Isinandal ni Kesslee ang kanyang ulo sa headrest ng passenger seat. Nakalabas na siya ng hospital matapos ang ilang oras na obserbasyon sa kanya kaya naman pabalik na sila ng apartment ni Andres ng sandaling iyun. Madilim na ang kalangitan at napuno na ng liwanag ng mga ilaw ng mga establishments at ng mga sasakyan ang kahabaan ng kalsada na sinabayan ng mga taong nagmamadali nang makauwi sa mga bahay nito.
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang nakatuon ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Muling nanumbalik sa kanyang isipan ang nangyari o ang kanyang mga narinig kanina sa loob ng kanyang pribado na silid sa hospital. She was already awake that time nang marinig niya ang pag-uusap nina Andres at Fabian. But there was something in the air that moment that made her still close her eyes and to just listen in their conversation.
At nang marinig niya ang sinabi ni Fabian tungkol sa sinabi niyang buntis siya ay nakaramdam siya kaba habang hinihintay niya ang sagot ni Andres. It took all her will na hindi gumawa ng kahit anumang kilos o ingay para hindi malaman ng dalawa na gising na siya at nakikinig. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa hindi niya alam kung anong isasagot ni Andres. Pagtatakpan ba siya nito o sasabihin nito kay Fabian ang totoo nilang ginawa na siya ang may pakana? Ang tanong kanina ng kanyang isipan. Hindi naman siya dapat na magalit kay Andres kung sabihin man nito ang totoo, dahil sa iyun ang katotohanan. At napagtanto niya ng sandaling iyun kung gaano siya naging kadesperado sa buhay mapakasalan lang ng lalaking inaakala niya ay siya lang ang babae sa buhay nito.
Ngunit nagulat siya sa narinig niyang sagot ni Andres. Hindi man iyun ang kumpleto na katotohanan ngunit napakalapit na nito at halos umapaw ang kanyang puso ng emosyon para sa kaibigan na iningatan pa rin na magmukha siyang masama at nang sandali na iyun ay may namuong luha sa kanyang mga nakapikit na mga mata. Laking pasalamat niya dahil sa nagkunwari siyang tulog dahil kung hindi ay masasaksihan ng mga ito ang mga luha na pinigilan niyang tumulo habang nagkukunwari siyang tulog.
Labis ang pag-aalala at pag-aaruga na ibinigay sa kanya ni Andres na hindi lang ang kondisyon ng pisikal niyang katawan ang iningatan nito kundi na rin ang kanyang emosyon at pagkatao at umabot ang puso niya para kay Andres. May labis na emosyon na namayani sa kanyang puso na hindi niya mapangalanan ng sandali na iyun para kay Andres. At dama niya iyun sa kanyang dibdib hanggang sa sandaling iyun.
"Are you feeling okey?" ang narinig niya na tanong sa kanya ni Andres na abala sa pagmamaneho pabalik sa apartment. Inalis niya ang kanyang mga mata sa bintana and she turned her head while it was still plastered on the headrest. Inihinto nito ang kotse dahil sa red light kaya naman tumingin ito sa kanya at nakita niya ang pag-aalala sa kulay asul nitong mata that reminds her of a precious stone.
Umiling ang kanyang ulo at isang ngiting tikom ang kanyang isinagot dito. Nakita niya na kumunot ang noo ni Andres bago ito nagsalita.
"Sigurado ka? You should tell me Kesslee habang hindi pa tayo nakakarating sa bahay," ang sagot nito sa kanya habang nakapako ang kanyang mga mata rito. Muli siyang umiling at ngumiti ng mas malapad.
"Hindi," sagot niya na may pag-iling, "okey ako Andres, masakit lang ang pisngi ko but other than that okey na ako at wala na rin ang headache, "ang kanyang sagot. Andres reached for her and his right hand touched her cheek and she heard him expelled a sharp breath.
"I'm sorry," ang kanyang sabi rito. Hindi sumagot si Andres at pinaandar na nito ang sasakyan nang magberde na ang traffic light. Diretso siya na tumingin sa windshield sa direksiyon na nakatuon din ang atensiyon ni Andres. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng lungkot, yung gusto niyang maluha ng sandali na iyun. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang kanyang naramdaman.
"T-thank you Andres," ang kanyang sabi rito at sumulyap siya kay Andres.
"It's my responsibility Kesslee, kahit si Fabian ay ganun ang ginawa," ang sagit nito sa kanya at kung bakit parang bumagsak na naman ang puso niya. Andres sounded withdrawn at nakaramdam siya ng agam-agam na siya ang dahilan ng iginagawi nito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...