Chapter Forty-Three

1.8K 117 24
                                    

Sinundan ni Andres ng tingin si Kesslee at parang pinupunit ang kanyang puso nang makita niya ang bahid ng luha sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng mga luha na iyun, ngunit iisa pa lang ang sigurado siya, si Nikolas ang may gawa, ang kanyang sabi sa sarili at dahan-dahan na pumihit ang kanyang katawan para harapin ang lalaking dati ay laman ng kanyang puso ngunit sa sandaling iyun ay kanyang kinamumuhian.

"Anong ginawa mo?" ang gigil niyang tanong kay Nikolas. He looked at him straight in his eyes with his blue eyes blaring like lightning in the sky. His chest was so full of anger na para siyang bulking umuusok at handang sumabog anumang sandali.

"Anong ginawa mo sa kanya?" ang kanyang pag-uulit na tanong at sinabi niya ang mga salitang iyun na hindi man lang bumuka ang kanyang mga labi. Nanatili siyang nakatayo at magkaharap sa isa't isa ang tanging nasa pagitan nila ay ang mababang kahoy na lamesa. Kung siya ay nagpupuyos sa galit halata pa rin ang pagiging kalmado ni Nikolas sa sandaling iyun.

"I told her the truth," ang matipid ngunit mariin na sagot ni Nikolas sa kanya, ngunit matipid man, those words speaks volumes. At nang mapagtanto niya ang pakahulugan ng sinabi ni Nikolas ay para siyang sinikmuraan sa kanyang tadyang.

Nalaman ni Kesslee? Alam na ni Kesslee? Ang tanong ng kanyang isipan at labis ang kirot na gumuhit sa kanyang dibdib. Kumuyom ang kanyang mga daliri at halos magmanhid na ang kanyang mga kamay. Kung pwede lang sana na maging manhid na ang kanyang puso at hindi na niya maramdaman ng sakit na nararamdaman niya ng sandaling iyun.

"Bakit mo nagawa iyun?"! ang sigaw niya at hindi na niya napigilan na maging emosyonal ng sandaling iyun. Hindi niya alam kung may nakakarinig sa kanila ngunit wala na siyang pakialam pa.

"Mahal kita, at handa akong ipaglaban ka Andres tulad nang sinabi ko sa iyo noong gabing iyun,"-

Mabilis na umiling ang kanyang ulo, "please! Utang na loob Nikolas, huwag mo nang ipaalala ang gabing iyun! Hindi ko iyun ginusto," ang giit niya at ramdam niya ang pandidiri niya sa kanyang sarili. Nagtaasan ang kanyang mga balahibo na palagiang nangyayari sa tuwing sasagi sa kanyang isipan ang nangyaring iyun, at hindi iyun madalang.

Nikolas snorted and he shook his head to him and he looked at his eyes na pinakagusto niya noong features nito. "Hindi iyan totoo Andres, alam mong hindi iyan totoo," ang giit ni Nikolas sa kanya.

Umiling ang kanyang ulo, hindi niya alam ang isasagot dahil sa hindi niya alam kung tama o mali ang sinabi ni Nikolas. Siya man ay nalilito pa rin sa mga nangyari noong gabing iyun. But for the sake of saving his relationship with Kesslee, he would definitely deny his belief.

"Hindi, hindi ko iyun ginusto Nikolas at hindi ko iyun kailanman magugustuhan," ang pagtanggi niya.

"I doubt that, I didn't hear you complaining that night Andres and you were awake," ang giit ni Nikolas sa kanya. "And may I remind you na sabay tayong"-

Umiling ang kanyang ulo, ayaw na niyang marinig pa ang mga nangyari, at hindi na kailangan pang sabihin nito ang nagyari dahil sa binabangungot pa rin siya hanggang sa kasalukuyan.

"Sinira mo ako at ngayon pati si Kesslee idinamay mo."

"She's letting you go Andres, iyun ang sinabi niya sa akin kaya niya ako kinausap, ay para sabihin sa akin na palalayain ka na niya para,"-

Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang sasabihin ni Nikolas. Nang marinig niya ang mga huling salitang sinabi ni Nikolas sa kanya ay iyun ang nagpapihit sa kanyang katawan para dali-dali niya itong talikuran and he dashed out of the door his feet were half covered with his shoes as he hurried his way out the main door of the restaurant.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon