong umalis. Miss na miss ko na rin sina daddy at mommy, tagal ko na ring di nakakadalaw sa bahay.
Tumayo agad si Mommy pagkakita sakin at sinalubong ako. Si daddy naman ay nakasunod dito at napansing ang malawak na pagkakangiti nito.
"Come here my baby, we really missed you!" At niyakap ako saka walang sawang hinalikan na parang bata, si daddy naman ay yumakap din sa amin.
"Mom naman ee, binibaby mo na naman ako. I miss you too mommy, daddy."
"How's your friends princess? Buti naman at marami kanang kakilala sa Willford High. I know some of them.." Daddy.
"Yes dad, mga friend din ni Brent yun. Well they are nice naman dad. Bat nga pala andito kayo ni mommy?" Tanong ko.
''We just met an old friend baby, nag late lunch na rin kame, sayang nga at di ka namin naipakilala. Long time friend namin yun ng daddy mo. You'll meet them in a right time. Marami lang inaasikaso pa, saka busy kapa rin naman sa school e.'' Mommy.
''Namiss ka namin princess, soon ipapakilala ka na namin na ikaw si KD para di na rin tayo mahirapan. Saka malapit na ang second year anniversary nitong Sycorp, balak namin ng mommy mo ipakilala kana namin sa ibang business partners namin.''
''Dad diba napag usapan na natin yan? What will happen to my life? What will my friends tell me? Paano pa ako makakapagmall ng walang sunusunod sakin. Dad, alam nyo namang nag eenjoy pa ako..'' Malungkot na sabi ko.
''Baby, alam mo naman na para sa sayo ang lahat ng ito diba? Kaya kami nagsusumikap ng daddy mo. I know you'll understand baby.'' Malungkot na sabi ni mommy.
''Basta mag enjoy ka lang muna ngayon princess okay? Sooner or later maiintndihan mo rin lahat ng ginagawa namin ng mommy mo, we just want to protect you.''
''Lets not talk about that Dad, Mom. Kumain na lang tayo. I have to go back to my condo. Marami pa akong gagawin.'' Malungkot na sabi ko.
Malungkot na tumingin lang silang dalawa sa akin.
Tahimik lang kaming kumain. Ayoko naman na ako pa ang babasag ng katahimikang iyon kaya mas pinili kong manahimik nalang din.''Wag ka sanang magtampo baby, mahal na mahal kalang namin kaya ginagawa namin to.''
''In time, you'll be the one who will run our company and you will be managing our businesses sana..."
''Dad please. Lets finish the food first.''
''Hon..''
"Let's give our daughter a break okay? Nandito tayo para magkasama tayo ulit. Hindi para pag usapan ang business." Hinawakan ni mommy ang kamay ni Daddy para di na nito ituloy pa ang sasabihin niya.
Natapos kami ng halos di nag iimikan.
''I have to go Dad, I'll just grab a taxi. Mommy, ingat po kayo ni Daddy. Sorry po.''
At hinalikan na nila ako to say goodbye. Alam kong may gusto pa silang sabihin pero dahil na rin siguro naiintindihan nila ako kaya hinayaan na lamang nila ako sa gusto.
''Ingat ka baby, pagpasensyahan mo na ang daddy mo. Dont forget to give us a call pagdating mo ng condo ha.''
''I love you princess, i'm sorry.. Take care okay?'' At niyakap ako ni daddy.
Kumaway na ako sa kanilang dalawa habang palabas ng Sycorp at paglabas ko ay sumakay na ako agad ng taxi.
Im stressed.

BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...