Chapter 59

8.3K 300 3
                                    

MITCH'S POV

Kakatapos ko lang kumain. Grabe lang, naubos ni Dale yung dala kong ice cream, plus kumain pa siya ng mga dala kong pagkain na tinake out ko. Napaka cute niya talaga, para siyang bata.

Pagkatapos namin pagtulungang iligpit ang pinagkainan namin ay tumingin ako sa wrist watch ko. Its already 11:52pm, di ko namalayan ang oras. Napansin niya siguro ang pagtingin ko sa oras.

"Uhmmm.. Mitch... You can stay here.. Late na rin eh, agahan mo na lang bukas. Kasi di ba maaga ka.. Saka 8am din ang first class ko bukas..."

"Really? You want me to sleep with you?!" Nakangiting sabi ko.

"Hep! Anong sleep with me? Ano ka sinuswerte! I'm saying...."

"Why? Matutulog lang naman ah! Di mo na pwedeng bawiin yun!" Nakapout na sabi ko.

"You're staying pero di ka pwedeng tumabi sakin no! Dun ka sa sofa."

"What?? Dont tell me seryoso ka talagang sa sofa moko patutulugin?! Maawa ka naman, pagod ako.." Nagpapacute na sabi ko habang nakapout ulit. Nahuli ko naman na nakatitig siya sakin. Titig ba yun o baka naman eksaktong nakatingin lang siya sakin.

"K. Fine! Sa kama ka matutulog pero dont you dare touch me! Sige na, magshower ka na. Ihahanda ko na lang yung pwede mong ipamalit, kasya naman ata damit ko sayo. May extra towel sa bathroom. " Umiwas siya ng tingin at ngdadabog na naglakad papunta sa kwarto niya.

Yes!!!! Makakatabi ko ulit ang sweetie ko! Hahahaha! Para akong baliw na nakangiti habang nalalakad papuntang bathroom.

Mabilis akong nagshower at nagtapis nalang paglabas dahil nakalimutang iaabot sakin ni Krys yung ipapampalit ko. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama habang seryosong nagbabasa ng libro. Naramdaman niya sigurong nandito ako kaya umangat siya ng tingin.

"Ehemm.. Baka naman pwedeng magdamit na ako, masyado mo na atang tinititigan ang sexing katawan ko, pwede mo namang hawakan e.. Hehehehe!" Pang aasar ko ng makita ko siyang nakatitig lang sakin.

"Heh!! Bat kasi nakaganyan ka ha?! Saka excuse me Mitchella, ikaw?? Tititigan ko? Mangarap ka!! " Sabay tingin ulit sa librong binabasa niya.

Lumapit ako sa kanya ng at yumuko, yung tipong ilang pulgada nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Para naman siyang nagulat at di alam ang sasabihin sa ginawa ko.

"Gusto mo ba akong makatabi ng nakahubad sweetie?"

Lumapit ako at binulungan ko siya sa tenga.

"Just tell me..." Ngumiti ako at tinitigan ko siya.

"Maniac!!!!!!" Sabi niya sabay tulak sakin.

Tumawa na lang ako habang umiiling, ang sarap niya talaga itease. Pulang pula na ang buong mukha niya sa inis eh, hahahaha!

"M.. magbihis kana Mitch.." At inabot niya sakin ang pares ng damit na isusuot ko.

"Thank you sweetie.. Akala ko pa naman ayaw mo na akong magdamit ee." Sabay kindat sa kanya na lalong ikinapula ng mukha niya. Umiwas naman siya ng tingin at bumaling ulit sa librong kanina niya pa binabasa.

Nagbihis ako sa harapan niya pero di ko na siya nakitang tumingin pa. Inis na siguro kaya di na ako pinansin.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay umupo na rin ako sa kama at inagaw ko bigla ang librong binabasa niya.

"Give me that!! Ano ba?! Matatapos na eee.."

"Let's sleep sweetie.. Lalabo mata mo niyan, its kind of late. May pasok pa tayo bukas." At ipinatong ko ang libro sa table na malapit sakin.

"Matatap..."

"Come here.. We're going to sleep, you may continue reading it tomorrow okay?" Nakangiting yaya ko sa kanya.

Naiinis man ay tumayo siya saka pinatay ang ilaw sa buong kwarto saka binuksan na lang ang dim light para medyo maliwanag pa rin. Alam niya sigurong di ako makatulog ng madilim, saka humiga na rin siya, ayaw na niya siguro makipagtalo pa sakin. Malaki naman ang kama niya kaya malaki rin ang pagitan namin sa isat isa.

"Dale..."

"Hmmm..."

"I really like you.."





Alam kong narinig niya ang sinabi ko pero di siya sumagot.

"I like you... And starting tomorrow, liligawan na kita.."

Gumalaw ang kama at nakita ko siyang humarap sakin.

"What are you saying Mitch?! You cant do that, we're both..."

"I can do that, because i want to. And i want you to be mine.. Matagal na kitang gusto.. Di lang gusto.. I love you.. Weird, but i dont fucking care what people may say.." I cut her off.

"Will you stop uttering that "F" stupid word?! Lagi ka na lang nagmumura!" Paninita niya sakin.

Humagikhik naman ako, ang cute niya kasi. Hehe! "Okay sweetie.. for you...."

"And will you please stop calling me sweetie?! Ano na lang sasabihin ng makakarinig niyan.. Baka s..."

"Will you stop complaining sweetie? I can call you whatever endearment i want to call you because I love you, and i will start courting you starting tomorrow. I dont care what people might say.."

"Your voice?! Pwede ba iwasan mo yang pagtaas ng boses mo na parang lagi kang may kaaway!! Saka patapusin mo nga muna ako sa pagsasalita bago ka sumagot, lagi mo na lang pinuputol ang pagsasalita ko. At pwede.. Tantanan mo yang kahibangan mo. Parehas tayong babae.. We cant be together......"

"You cant stop me. I want you and you're goin to be mine! Sinabi ko na. Wala akong pakelam sa sasabihin ng ibang tao. Matagal na kitang gusto, kahit pa nagkalayo tayo nun na halos ikabaliw ko. Alam mo yan." Pinutol ko na ulit ang pagdadaldal niya.

"Whatever! Bahala ka nga." At nagkumot na siya saka tumalikod.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko siya na halatang ikinagulat niya.

"I love you Krystin Dale.."
"M..mitch.. W..what are you doing..."

"Let's stay this way sweetie okay.. I love you.." At hinalikan ko siya sa buhok bago pumikit.

Di ko na narinig na nagsalita pa siya at nakatulog na rin naman ako..

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon