Chapter Nine

2.3K 104 41
                                    

Mukhang maiistroke siya sa kanyang kinauupuan. Hindi kaya mangisay na lang siya at tuluyan nang manigas sa maliit na salas ni Kesslee dahil sa hindi normal ang tibok ng kanyang puso. Parang lalabas na sa loob ng kanyang rib cage ang puso niya habang pinakikiramdaman niya si Kesslee. Natigilan na siya sa kanyang pag-inom nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo na nasa kusina at hinintay na lamang niya si Kesslee na lumitaw sa kanyang harapan.

Nahagip na ng kanyang ilong ang amoy ng sabon na ginamit nito. Mabango iyun, parang baby powder na masarap sa ilong, pero kahit anong bango ay hindi man lamang siya nakaramdam ng kahit anong init sa kanyang katawan. Kahit pa ang alak ay walang nagawa para pakalmahin ang kanyang ugat-ugat at pulso. Dahil nagwawarla pa rin ang kanyang puso sa kanyang dibdib.

His head slowly turned to look at Kesslee and he saw her moving towards him at doon na niya nakita ito na dalawang dipa na lang ang layo sa kanya at napansin din niya na tanging terry towel na lang ang nakatakip sa katawan nito. Her hair was down and he could see water droplets on her shoulders and on the swell of her full breasts.

"Ready?" ang tanong ni Kesslee sa kanya in a nonchalant manner na tila ba kung ano lang ang dapat niyang paghandaan at always ready siya sa mga ganun na bagay.

At parang may catapult ang kanyang pwet at mabilis na inihagis ng upuan ang kanyang pwetan para tumayo siya habang hawak pa rin ng kanyang kamay ang lata ng beer.

"Uh uhm, pwedeng...uh...pwedeng magshower na rin muna ako?" ang kinakabahan at nagkautal-utal na sagot niya kay Kesslee.

"Uh sure, kuha ka na lang ng bagong towel sa hanging cabinet sa banyo," ang sagot sa kanya ni Kesslee habang nakatapis itong nakatayo sa kanyang harapan and he could see almost half of her breasts na litaw sa itaas na bahagi ng towel.

"Uh yeah uh, o-okey," ang nautal pa rin niyang sagot.

"Meron ka nga palang naiwan na shorts at shirt dito sa akin, gusto mo bang gamitin?" ang tanong ni Kesslee sa kanya.

Bakit pa? hindi naman niya kailangan na magdamit hindi ba? Ang tanong ng kanyang isipan, may nagsi-sex ba na nakadamit? "Uh mamaya na lang siguro," ang kanyang sagot kay Kesslee na tumango sa kanyang sinabi.

"Okey, pasok ka na lang sa loob ng kwarto pagkatapos mo na magshower," ang sagot ni Kesslee sa kanya at saka siya nito iniwan nang pumasok na ito sa loob ng silid nito.

Sinundan niya ito ng tingin at napansin niya na tanging lampshade lang ang buhay na ilaw sa loob ng silid. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at mahigpit na pumikit ang kanyang mga mata.

Gusto niyang magshower, hindi lang para bumango siya, kundi baka sakaling mapakalma ng mainit na tubig ang kanyang nag-aalburutong pulso at puso. At hindi lang din iyun, hanggat kaya niyang patagalin ay patatagalin niya muna, dahil sa hanggang sa sandaling iyun ay hindi pa rin siya handa sa napipintong mangyari sa kanila ni Kesslee. He was going to be devirginized, not by someone he loves but by his friend, na mahal din naman niya, pero, hindi naman ito ang

"Ugh Kesslee," ang bulong niya, saka niya tinungga ang nalalabing laman ng hawak niyang lata ng beer at saka siya naglakad palapit sa kusina para itapon iyun sa basurahan saka siya pumasok sa loob ng banyo.

***

Tinuyo ni Kesslee ang kanyang katawan at nakagawian na rin naman niya na bago matulog ay ang magpahid ng lotion sa kanyang katawan. She grabbed a pair of her boyleg underwear and she didn't bother putting on a bra, tutal matutulog na rin naman siya pagkatapos nito. Iyun ay kung sa isang pasukan lang ay matatapos ang lahat, ang kanyang sabi sa sarili. Napansin kasi niya na nininerbiyos si Andres. Kahit pa hindi nito sabihin sa kanya o aminin halata naman na nininerbiyos ito dahil sa nagkakautal-utal ito. Ni hindi ito nauutal kahit kasama nito si Nikolas, kaya naman alam niyang kinakabahan ito dahil sa nagkandautal-utal ito sa kanya kanina. Sa kanya na best friend nito na kailanman man ay di pa nangyayari, maliban kanina.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon