DALE'S POV
It's 6pm, 7pm naman ang usapan namin about sa dinner. Dadaanan na lang daw ako nila Brent at Krista dito sa condo. Habang sina Jessy, Sab at Pauline naman ay dun na daw dederetso. Di ko pa alam kung saan, pero alam daw ni Brent kaya ito nalang daw ang dadaan dito para sunduin ako.
Nagsuot lang ako ng simpleng black dress na cutted below the legs at naglagay ng lipstick. Lalo naman itong nagpatingkad sa kaputian ko. Di naman kase ako pala make up na tao. Okay na sa akin ang simpleng make up.
Inaayos ko ang buhok ko ng tumawag si Krista, nasa baba na daw sila kaya bumaba na rin ako.
Nanlaki ang mga mata ko ng tumigil kami sa isang Hotel Resto na pagmamay ari ng family namin at paborito naming kainan nina daddy at mommy. Ang Sycorp Hotel lnternational.
"Brent bat dito?" Tanong ko kay Brent.
"Why Dale?" Krista.
"Ano na naman Dale, bilisan niyo na. Kanina pa sila naghihintay sa loob." Sabi naman ni Brent.
Di rin ata alam ni Brent na sa amin itong Hotel Resto na ito. Sabagay bago lang din naman ito.
Gosh. Baka makilala ako ng mga tauhan ni daddy. Kasama ko pa naman sina Jessy. Baka magulat sila.
"What are you waiting for Dale, the clock is ticking, baka mainip na ang mga yun." Brent.
Magsasalita pa sana ako ng hinila ako ni Brent. Nakangiti lang naman si Krista habang nakatingin sa aming dalawa.
Papasok na kame ng Resto at nakaramdam ako ng bahagyang kaba. Paano nalang kase kapag may makakilala sa akin dito.
"Good evening ma'm, sir. Welcome to Sycorp Resto.." Napansin ko na medyo natulala ang attendant at nakatingin lang sakin. Siguro ay nakilala ako nito.
"Ma'm Sy good evening, kayo po pala, kasama niyo po ba ang daddy at mommy niyo?"
"Uhm. No. They're not with me. Uhm. I'm with my friends." Naiilang na sagot ko.
Natigilan naman sina Krista at Brent na sabay na napalingon sa gawi ko.
"Ma'm, are you going to use the executive personal suite and mini bar?"
"Ha? Amm.. N... No its okay. We're okay with the regular Vip reservation." Sagot ko.
"But your daddy .. "
"I said its okay. Can you guide us to the Vip reservation area please?" Putol ko pa sa sasabihin nito.
Di naman magkandaugaga itong hinatid kami sa Vip area.
"I'm sorry mam."
"Its okay." At nginitian ko na lang ito bago umalis."Is this famous hotel and resto also owns your family Dale?"
"Yeah." Maikling sagot ko kay Brent.
"Hon, SYcorp nga diba." Sabi ni Krista at diniinan pa ang pagkakasabi ng Sy.
"Ugh. Marami narin talaga akong di alam sa family business niyo Dale." At tumawa ito.
Nakita na namin sina Jessy at putungo na sana kami sa nakareserve na table sa amin ng pigilan ko si Brent.
"Brent....''
"Its okay couz, di na nila malalaman. Saka di na naman pupunta pa yung attendant na yun no. Tara na." Brent.
"Dont worry sis, kung kami nga lang may ari nito baka ipagsigawan ko pa e." Biro pa ni Krista.
Ngumiti na lang ako na sumunod sa dalawa.
Inaantay nalang namin yung order namin habang walang sawang masayang nagkukwentuhan.
Nalaman ko na dito pala ang paborito nilang kainan. Masarap daw kase at napaka classy ng dating.
Si Brent naman ay tumitingin lang sa akin na parang sinasabing Okay lang, dont worry.
Nagtatawanan kami ng mapatigil lahat dahil nakita nina Jessy at Sab ang pagdating ng isang kilalang tao.
"Is that Mr. Manolo Sy? The owner of this famous Sycorp Hotel and Resto?" Sab.
Tukoy nito sa taong naglalakad na kabilaan ang bodyguard.
"His son is lucky. Siya ang magmamana ng lahat ng ito kasi nag iisang tagapagmana nila yun, all i know is his name is KD Sy." Jessy.
Tahimik na nakatingin lang naman kami habang kinakain ang dessert. Kinabahan ako bigla ng mapansin kong papunta sa gawi namin si Mr. Sy, my Dad.
Naramdaman ko naman na sinipa ni Brent ang paa ko. Tiningnan ko nalang ng masama ito bilang sagot.
"A pleasant evening everyone. Did you enjoy your meal?" Nakangiting sabi ni Mr. Sy ng nakalapit na sa table namin.
"Good evening din po." Nakangiting sagot ng mga friend ko. Tumayo naman at humalik si Krista kay daddy, inaanak kase ni dad si Krista.
Tumayo naman si Brent at nakipagkamay kay daddy habang nakatingin lang ako. Tumingin si Brent sa akin na parang nagsasabing di kaba tatayo dyan. Kaya napatayo na rin ako at walang imik na humalik kay dad. Napatulala naman lahat ng makita nilang yumakap si dad saken at hinalikan ako sa magkabilang cheeks.
"Enjoy your meals ladies, i need to go. My wife and son is waiting. If you need something, dont hesitate to call the Vip assisting supervisor." At umalis na ito kasama ang mga bodyguard nitong palingon lingon para isecure ang areang dinadaanan nito.
Wala naman akong natatandaan na magdidinner kami nina mommy at dad ngayon. Pagtatanong ko sa sarili ko.
Nakatingin lang naman sa amin ang dalawa na parang naghihintay ng paliwanag.
"Mr Sy is Brent's uncle at ninong ko." Nakangiting turan ni Krista. At itinuloy ang pagkain.
"Uncle mo si Mr. Sy Brent? Bat di mo nababanggit sa amin? Uncle nyo pala yun ni Dale." Nagtatakang tanong ni Sab.
"Di mo pinakilala sa amin ang pinsan mong si KD! Pinsan mo pala yun! Alam mo naman na gusto kong mameet in person yun ee." Nagtatampong sabat ni Jessy.
"Siguro ang gwapo gwapo ni KD ko, ang gwapo kasi ni Mr.Sy kahit may edad na e. Brent ipakilala mo naman kami sa pinsan mo ohhh.. Dale di ba pinsan mo rin yun? Sige na pakilala mo na kami.'' Si Jessy.
"Gwapo talaga ang pinsan kong yun no, pero kabilaan ang girlfriend nun Jessy kaya wag kanang dumagdag." Natatawa at nang aasar na sabi ni Brent.
Ang mokong na ito. Ginawa pa akong babaero.
"I don't care, i just want to meet him in person, isama mo siya kapag gigimik tayo ng barkada Brent.. Sige na pleaaaaase.. I want to meet my future husband." Kinikilig na sabi ni Jessy habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig.
Hinampas naman ito ni Sab. "Ang landi mo Jessy! Husband agad, baka buntisin ka lang no.. Baka mamaya gawin ka lang sex slave nun!''
"Okay lang basta magaling siya sa kama, baka siya pa ang sumuko sa akin. Hehehe!"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Jessy na muntik na ring maibuga ang tubig na kakainom ko lang.
Tawa ng tawa naman si Brent at sinipa pa ang paa ko.
"Napaka perv mo talaga Jessy." Hagikhik na sabi ni Krista habang nakangiting sumusulyap sa akin.
"You're gross. Pati ba naman si KD pinagpapantasyahan mo. Yuckkkkk ka talaga." Sab.
At nagtawanan na lang kami.
"Guys i'm serious. I'm dying to meet that KD guy. I know he'll like me too." Pahabol ni Jessy.
"Stop it Jessy!" Sab.
At tawanan ulit kami.
Nagvibrate naman ang iphone ko kaya tiningnan ko.
"Hi my princess, me and your mom is waiting. Dinner is ready. Care to come here?"
At tinext ko na lang si Brent para matulungan niya akong mag reason kina Sab at Jessy.
BINABASA MO ANG
The Richman's Hidden Daughter
Любовные романыPaanong ang isang Krystin Dale Sy na maraming nagkakandarapa at nababaliw sa taglay niyang ganda at mas straight pa sa poste ng meralco ay nanakawan ng halik ng isang " BABAE ". The one who stole her first kiss is a SHE?? "Am i having an identity c...