Chapter Sixteen

2.1K 98 15
                                    


Napabuntong-hininga si Andres habang tinitingnan niya si Kesslee na naglalakad papalapit sa kanyang direksiyon. Nang tawagan siya nito kagabi para sabihin ang tungkol sa pagpayag nito ay napagdesisyunan nila na magkita na muli. She refused na sa condo nito sila magkita dahil na rin sa may meeting ito with her dad.

She walked her way towards him at tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan para salubungin ang kaibigan na mukhang wala pa naman na ipinagbago ang hitsura nito. She still looks pretty normal to him mukha naman hindi pa ito buntis. He offered on buying their drinks and snack at dali-dali naman niyang iniwan sandali si Kesslee para umorder at ilang minuto ang lumipas ay bumalik na siya sa kanilang lamesa. Inilapag niya ang tray na may kape at clubhouse.

"Sorry late ako," ang paghingi nito ng paumanhin sa kanya once she took her first sip of her americano. Hindi pa ito nalate sa mga engagements nila pwera na lang siguro kung talagang may emergency. Hinintay niyang makaupo ito at ganun na rin ang kanyang ginawa.

Umiling ang kanyang ulo, "No okey lang," ang sagot niya.

"I'm having cramps, and my OB told me about this," ang sagot nito sa kanya.

"Talaga? Gumagalaw na ang baby ganun ba?" ang interisado niyang tanong kay Kesslee. Nakita niya na bahagya itong natawa sa kanyang sinabi kasunod ng pag-iling ng ulo nito.

"Hindi pa, matagal pa iyun na mangyari, sa first trimester ko makakraamdam ako ng paglilihi," ang sagot nito sa kanya.

Tumangu-tango siya, "dapat pala makalipat ka na sa unti ko and, maikasal na tayong dalawa,"-

"Andres," ang putol ni Kesslee sa kanya. At tiningnan niya kung paanong nangbuntong-hininga ito. "Iyun ang dahilan kung bakit gusto ko na makapag-usap muna tayo." Ang panimula nito sa kanya. Tumango siya at hindi siya sumagot hudyat para rito na ipagpatuloy ni Kesslee ang gusto nitong sabihin.

"Pumayag ako na, panagutan mo ang baby pero...walang kasal," ang sagot ni Kesslee na may riin ang pagbanggit sa huling salita nito. Kumunot ang kanyang noo.

"Pero iyun ang nararapat Kesslee, kailangan natin na magsama hindi ba? Para sa paglaki ng anak natin buo tayo na pamilya?" ang giit niya kay Kesslee, iyun ang goal ng kanilang pagsasama ang lumaki ang baby sa isang masaya at buo na pamilya.

"Okey papayag ako na magsama tayo Andres, but minus the wedding, we will not get married," ang giit ni Kesslee at tiningnan niya ang mga mata nito.

"Pero bakit?" ang kanyang tanong kay Kesslee. Alam niya na dapat ay nagmamahalan ang ikinakasal pero, pwede naman sa unang pagkakataon ay magpakasal sila para lang maging pormal ang kanilang pagsasama. "Gusto ko na maikasal tayo Kesslee para legitimate ang anak ko sa birth certificate nito."

Nakita niyang kumuyom ang mga labi ni Kesslee, "I know, mahirap ito para sa akin, kung ako lang ang iisipin ko, kung katulad ng dati lang na sarili ko lang ang iisipin ko at wala na akong pakialam sa magiging consequence ng gagawin ko ay agad-agad ay papayag ako sa kasal Andres, para sa anak natin."

"Ayaw mo kasi, umaasa ka pa rin ba na babalik si Fabian?" ang diretsa niyang tanong sa kaibigan at napapikit ang talukap ng mga mata nito saka ito umiling.

"Hindi ko siya babalikan Andres, that moment he told me to get rid of my child, kahit pa alam nito na anak niya ang bata ay nawala na ang respeto at pagtingin ko sa kanya," ang sagot ni Kesslee na sa ekspresyon nito ay mababakas na nagsasabi ito ng totoo.

"Then why? Dahil ba sa hindi mo ako mahal bilang kapareha? Are you still hoping that one day you will find the right man for you at kapag kasal ka na sa akin ay mahihirapan na kayong magsama?" ang kanyang tanong dito.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon