MICO'S POVNagmamadali akong lumabas ng bar. Tinawag kasi ako ng dalawang tauhan ko dito sa bar. May nag aaway daw sa harapan ng bar namin at sabi pa ng isang tauhan ko kaibigan ko daw ang nakikipag away.
Paglabas ko naabutan kong napapalibutan ng mga tsismoso at tsismosang di man lang umawat kay Brent habang binubugbog nito ang duguang lalaki. Halos di na makabangon ang lalaking binubugbog nito dahil sa pumutok na labi at kilay nito.
Lasing na lasing ito pero mukhang natanggal ang pagkalasing nito dahil sa pambubugbog ni Brent. Wala talagang aawat dito dahil kilala ng marami si Brent na di talaga nagpapa awat sa gulo.
Nagmamaka awa na ang lalaki pero di pa din ito nilulubayan ng kaibigan ko. Naliligo na ang mukha nito sa dugo. Dali dali naming inawat si Brent, kasama ko kase ang tatlo pa naming kateam mate.
Parang nawala din ang kalasingan nina Sab at Pauline dahil sa nakita at inalalayan naman nila si Mitch na halos di makatayo sa sobrang kalasingan.
Galit na galit si Brent, dinuro pa nito ang lalaki at sinabihang papatayin ito pag nagkrus ulit ang landas nila.
Buti na lang at naawat namin ang galit na galit na si Brent na kasalukuyang ginagamot ng staff ng bar ko ang duguang kamao nito. Halos basagin kasi nito ang mukha ng lalaki kaya namaga ito.
Napag alaman ko na hinawakan daw sa bewang si Mitch nung bastos na lalaking binugbog niya at pinilit isama sa kotse nito kaya naman nagalit si Brent.
Kilalang artista pa naman yung binugbog niya pero wala itong pakealam. Kilala namin si Brent. Maloko nga ito at mahilig sa gulo pero pagdating samin na mga barkada niya talagang papatay ito.
Ito namang si Mitch tulog sa sobrang kalasingan. Buti nga at nakatulog ito, kanina pa kasi ito mura ng mura dun sa ĺasing na binugbog ni Brent.
Di naman namin alam kung bakit nasa labas si Mitch samantalang huli namin siyang nakita na umiinom sa bar section.
"I'm fine now. Ihahatid ko na si Mitch." Parang walang nagyaring sabi ni Brent.
"Are you sure na kaya mo tol?" Xander.
"Pwede naming ihatid si Mitch bro. Take a rest at kami na ang bahala sa kanya." Sabat ko naman.
"Its okay. Ako na. That was nothing bro. Parang nagpractice lang ako sa mukha ng gagong yun." Nakangiti pang sabi ni Brent.
"Basta usap tayo bukas ha?" Sab.
"We need to hear what really happen." Dagdag pa ni Pauline.Ngiti lang ang isinagot nito sa kanila bago nito inumin ang osang baso ng tubig na inabot ni Xander dito.
Wala na ring nagawa kaming magbabarkada kaya nagsiuwian narin kami dahil past 12 narin. Isa pa maaga pa ang flight ni Mitch kinabukasan.
DALE'S POV
Di na ako nakabili ng sundae sa mcdo napakahaba kase ng pila pagpasok ko doon. Buti nalang at nakita ko ang convenience store na katabi ng mcdo at nakita kong may sundae din dito kaya yun nalang din ang binili ko para lang mawala ang maibsan ang cravings ko. Para tuloy akong bata na bumalik sa kotse ko habang nilalantakan ito.
Sumandal ako sa kotse ko habang inuubos ito. Feel na feel ko pa ang pagsipsip ko sa daliri ko ng mapatakan ito ng makita ko sa harap ko ang isang magandang babae.
Tama ang nababasa niyo.
She's pretty kahit pa halata sa itsura nitong nakainom ito. Siguro galing ito dito sa bar nina Mico.
Napatingin ako sa mga mata niya, napaka amo ng mga mata niya na tila may nakatagong emosyon sa loob nun. Pulang pula ang mga cheeks niya dahil siguro sa alak. Pero parang mas dumagdag pa ito sa charm niya.
Parang nahahawig sa sa isang Victoria Secret model na nakalimutan ko na ang pangalan.
At shockssss.. She's lookin' at me. Napaka sexy niya sa suot niyang red fitted dress. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.
Ohhhhmyyyy.. nakakapang laway ang legs niya..
Di naman ako naiinggit sa ibang babae na nakikita ko kase maganda rin naman ang legs ko pero di ko alam bat gandang ganda ako sa legs nito.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na sobrang lapit na niya. Nakakahiya. Nakanganga pa ata ako. Baka mamaya may ice cream pa ako sa mukha.
Shocks! Sabi ko sa isip ko.
Para akong naeengkanto, di ko na kase alam kung panong nangyari na hinahalikan niya ang gilid ng lips ko.
Tumayo ang mga balahibo ko ng maramdaman ang paggapang ng mga dila niya sa cheeks ko na parang may sinisipsip. Parang nasasarapan naman ako sa ginagawa niya at di ko nagawang tumutol kahit konte.
I feel her lips to mine, her warm breath is like a drug that making me high. Ang sarap ng ginagawa niya.. Para akong mababaliw sa halik niya. She's trying to get in. I can smell her seductive perfume. I gasp.
I have no enough energy to stop her, naramdaman ko pa ang pagsandal niya saken sa kotse ko habang nadadarang parin ako sa init ng halik niya.
Parang nawawala nako sa sarili ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa legs ko. Napapitlag ako ng nahulaan ko ang gagawin niya kaya agad ko siyang tinulak.
Biglang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.
Pero nakabawi agad ito at dumagan ulit saken. Shit ang lakas niya. Tinukod niya ang kamay niya sa gilid ko habang unti unti ulit nitong nilalapit ang muka niya sa mukha ko.
"You're so beautiful sweetie.You're just mine."
Narinig kong sabi niya. Parang musika naman ito sa pandinig ko. Para akong nakikiliti habang nararamdaman ko ang pagtama ng mainit na hininga niya sa mukha ko. Napapikit na lang ako ng maramdaman kong hahalikan niya ulit ako ng..
Peeeeeepp..
Peeeeepeeeppppp..Peeeeeepppp..
Napamulat ako bigla ng marinig ko ang biglang bumusina na parang sa likod ng kotse ko nanggagaling..
Bigla akong nagpanic pero di parin ako makagalaw. Busina ng busina ang may ari ng kotseng yun at sapol pa sa mukha niya ang ilaw na mula sa kotse. Napapikit pa ito sa silaw dahil sa lakas nito na mukhang ikinagalit ng babaeng nakadagan sa akin.
Babae????!!! WTF! Shit!
This is wrong!!
Galit na galit ang magandang babae ng umalis ito sa ibabaw ko at halos matumbang naglakad papunta sa may ari ng kotseng bumubusina.
Di ko na alam ang nagyayari sa paligid.
All i know, everything is wrong and i need to get out of this crazy nightmare. This isnt good!I still hear the girl shouting from behind but i dont care. All i have to do is go away from this place and disappear.
This is crazyy!!
At mabilis kong pinatakbo ang kotse ko ng walang kalingon lingon..

BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
RomancePaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...