"And that was a three point shot papasok ba? Papasok ba? Whoah!" ang sabi ng sports announcer sa mikropono nito na dinig na dinig sa buong stadium. At sandaling tumahimik ang lahat habang hinihintay ang umiikot na bola sa hangin patungo sa basket at nang walng sablay na pumasok ang bola sa loob ng basket ay malakas na dagundong ang narinig sa loob ng arena. Nagtalunan ang mga fans ng The Mohicans nang sa huling segundo ay pumasok ang binitawan na three point shot ng kanilang star player na si Andres Ceresco. At dahil doon ang dikit na laban para sa team na papasok sa bracket ng finals ay nakuha na ng The Mohicans sa pangunguna ng team captain at star player na si Andres.
Napuno ng malakas na sigawan ang kabuuan ng areana at hindi lang nanggagaling sa mga fans ganun na rin sa mga manlalaro ng parehong koponan pero mas lalo na ng nanalong Mohicans. Tawanan, batian at may mga nagbody-slam at fistbump pang palitan sa pagitan ng mga players. Lumapit din ang mga players ng natalong koponan na Bear Cubs at isang pagpapakita ng sportsmanship ang pakikipagkamay ng mga ito sa players ng nanalong The Mohicans.
"Congrats kita na lang sa championship," ang sabi ni Fabian Samanieda ang captain ball naman ng Bear Cubs. Nilapitan nito si Andres at magiliw na nakipagkamay at tinapik pa nito ang balikat niya.
"Thanks pre, galingan niyo sa Martes," ang sagot niya at kinamayan din niya si Fabian na marahan na kinamayan ang kanyang kamay at naramdaman niya ang pagtapik ng kamay nito sa kanyang balikat bago ito tumango at nagpaalam para bumalik na sa bench nito at doon niya nakitang nilapitan ito ng sports writer na si Kesslee para kunan ito ng matipid na inteview. Sandali niyang pinagmasdan ang dalawa habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang mgakabilang bewang at naramdaman niya ang pagtapik sa kanyang balikat mula sa kanyang likuran at ang pagsabit ng braso nito sa kanyang balikat at narinig niya ang boses ng kanyang kateam mate at kaibigan na si Nikolas Sylvestre.
"Pinagbabantaan ka na ba?" ang natatawa na tanong nito sa kanya at niyugyog pa nito ang kanyang balikat. Napailing na lang siya sa sinabi nito at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
"Tarantado!" ang natatawang sabi niya rito at itinulak niya ito papalayo sa kanya at tinalikuran na niya ang dalawang taong kanina ay pinagmamasdan niya at saka naman siya naglakad papalapit sa kanilang bench at kasabay niya sa kanyang paglalakad si Nikolas, sila ang power duo ng kanilang team. At maya-maya pa ay may lumapit sa kanila na isang sports newscaster ng isang estasyon ng telebisyon.
"Andres can we ask you for an interview?" ang tanong ng maganda at seksing babae sa kanila na isang kilalang newscaster sa larangan ng isports.
Andes gave her an apologetic smile with a slight shake of his head, ayaw na muna niyang magpaunlak ng isang interview.
"I'm sorry but I have to pass," ang muli kaniyang sagot. Ang linyahan niyang masasabing pudpod at overused na. Sa lahat ng naging game nila at sa tuwing matatapos ang kanilang game ay kahit kailan ay hindi siya agad nagpapaunlak ng interview sa tuwing natatapos ang laro manalo man sila o matalo. At ang sandali na iyun ay hindi rin naman naging kaiba sa lahat ng games nila at ang sagot niya sa sa requests ng mga ito ay hindi ein kaiba sa kanyang nakasanayan.
"Ako na lang miss Ava, I'm very much willing to give you an interview," ang nakangiting sabat naman ni Nikolas at halatang nagpapacute ito sa maganda at seksing sports newscaster.
"Uhm Andres ayaw mo ba talaga? lagi mo na lang akong tinatanggihan kahit maikli lang na interview?" ang naglalambing na tanong nito sa kanya and her beautiful red lips slightly pouted. sandali lamang niyang tiningnan ang nanulis nitong labi pero agad niyang ang kanyang mga mata mula roon at umangat na muli sa mata nitong may mapipilantik na mga pilik.
Muling umiling ang kanyang ulo, "I am sorry, maybe some other time?" ang tanong na sagot nito sa kanya at nakita niyang bumagsak ang mga balikat nito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...