Chapter 68

2.7K 82 1
                                    

Kanina pa sinusubukang tawagan ni Dale ang kanyang mga magulang pero walang sumasagot na kahit isa sa mga ito. Nung tumawag naman siya sa mansyon ay sabi lang ng katulong nila umalis daw bago maglunch at di din alam kung saan ito pumunta. Naghabilin nalang siya na tawagan agad siya kapag dumating ang kanyang mga magulang para di siya mag alala.

Nag aalala na siya dahil baka dahil sa kanya kaya di niya mahagilap ang mga ito. Kinagabihan kase ay pinuntahan niya ang kanyang mga magulang para kausapin tungkol sa matagal ng bumabagabag sa kanya.

"Dad, Mom nasan ba kayo?" Nasabi nalang ng dalaga bago idial ang number ni Mitch. Lalo lang siyang nag isip ng maring lang ito ng paulit ulit pero di rin masagot ang tawag niya.

Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone at napabuntong hininga na lang ng makitang mag aalas otso na ng gabi. Pakiramdam niya ay kinakabahan siya na di maintindhan dahil madalas naman ay tumatawag ang kanyang mga magulang bago pa mag gabi para lang icheck siya.

Maging kay Mitch ay nag aalala na rin siya dahil halos buong araw niya itong di nakausap. Tatawagan na sana niya ulit si Mitch ng marinig niya naman ang sunod sunod na pagkatok sa pituan niya.

Pagkabukas na pagkabukas naman niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang namumulang mukha ni Mitch at halos tumaas ang kilay niya dahil sa naamoy niyang alak galing dito.

"I was calling you the whole day Mitch! Ano bang ginagawa mo at ni isang message wala ka man lang nasabi sa akin para di ako nag isiip dito.."

Bilang sagot naman ay ngumiti lamang si Mitch na humalik muna sa cheeks niya bago tuluyang pumasok ng condo niya.

"At uuwi ka dito ng nakainom ka? You think i wont be mad? Saan ka ba nanggaling at bat ka uminom!" Naiinis na si Dale dahil di man lang sumagot si Mitch na tinungo lamang ang ref para uminom ng malamig na tubig.

Kaya naman nameywang siya sa harap ng dalaga at hinarangan ang balak nitong pag upo sa sofa.

"Babe.. Nahihilo ako.. Let me sit first.."  Sa halip na sumagot ay itinuro niya ang pinto at naiinis na pinandilatan niya ng tingin si Mitch.

"Get out!!"

"Babe naman ee.." Nagpapacute na sabi nito.

Si Dale naman ay nagtungo sa pinto at binuksan yon bago namewang.

May sasabihin pa sana siya sa lasing na babae sa harapan niya ng magring naman ang cellphone niya at sinagot din naman agad ng makitang ang katiwala nila sa bahay iyon.

"Mam Dale kakadating lang po ni Ser at Mommy niyo." Bungad nito.

Naglakad naman siya palabas ng condo niya habang kausap ang katiwala nila. Para siyang nabunutan ng tinik ng sa wakas ay nakauwi na ito.

"Manang pakisabi naman na tawagan ako. Kanina ko pa kamo sila kinocontact kaso wala namang sumasagot."

"Sabihin ko Mam sa Mommy niyo na tawagan kayo pagkatapos iakyat ni Mam si Ser." Nagtaka naman siya.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon