Chapter 58

8K 285 2
                                    

DALE'S POV

9pm na, mag iisang oras na simula ng umalis si Jessy. Ang kulit talaga ng babaeng yun, ginulo lang ang condo ko at inubos ang mga pagkain ko. Di bale, kakain na lang ako sa labas mamaya, magsshower lang ako. May malapit namang resto dito sa condo, saka parang gusto ko na naman ng dirty ice cream. Sayang at gabi na, wala na akong makikitang nagtitinda nun. Makaligo na nga ng makalabas na ako at makapagpahinga ng maaga.

Nagshower ako ng mabilis saka nagbihis ng simpleng white v-neck tshirt na pinartneran ng hot red girly shorts saka nagsuot na lang ng simpleng flip flops at naglagay ng konteng lipstick.

Kinakalikot ko ang phone ko dahil tinext ko si Mommy ng mapansin ang tatlong missed call galing sa kanya at apat naman galing kay Daddy. Sinabi ko na nagshower ako kaya di ko nasagot ang tawag nila, sinabi ko na rin na matutulog na ako ng maaga para di na sila mangulit. Syempre di ko sasabihin na lalabas pa ako sa ganitong oras para lang kumain, magagalit yun. Di pa ako tapos magtext ng maulinigan ko ang makulit na nagdodoorbell.

Sino naman kaya yun? Dis oras na, hmmm.. Maybe it was just Jess or Brent, napadaan siguro.. Pero gabi na ah, bwisit talaga tong mga ito.

Mabilis na tinungo ko ang pinto dahil nakakairita ang sunod sunod na pagpindot nito sa doorbell.

"What's the problem with you?! Are you trying to...."

"You again??"

"Hi there sweetie.. Ohhh.. Are you going somewhere?" At mabilis akong hinalikan sa cheeks ni Mitch na walang pakelam na dere deretsong pumasok sa loob ng condo ko. Natulala naman ako dahil sa ginawa niyang yun. God! Why does she keeps on doing that, nakakarami na to ng nakaw na halik sakin ha! Ano bang ginagawa niya dito e anong oras na!

Pabagsak na sinara ko ang pinto at nagdabog na sinundan siya sa loob.

"What are you again doing here huh?! Matutulog na ako, you better go!" Pagtataboy ko dito. Kailangang tarayan ko 'to ng lumayas na, baka lalo lang akong mainlove sa kanya dahil sa pangungulit niya. Gezz! Ano ba itong iniisip ko. Erase, erase, erase.

"I just missed you so much sweetie, saka gutom na ako ee.. Di pa ako kumakain.. Can you join me?"

"And wait.. Matutulog ka? E bat nakalipstick ka pa? " Tanong pa nito na halatang nang aasar lang.

Tiningnan ko lang naman siya ng masama sa sinabi niya.

"And why should i join you? Aalis ako, bakita ba. May bibilhin ako sa labas. Bat kasi andito ka? Wala ka bang bahay?" Pagtataray ko, ang lakas ng trip ng babaeng ito, ngayon ko lang napansin na marami pala itong dalang pagkain na tinake out niya siguro bago pumunta dito.

"E gusto kitang kasabay eh, saka pagod ako, after my classes kase dumiretso pa ako sa office ni Kuya to help him in meeting our new clients for the new out project."

"Let's eat, gutom na talaga ako kaya bumili na ako ng pagkain sa labas, alam ko naman na ķaya ka lalabas kasi di kapa siguro nagdidinner, saka.. i buy you this.." Nakangiting sabi niya sabay turo ng ice cream box na umuusok pa dahil sa lamig.

"Wow! Did you really buy this? Bat nakalagay dito?? " Bigla akong napangiti at nakaramdam ng gutom dahil sa nakita kong dala niya.

"Sa?"

"Ahhhh.. May bagong open kase na Ice Cream Parlor malapit sa pinuntahan ko kanina. Naisip kita, kaya naman I buy you one. Strawberry flavor ang gusto mo diba? Papunta na rin naman kasi ako dito." Di nakatingin saking sabi niya habang inaayos ang mga dala niyang pagkain.

Wala naman akong pakelam na umupo sa table at binuksan ang ice cream na dala niya.

"Here." Nakangiting abot niya sakin ng kutsara na galing din sa paperbag na dala dala niyang may mga pagkain.

Wala na akong hinintay pa at sinimulan ko na itong kainin.

Woahh! Ang sarap! Para akong batang mauubusan na nilantakan ang ice cream na dala niya.

"Ehemmm.. Krys.. Andito ako.. Baka naman pwedeng tirhan moko. Gutom na rin kaya ako.. " Nakangiting sabi nito.

"Then eat, andaming pagkain kaya yang dinala mo. "

Napailing iling na lang siya at umupo na rin saka nag umpisang kumain.

"Open your mouth first." Naglalagay siya ng pagkain sa plate niya ng matigilan at napatingin sa sinabi ko.

"Taste it.." At sinubuan ko siya ng ice cream na kinakain ko, kaya wala syang choice at sinubo niya ang kutsara ng ice cream na inabot ko.

Para naman akong napahiya ng makitang namumula siya dahil sa ginawa ko.

I find her cute.

Yumuko na lang ako at nagsimula ulit kumain. Napansin ko rin na itinuloy niya na rin ang pagkain. Halata ngang gutom na gutom ito.

Bat ba ang sweet niya? Talagang nagpunta pa siya dito para dalhan ako ng pagkain at para sabay kami. Ughhhh.. Mitch.. Bat ba ganyan ka sakin. Ginugulo mo talaga ang utak ko. Parehas kaya kami ng nararamdaman? Ayoko naman mag assume. Saka alam kong mali, baka din naguguluhan lang ako. Hayyy.. Bahala na nga.. Basta ang alam ko masaya ako..

Masaya ako na nandito siya ..

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon