Chapter Thirty-Six

1.9K 116 27
                                    


"May towel ka ba na dala?" ang tanong ni Kesslee kay Andres. Nagsusuot na ito ng sapatos habang siya naman ay sinilip pang muli ang dala nito na gym bag. Binuksan niya ang zipper at ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng nakabukas na gym bag.

"Meron na babe, kumpleto na yan, pati toiletries ko," ang sagot ni Andres sa kanya habang inaayos nito ang laylayan ng suot na pantalon.

"Just double checking," ang sagot niya. At nagtama ang kanilang mga mata at nagpalitan sila ng mga ngiti. Hinila niya ang zipper para isara ang bag na nakapatong sa sofa. Tumayo siya sa tabi nito at saka siya naghalukipkip ng kanyang mga braso sa kanyang dibdib at hiyaan niyang mahila ang suot niyang malaking t-shirt na tanging suot niya at isang boyleg undie. Sa bahay lang siya maghapon at matutulog siya maghapon pagkatapos niyang magsulat ng kanyang article.

Napansin niya napakagat ng labi nito si Andres nang makita nitong mahapit ang suot niyang shirt sa kanyang dibdib kaya naman bumakat ang kanyang nipple sa suot niyang manipis na t-shirt. Tumayo ito at naglakad ito papalapit sa kanya saka umikot ang bisig nito sa kanyang bewang para hikitin ang kanyang katawan papalapit dito. And her body was pressed against him. She pressed her cheek against his chest and her nose flared to inhale his fresh scent.

"Hmmm, thank you for accompanying me yesterday sa panonood ng exhibition game ng team ng Bearcubs," ang malambing niyang sabi kay Andres.

Mahigpit siyang niyakap ni Andres, "hindi naman kita hahayaan na manood ulit ng wala kang kasama at baka sa excitement mo, ihampas mo na naman ang mukha mo sa sahig," ang pang-aasar sa kanya ni Andres, "aray!" ang hiyaw nito nang sampalin niya ang pisngi nito, ngunit napalitan agad iyun ng malakas na tawa.

"Walang'ya ka," ang kanyang sagot ngunit may malapad na ngiti sa kanyang mga labi, "andun naman si Fabian para tulungan ako,"-

"Kaya ng akita sinamahan." Ang putol nito sa kanyang sasabihin.

"Wow, threatened ka pa rin, eh sakal mo na daliri ko?" ang sagot niya rito sabay angat niya ng kanyang left ring finger para ipakita kay Andres ang engagement ring niyang may malaking bato.

"Hindi ah," ang mabilis na pagtanggi nito pero halata sa mukha nito na hindi ito nagsasabi ng totoo. Iniwas pa nito ang mga mata sa kanya at tumikom ang labi nito.

"Oh sige na, baka malate ka sa practice game ninyo at matalo pa kayo ng foreign group na yun," ang sabi niya kay Andres at marahan niyang itinulak ang balikat nito para maglakad na ito papunta sa pintuan.

"Naku, malabo na matalo kami ng mga mapuputla na iyun,"-

"Maputla? Ang popogi kaya,"-

"Tumigil ka nga Kesslee, buntisin kaya kita ulit?" ang banta nito sa kanya habang naglalakad sila palapit sa may pintuan habang bitbit ang gym bag nito.

"Buntis na ako," ang sagot niya rito, "magpractice ka," ang paalala pa niya pagkahila ni Andres ng pinto. Humakbang ito palabas at tumayo ito sa bungad ng pintuan.

"Natalo ang Bearcubs dahil si Fabian lang ang meron sila," ang sabi ni Andres sa kanya habang magkaharap silang nakatayo sa pintuan, Ito sa labas at siya naman sa loob. "Wala silang Andres Ceresco." Ang mariin na sabi nito sa kanya.

She curled her lips and lifted an eyebrow. She stood on tiptoed and wrap her arms on Andres' neck and she pulled him closer. Ang kanan na kamay naman ni Andres ay lumapat sa kanyang likod at kinabig siya nito papalapit hanggang sa nagdikit na ang kanilang mga katawan. He dipped his face to her hanggang sa gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.

"Yeah, I know, magaling ka talaga sa pag-shoot," ang kanyang malanding bulong sa labi ni Andres.

"I know, I'm a shooter," ang bulong din na sagot nito sa kanya. Saka nito inilapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi. They started with a gentle kiss. Paulit-ulit na naglapat ang kanilang mga labi. Pero nang hikitin pa siyang lalo ni Andres at napaliyad na ang kanyang katawan ay nagsimula nang dumiin ang mga labi nito. Naramdaman na niya ang dila nitong nanghimasok sa loob ng kanyang bibig at sinipsip iyun ng kanyang mga labi. Isang ungol ang lumabas sa lalamunan nito at naramdaman niya ang isa nitong kamay na nagtataas-baba sa kanyang hita. They were making out sa harapan ng pintuan ng apartment ni Andres.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon