Chapter 16

9.8K 309 1
                                    

MITCH'S POV

Palabas na ako ng mansion at pinatawag ko si Mang Gener para ihatid ako sa airport kasi baka malate ako sa flight ko. Si Mang Gener ang isa sa family driver namin. Halos dito na ito nagbinata at tumanda sa amin. Kaya siya rin ang isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya.

Nagtetext ako ng magulat ako ng biglang may humalik sa pisngi ko.

"What the hell are you doing here this early? Will you stop doing that to me Brent?! Lage mo na lang akong ginugulat!" At pinaghahampas ko ito ng dala dala kong shoulder bag na balewala lang naman dito.

"You're totally wasted last night babe, you've lost it. Ni hindi mo na nga natandaan na nag usap tayo na ako na ang maghahatid sayo. I already told tito na ihahatid kita ngayon." Tumatawang sabi nito habang umiilag sa mga hampas ko.

"Whattt? Did i say that?" Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko pero dali dali na nitong binuhat ang maleta ko at nilagay sa kotse niya.

"Aalis kapa ba o dito kana?" At nang aasar pa itong tumawa. Wala na akong nagawa kundi nagdadabog na sumakay sa kotse niya.

"Brent salamat nga pala kagabi. Di ko na nacontrol ang sarili ko saka lasing na lasing ako. May tulong parin pala ang pagiging basagulero mo. Ha ha ha!"

"Is that really a thank you or what?" Nakangising sabi nito na biglang nalang pinisil ang mukha ko.

"Just for you babe. Alam niyo namang kahit sino sa inyo di ko hahayaang mabastos."

"Arggggghhhh! Ouchhhhhh! Stop that!!" He just laugh.

"Ingat ka dun ha. Pag may nang gago sayo dun sabihin mo sakin. Magteteleport ako para basagin ang mukha nun." Biro ulit ni Brent.

At nagtawanan lang kami hanggang makarating sa Naia.

And here i am.

Ilang minuto na lang ay magboboard narin dahil ngayon ang flight ko papuntang US.

Nasa gitna ako ng malalim na pag iisip ng maalala ko na naman ang pangyayari kanina.

Simula pag gising ko kase kanina ay para lang akong lutang at wala sa sarili. Pinipilit kong alalahanin lahat ng nangyari kagabi.

Shit.

Idagdag mo pa ang masakit kong ulo ko na parang mabibiyak sa sakit. Damn hangover. It's killin' me.

Paggising ko palang kanina mukha agad ni mommy at daddy ang nabungaran ko. Kung siguro hindi ko flight ngayon for sure sangkatutak na litanya na naman narinig ko. Nalaman kasi nila ang nangyari kagabi. Wala na kase akong halos maalala. Hinatid daw ako ni Brent na tulog at lasing na lasing. Nakita pa daw nila na namamaga ang kamay nito at may konteng sugat sa kilay kaya tinanong ng daddy ko kung anong ngyari. Nagalit daw si daddy pero nawala rin dahil nagpasalamat pa ito kay Brent sa pagtatanggol nito sakin. Wala rin daw magagawa si daddy kasi di na ako makausap at flight ko pa kinabukasan.

Paggising ko naman ay di na nila ako halos nakausap kasi maaga ang flight ko.

"Be thankful its your flight today. Palalagpasin ko ang ginawa mo Mitchella pero sa susunod na gumawa ka ng gulo di mo magugustuhan ang gagawin ko." Yun lang ang sabi ni daddy. Si mommy naman ay niyakap lang ako at tinulungan ako mag empake ng mga dadalhin ko. Mabait kase ang mommy ko. Basta pag sumobra ako. Dun ako kinakausap ni mommy ng sarilinan. Kaya nga minsan ako ang nahihiya kay mommy sa mga kalokohang pinaggagagawa ko. Nagsorry na lang ako at niyakap siya..

Tumawag sakin sina Pauline,Sab at Jessy pati na rin ang ilang kaibigan ko. Gusto nila akong ihatid pero tumangi ako. Alam naman nila na ayokong hinahahatid ako kapag may flight ako. Saka magkikita kita naman kami sa US, dadalawin kse nila ako sa sembreak. Isa pa, one year lang naman at pabalik din ako dito.

Sumagi na naman Siya sa isip ko. Napahawak nalang ako sa lips ko ng maalala ko ang pagresponse niya sa halik ko. Bigla na naman akong napangiti habang kinilig. Para na akong baliw. Nababadtrip ako sa masamang nagyari pero pag naaalala ko ang nagyari sa amin ng magandang babaeng yun ay napapangiti na lang ako. Nalungkot nalang ako ng maisip ko na di ko man lang nanaman nakuha ang pangalan niya. Tapos flight ko pa ngayon. Ayaw ko man ay wala na akong magagawa.

Hayyyy. Sana magkita pa kami ulit. Di ko na talaga palalampasin pa kapag nagkita kami. Alam kong mali pero ewan ko. Siya lang ang gusto ko. Ayokong isipin pero parang talagang nagiging lesbian ako ng dahil sa kanya. Whatever it is. Wala na akong pakelam. Ang alam ko lang.

Siya lang talaga ang gusto ko.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon