"Oh? What happened?" ang gulat na tanong sa kanya ni Andres pagtapak niya papasok ng apartment nito. hindi niya kayang maitago ang bakas ng pagluha mula sa kanyang mga mata. gustuhin man niya na mag-stay pa muna sa labas ng bahay para magpahupa ng kanyang nadarama ay alam niyang hindi rin maganda ang ideya na iyun dahil sa alam niya na hindi pa huhupa ang kirot sa kanyang dibdib, at hindi pa huhupa ang mga luha at alam niyang patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga ito, at alam din niya na mag-aalala lang si Andres sa kanya. Kaya naman pilit na niyang pinahupa ang kanyang luha at dinaan niya sa pagpunas ng basang tisyu ang kanyang mga mata at basa na mukha.
Inalis niya ang kanyang suot na sapatos at pagkaharap niya kay Andres ay inilapat ni Andres ang mga palad nito sa kanyang magkabilang mga pisngi at marahan nitong hinila ang kanyang mukha papalapit at sinalubong niya ang halik ni Andres na dumampi sa kanyang mga labi at muli ay isang kirot ang gumuhit sa kanyang dibdib. Masakit sa kanyang isipin na ang mga labi na iyun ay dumampi na sa mga labi ni Nikolas.
"Bakit parang umiyak ka?" ang tanong ni Andres sa kanya at hinaplos pa nito ang kanyang mukha at sabay halik ng mabilis sa kanyang labi.
Isang pilit na ngiti ang isinagot niya kay Andres at ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga labi, "uhm may bago kasing service sa spa, yung may pampalambot ng eyelashes? Eh hindi ko napigilan na maidilat nang kaunti yung mata ko may pumasok na gel," ang kanyang pagsisinungaling.
Napaatras ang ulo ni Andres at kumunot ang noo nito sa kanya, "your lashes are already beautiful and soft hindi mo na kailangan pa ng mga ganung procedure," ang sabi ni Andres sa kanya.
Isang tikom na ngiti muna ang kanyang isinagot bago siya nagsalita, "uhm bago kasi kaya...nag-try ako," ang kanyang sagot.
"Well you shouldn't, saka maganda ka na, shower lang ang katapat ng spa na iyan," ang sagot ni Andres na inilapat ang kamay nito sa kanyang mga bewang at hinila siya nito palapit sa katawan nito. idinikit ni Andres ang labi nito sa kanyang tenga para bumulong. "Speaking of shower, shower na tayo."
Nakaramdam ng init ang kanyang katawan ngunit nang maalala niya ang dahilan ng kanyang pagluha at paghinakit.
"Uhm pwede mamaya na lang?" ang patanong niya na sagot at inilapat niya ang kanyang mga palad sa dibdib ni Andres, na sinimulan nang kagat-kagatin ang kanyang tenga.
"What? Anong ibig sabihin niyun?" ang tanong ni Andres at mula sa tenga niya ay bumaba sa kanyang leeg ang bibig nito. At nagsimula nang magkaroon ng sariling isip ang kanyang katawan. Her treacherous heart and body give in, dahil sa hinayaan na niyang maglandas ang mga kamay ni Andres sa buo niyang katawan kasabay ng mga labi nito. Hinayaan niyang mamayani ang kanyang pagmamahal kay Andres ng sandali na iyun. Kahit pa labis ang sakit na kanyang nadama sa ginawa nitong pagbubulgar ng kanilang sikreto kay Nikolas. Kahit pa alam niyang may ibang naging kaniig ang katawan nito.
"Andres," ang sambit niya nang pumaloob na ang kamay nito sa ilalim ng suot niyang palda at hinila nito pababa ang kanyang panloob.
"Yes baby," ang bulong nito sa kanyang leeg. Ngunit hindi na niya nagawa pang sumagot dahil sa napasinghap siya nang matunton ng daliri nito ang sensitibong usbong na ikinukubli ng mga labi ng kanyang pagkkababae. At nagwagi na ang pangangailangan ng kanyang katawan.
At ilang sandali pa ay nakita na niya ang kanyang sarili na nakalapat ang kanyang harapan na katawan sa ibabaw ng mesa habang nasa likuran niya si Andres at iniangat nito ang kanyang palda.
***
"Here," ang sabi ni Andres sa kanya nang ilapag nito ang tasa sa ibabaw ng maliit na mesa ang mug na may laman na malapot at mainit na tsokolate na may nakalutang na maliliit na mallows.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...