Chapter Three

2.7K 109 28
                                    


"Dad, uhm uh," ang kanyang nauutal na sambit at narinig niya na natawa ng malakas ang kanyang daddy.

"Ha ha ha! Seryoso ako anak, pero hindi naman kita mamadaliin, alam ko na ang career mo ang uunahin mo at nasa top ka ng kasikatan mo ngayon, pero siyempre bilang isang matandang abogado na napag-iiwanan na ng paramihan ng mga apo ng kaibigan, eh hindi naman masama na umasa." Ang sabi nito sa kanya at isang buntong-hininga ng kaluwagan ang kanyang pinakawalan. Pero alam n ani Andres ang kanyang daddy, sa likod ng mga pabirong sinasabi nito ay may bahid iyun ng katotohanan.

He tried to lighten his voice kahit pa nakaramdam siya ng kaba sa sinabi nito, at isang ngiti ang isinagot niya sa kanyang daddy, "I'm not ready dad, nasa top pa ako ng aking career," ang kanyang sagot at tumangu-tango ito. Pero napansin niya na, na napabuntong-hininga ito at saka nito kinamot ng mga daliri ng kanan nitong kamay ang sarili nitong noo.

"I know kaya nga hindi kita pinipilit, eh paano ka naman magkakaanak eh ni anino ng girlfriend wala kang ipinakikilala sa akin," ang sagot nito sa kanya. Yumuko siya sandali dahil hindi niya masalubong ang mga tingin na ibinibigay sa kanya ng kanyang daddy. Yung gusto ko kasi ay hindi ko naman makuha, ang sabi ng kanyang isipan.

"Dad wala pa talaga kasi sa isipan ko ang magkarelasyon," ang kanyang sagot sa kanyang daddy. "Hindi pa po kasi talaga ako handa at hindi ko pa rin nakikilala ang babaeng gusto ko, at tulad po ng sinabi ko hindi ako naghahanap dahil sa naka-focus ako sa aking career."

"I know, I know, baka lang naman makalusot, pero mali siguro ang hinihiling ko sa iyo, dapat siguro, hindi apo agad ang hilingin ko kundi girlfriend, bonus na lang kung mabuntis mo eh di two birds with one stone," ang sagot ng kanyang daddy sa kanya na may malapad na ngiti sa labi nito. Alam niyang sa likod ng ngiti na iyun ay may nadarama ito na lungkot. He knew na mula nang namatay ang kanyang mommy ay namuhay nang malungkot ang kanyang daddy dahil sa nag-iisa na lamang itong namumuhay sa kanilang bahay. He chose to divorced himself sa kanilang bahay for him to have his privacy and his independence ngunit mukhang, sadness and lonesomeness was taking its toll to his daddy.

Nag-iisa siyang anak at malapit siya sa ama. Kahit pa isa itong abogado ay hindi siya nito pinilit na sundan niya ang propesyon nito at buong puso siya nitong sinuportahan sa kanyang karera kaya naman nagpursige siya na mag-excel at maging isang magaling na basketball player para maipagmalaki siya ng kanyang daddy. Lahat ay gagawin niya para maging proud ito sa kanya, ngunit ang huli yata nitong kahilingan ang hindi niya agad na maibibigay dito.

"Uhm dad, just...please just give me more time? Baka naman minsan ay makita ko na sa loob ng basketball court ang babaeng para sa akin," ang kanyang sagot sa kanyang daddy.

***

Nakakunot ang noo ni Kesslee, habang abala ang kanyang mga daliri sa pagtipa ng keys sa kanyang laptop. She was finishing her article para sa nangyaring laban between Mohicans and Bearcubs. Ang kanyang column ang lagging hinihintay ng lahat dahil nga sa, sa kanyang column lang mababasa ang exclusive interview ni Andres Ceresco. Pero kanina pa siya sa kanyang pagtipa ay hindi pa rin niya natatapos ang kanyang article. It was a short one pero inabot na siya ng ilang oras at panay na lamang ang pindot niya sa backspace ng kanyang keyboard and she was getting frustrated already. At hindi dahil sa kinakalawang na siya ang reason kundi sa mga pangyayari sa buhay niya ng sandaling iyun.

She felt left out! Ang kanyang himutok. "Grrrr," ang gigil niyang sambit nang magkamali na naman siya sa kanyang nailagay na words. "Shit!" ang inis niyang sigaw at isinara niya ang kanyang computer at saka niya inis na ipinatong ang kanyang mga siko sa ibabaw ng kanyang mesa at sinalo ng kanyang dalawang kamay ang kanyang noo. At doon na naman niya napansin ang wedding invitation na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. Inalis niya ang kanyang mga siko at saka siya umupo ng maayos at isinandal niya ang kanyang likod sa malambot na backrest ng kanyang office chair at tiningnan niya ang kulay lilac na sobre ng invitation. At isang inis na buntong-hininga na may pagkuyom ng kanyang nguso ang kanyang iginawi saka niya inis na dinampot ang sobre at tiningnan niya iyun habang hawak ng kanyang kanan na kamay. May isang college friend na naman siyang ikakasal at isa siya sa isandaan na limitadong guest at sa isang private island gaganapin ang wedding na may pa three day vacation pa para sa kanilang mga bisita at sa isang villa sila magiistay.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon