Final Chapter

5.4K 134 20
                                    

Nagising si Dale dahil sa sunod sunod na tawag na nagpabangon sa kanya. Ang babae namang katabi niya na lasing na lasing na dumating sa condo niya e parang di man lang naistorbo sa ingay ng cellphone niya.

Naglakad na siya papunta ng dining para kumuha ng tubig habang kausap naman sa line ang kanyang Mommy na kagabi niya pa inaantay na tawagan siya.

"Hija di na kita natawagan kagabi..."

"How are you? Nagbreakfast kana ba?" Bungad nito.

"What happened to you and Dad? Antay ako ng antay kagabi ng tawag dahil nag aalala ako sa inyo.."

"Ay nako nga pala Princess. Lasing na lasing ang daddy mo. Ang tito Romeo mo kase alam mo naman yun. Saka napasarap na rin ang kwentuhan namin sa bahay nina Mitch.."

Wala namang narinig na sagot ang kanyang Mommy kaya naman nagkwento na ito sa mga nangyari. Simula nung dumating sila sa bahay ng mga Buenaventura hanggang sa papanong nalasing ang kanyang Daddy.

Knwento din nito kung anong naging unang reaction ng Daddy ni Mitch at kung ano pa ang sinabi nito na sa huli ay masayang masaya din para sa kanilang dalawa. Nag umpisa pang magplano ng kung ano ano ang magkumpadre para sa nais ng mga itong merge para sa kani kanilang kumpanya.

"What again Mom???" Nagulat si Dale sa iba pang naikwento sa kanya ng kanyang Mommy na sa halos kadaldalan ay di na siya nakasingit.

"I said. Everything is settled. We already talk about you and their daughter Mitch.."

"Lalong natuwa pa ang mga Daddy ninyo kayat ayun. Halos di namin maawat kaya nalasing na sa dami ng pinag uusapan tungkol sa future ninyong dalawa.." Dale can hear how excited her Mom is while telling her what happened.

At sobrang saya din niya ng malaman niya ang mga ginawa ni Mitch lalo na ang pagharap ng girlfriend niya sa mga magulang nila para sabihin at ipaliwanag lahat ng tungkol sa kanilang relasyon.

Di niya inakala na matatanggap sila ng kanilang mga ama na kapwa istrikto at akala nila ay unang tututol sa kanilang dalawa.

"Anak, mahal na mahal na mahal ka namin ng Daddy mo at handa kaming tanggapin kung ano ka man at ang taong magpapasaya sayo."

"Andito lang kami lagi ng Daddy mo at hinding hindi ka namin ikakahiya o tatalikuran." Dale started to cry. Hindi niya alam kung ano ang una niyang sasabihin sa Mommy niya dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya.

" This wont be easy for you and Mitch but we are here to guide and protect you.."

"Mom.. Di mo alam kung gaano niyo ako napasaya ni Daddy.. Thank you for accepting me and Mitch kahit alam kong hindi rin ito madali sa inyo.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon