Chapter Thirty-Nine

1.7K 110 53
                                    

Nakita ni Andres na natigilan si Kesslee, though she stopped eating to listen to him, kitang-kita pa rin na natigilan ang ito sa paraan na panandalian na na-freeze ang mukha ni Kesslee. Ni hindi agad nakitaan ng emosyon ang mukha nito ng ilang segundo. Nanatiling nakatuon ang mga mata nito na kalaunan ay kumurap-kurap ang mga talukap na tila ba nahimasmasan ito.

"Andres, masarap ba talaga ang luto ko at kung anu-ano na ang pumapasok sa ulo mo? Huwag mo nga akong biruin," ang sagot nito sa kanya at umatras ang likod nito para sumandal sa silya habang nanatili na nakapatong ang mga kamay nito sa mesa.

"Hindi ako nagbibiro," ang seryoso niyang sagot at sinalubong niya ang mga mata ni Kesslee na sinabayan ng pagkunot ng noo nito sa kanya. Nakita niyang umiling ang ulo nito at halata sa maganda nitong mukha na naguguluhan ito sa kanyang sinabi.

"Pero bakit?" ang nagtataka na tanong ni Kesslee sa kanya.

Umiwas ang kanyang mga mata kay Kesslee, "uhm I was thinking about you," ang sagot niya na mas lalong ipinagtaka ni Kesslee.

"About me? Why? Wala naman akong sinabi na mag-quit ka sa basketball," ang giit ni Kesslee sa kanya at muling inilapit ni Kesslee ang katawan nito sa gilid ng mesa at mas lalong kumunot ang noo nito sa kanya.

"I know, but, I realized last night at napag-isipan ko rin yung tungkol sa sinabi mo," ang panimula niya, "about the job offered to you, sasamahan kita sa US habang nagre-record ka ng show mo, I...I just wanted to support you sa pangarap mo."

"Pero paano ang pangarap mo?" ang tanong ni Kesslee, "alam ko na noon pa ay ang pangarap mo ay ang maging sikat na basketball player kaya nga hindi ka nag-pursue ng career sa law katulad ng daddy mo." Ang pagpapaalala ni Kesslee sa kanya at alam naman niya na iyun ang totoo. Ang pangarap niya ay ang maging isang legend pagdating sa paglalaro ng basketball. Pero sa isang iglap ay nabago ang lahat at handa siyang baguhin ang lahat.

"Nakamit ko na ang kasikatan Kesslee, at wala nang i-i-improve pa ang career ko, pero ang sa iyo?" ang tanong niya, "ang career mo ay mas lalago pa tulad nga ng sinabi mo sa akin." Ang giit niya rito at diretso niyang tiningnan ang mga mata ni Kesslee para ipakita ang kanyang sinseridad na handa siyang i-give-up ang kanyang career. Pero hindi sa kadahilanan na kanyang sinasabi sa sandaling iyun.

"Huwag mong sabihin yan Andres, ang haba pa ng ikauunlad ng career mo," ang sagot ni Kesslee sa kanya, "at ngayon pa? Nasa height ka ng career mo, nasa punto ka ng career mo kung saan halos lahat ng kasabayan at bagong basketball player sa kinalalagyan mo ngayon, sa height ng career mo ngayon, everyone wanted that spot kung saan ka naroon, even Fabian at hindi ako papayag na, iwan mo na lang ito ng ganun lang ng dahil sa akin." Ang giit ni Kesslee sa kanya at nakita niya ang katigasan sa mga mata nito. Pero hindi pa rin siya susuko, kukumbinsihin pa rin niya si Kesslee na kung hindi man sila umalis ng Pinas basta mag-quit lang siya sa paglalaro ng basketball.

He reached for Kesslee's hand na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mahigpit niya iyung hinawakan at marahan na pinisil at isang pilit na ngiti ang kanyang iginawad rito.

"Kesslee, ikaw at ang kambal ay, sapat na sa akin, tagumpay ko na iyun at...pangarap, nang dahil sa inyo natupad ko ang kagustuhan ni daddy kaya naman malaking achievement kayo sa akin," ang giit niya. Na may katotohanan, ngunit napakalayo sa kanyang kadahilanan kung bakit gusto niyang tuluyan na iwan ang paglalaro ng basketball.

Napabuntong-hininga si Kesslee at binawi nito ang kamay mula sa kanyang pagkakahawak at saka ito sumandal sa upuan. Naghalukipkip ang mga braso nito sa sariling dibdib at diretso siya nitong tiningnan sa mata.

"Wala bang kinalaman dito si Nikolas?" ang biglang tanong ni Kesslee sa kanya na kanyang ikinabigla. Napaatras ang kanyang mukha at hindi niya agad naitago ang pagkabigla sa kanyang mukha kaya naman binawi rin niya ang kanyang katawan at isinadal niya sa upuan saka umiwas ang kanyang mga mata sa mapanuring mga tingin ni Kesslee sa kanya.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon