"Nga pala babe, may lakad nga pala ako mamaya, hindi ka naman yata makakasama kasi sabi mo nga may meeting kayo ng team, but like what you've said, magmessage ka lang sa akin kapag tapos na ang meeting ninyo then we'll have dinner tulad ng sinabi mo sa akin kanina," ang sabi ni Kesslee kay Fabian habang magkaharap silang nakaupo sa napili nilang lamesa sa isang coffee shop.
Hindi sumagot si Fabian at napansin ni Kesslee na kanina pa ito tahimik, nang dumating ito kanina ay hinalikan lang siya nito sa pisngi at umorder ng kanilang kape ay sandwiches. Napansin niyang siya lang ang panay ang salita at kapag sumagot naman ito ay napakatipid, ni hindi pa umabot sa five words sentence ang lumabas sa bibig nito. Naisip niya na baka he was still feeling down dahil sa pagkatalo ng team nito kagabi. Masyado nitong dinidibdib ang pagkatalo nito, he wanted to take the full responsibility at buhatin ang team nito papunta sa championship, na minsan ay negative na ang dating sa mga kateam-mate nito at mga manunuod.
"May problema ba?" ang kanyang tanong dito. At inabot niya ang kanan na kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa pinisil niya iyun at matamis siyang ngumiti kay Fabian na tumikom lang ang mga labi.
"Babe if it's about the game last night, hindi mo kasalanan kung natalo kayo, it's just that,"-
"Andres again proved himself last night that he was one hell of a team captain?" ang putol sa kanya ni Fabian at natigilan siya. And she met his eyes and she can read contempt on those almond eyes of his. Ang sinabi ni Fabian ay ang kanyang isinulat sa kanyang article at mukhang nabasa na iyun ni Fabian. Lagi naman siyang nagsusulat ng papuri sa kanyang kaibigan at hindi naman iyun pinepersonal ni Fabian, kaya naman hindi niya inasahan ang naging reaksyion nito ng sandaling iyun.
"Babe,"-
"Ano bang aasahan ko sa sulat mo para kay Andres kundi puro papuri, kulang na nga lang lagyan mo ng pakpak si Andres sa description mo para magtila anghel na siya eh," ang sumbat ni Fabian sa kanya na kanyang ikinagulat. Hindi niya maintindihan kung anong pinanggagalingan ng galit ni Fabian sa kanya tungkol sa kanyang isinulat na nangyari sa unang pagkakataon.
Napaatras ang kanyang ulo at saka siya napailing kasabay ng pag-angat ng kanyang mga kamay na nakaharap pataas ang kanyang mga palad.
"Where are all these coming from?" ang nalilito niyang tanong kay Fabian na kinakitaan na niya ng inis sa mukha nito at direkta iyun sa kanya.
"Alam mo dapat hindi ka nagsusulat ng sports news dahil napaka-bias mo,"-
"What?"-
"Daddy mo ang coach ng Mohicans and best friend mo ang kanilang star player," ang sumbat nito sa kanya.
"Fabian, kahit kailan hindi ako naging bias sa pagsusulat ko," ang kanyang pagtatanggol sa sarili at iyun ang katotohanan. Kahit kailan ay hindi niya kinilingan ang kaibigan, talagang mahusay si Andres but there were times na pumapalya rin ito at isinusulat din niya iyun at naging patas siya kay Fabian dahil ito rin naman ay hindi niya kinakalimutan na laging maging laman ng kanyang article and she was never been accused by anyone kahit ni Andres na bias siya sa kanyang pagbabalita kay Fabian lalo pa at boyfriend niya ito. And she was aghast na marinig niya iyun sa bibig ni Fabian.
"Talaga? I don't think so, siyempre may kapalit ang pagiging exclusive ni Andres sa article mo, ikaw lang ang nakakapag-interview sa kanya, and ano ang kapalit? A good story with regards to him?" ang akusa ni Fabian sa kanya.
Napaatras ang kanyang ulo, "alam mong hindi yan totoo Fabian, I also write goos articles about you, at mas madalas pa iyun dahil sa ayaw ni Andres ng sobrang exposure,"-
"Oh! So matakaw ako sa exposure ganun? Iyun ba ang gusto mong ipunto?" ang galit na tanong sa kanya ni Fabian. Umiling ang kanyang ulo habang nakakunot ang kanyang noo, hindi siya makapaniwala na sa bawat pagtatanggol niya ay mas lumalala pa ang lahat at mas lalong pang nanlalabo ang pang-unawa ni Fabian sa kanya. She was trying to figure him out na baka stress lang ito sa game, pero dati pa naman na nangyari ang pagkakatalo ng mga ito sa Mohicans but he never acted this way.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...