"Shit," ang sambit ni Kesslee nang mabasa niya ang kabuuan ng istoryang kumakalat sa sports news at ganun na rin sa lifestyle news dahil sa kasikatan ni Andres at Nikolas. Alam niya na hindi pwedeng mapansin ang pag-iiwasan ng dalawa sa laro nito at ang pagkatalo ng Mohicans kahapon ang huling straw at kumalat na ang speculation but she never ever realized na siya ang magiging pinaka-subject ng kwento at ang puno ng speculation. They all thought that she and Nikolas were having an affair.
May kumalat na story na nagcheck-in siya sa isang apartment dala ang isang suitcase. She thought that the front desk will be discreet about their guests but maybe hindi naman sa mga ito nanggaling ang kwento at marahil may nakakita at nakakilala sa kanya noong araw na doon siya tumuloy. At hindi pa nakatulong ang mga kuha na kumalat na sa internet. Ang kuha nila ni Nikolas na sila lang ang magkasama at noong unang araw na nag-usap sila at iyun pa ang parte na hinawakan ni Nikolas ang kanyang pulsuhan. At mayron din na huling kuha nila ni Nikolas sa tea shop. She was discreet about it, pinipili niya ang lugar kung saan maari silang mag-meet ni Nikolas. Pero hindi na rin siguro nakatulong na si Nikolas ay isang sikat na tao.
Ayon sa kwento na para kay Kesslee ay isang tsismis, ay siya ang puno't dulo at ang nag-iisang dahilan kung bakit nag-away ang matalik na magkaibigan at magkateam-mate na sina Andres at Nikolas.
"Irresponsible journalism," ang kanyang sambit. At iniwan na niya ang site kung saan nakakalat ang balita. Hindi na niya ito papatulan para hindi na lumaki pa. Wala naman isyu ito para sa kanya dahil sa alam niya na hindi iyun totoo. Pero paano kapag nalaman ni...
"Good morning," ang inaantok na bati sa kanya ni Andres mula sa pintuan ng kwarto. Muntik na siyang mapaigtad mula sa silyang kanyang kinauupuan at agad niyang isinara ang kanyang laptop at she placed both her hands on top of it. As if she was guarding it with her life.
Tiningnan niya si Andres na naglalakad palapit sa kanya at tanging suot nito ay boxers habang pakamut-kamot ito ng mga mata at ulo.
"Good morning baby, how's your sleep?" ang kanyang malambing na tanong at pinagmasdan niya si Andres na hinila ang upuan sa kanyang tabi at doon ay naupo ito. Hinagkan nito ang kanyang pisngi bago ang kanyang labi na kanya namang sinalubong.
"Hmmm, I love you," bulong nito sa kanyang labi. Isang ngiti ang isinagot niya kay Andres at mabilis niyang hinagkan muli ang mga labi nito bago siya sumagot.
"I love you," ang bulong niya. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?" ang kanyang tanong and she tried to ignore the gossip that was all over tha social media.
Tumango si Andres at inilayo nito ang katawan para isandal ang likod nito sa sandalan ng upuan at saka ito nag-inat.
"Yeah, hindi ako masyadong nagising kagabi, nagising lang ako para magbreast-feed," ang sagot nito sa kanya na may pilyong ngiti sa mga labi nito at sabay pa na nagtaas-baba ang mga kilay nito sa kanya. At dulot nito ay ang pag-init ng kanyang mga pisngi na kaya pa ring gawin ni Andres sa kanya sa kabila ng mga erotic nang nangyari sa kanila.
"Oh bakit dagan-dagan mo yang laptop mo baka mabasag?" ang tanong ni Andres sa kanyang nang mapansin nito ang kanyang dalawang kamay at kasama na ang kanyang mga pulsuhan na nakapatong sa ibabaw ng kanyang laptop. Inalis niya ang kanyang mga kamay at isang pilit na ngiti na halos ngiwi kung kanyang masasabi ang kumurba sa kanyang mga labi.
"Kung makadagan ka parang may lalabas na multo sa laptop mo, may scandal ka siguro na pinapanood ano?" ang tanong sa kanya ni Andres, "patingin nga!" ang sabi pa nito sabay hawak sa laptop niya.
Mabilis niyang tinapik ang kamay nito at isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ni Andres. At para kay Kesslee ay musika iyun sa kanyang tenga lalo pa nitong mga nagdaan na araw ay bihira itong humalakhak at lagi na lang nasa malayo ang isipan nito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...