Kesslee woke-up na umiikot ang kanyang paningin. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata pero parang may nakahawak sa kanyang noo at iniikot ang kanyang mga mata. Nanatili na muna siyang nakahiga sa kama.
"Ugh," ang kanyang sambit at narinig iyun ni Andres na nasa kanyang tabi. Naramdaman niya na gumalaw ito and she felt his arms against his when he lifted his upper body and loom over her.
"Kesslee? Are you okey?" ang tanong nito sa kanya at mababakas sa boses nito ang pag-aalala.
"Nahihilo lang ako," ang sagot niya at nanatili lang na nakapikit ang kanyang mga mata habang hinihintay niya na humupa ang pag-ikot ng kanyang paningin.
"Is that normal?" ang narinig niyang tanong ni Andres sa kanya, "kung tawagan ko kaya ang doctor mo? Your OB, para makasigurado tayo," ang dugtong pa nito.
Muling nanaba ang kanyang puso para kay Andres, at kung nitong mga nakaraan na araw ay wala siyang ideya ng kanyang nararamdaman? Noong isang gabi ay napangalanan na niya ito. Mahal na niya si Andres, hindi lang bilang isang kaibigan ngunit bilang isang lalaki.
"This is normal, actually simula pa nga lang daw ito, makakaramdam pa ako ng," at hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin nang maramdaman niya ang sasabihin niya na pangangasim at paghalukay ng sikmura. Bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan. And she swallowed the bile that was formed in her throat. Pinipigilan pa niya ang masuka.
"Kesslee, kailangan pa natin, Kesslee?"! ang habol na sigaw ni Andres, nang bigla siyang tumayo at halos paluhod siyang nagtungo sa banyo. Hindi na niya ito nasagot pa dahil sa nagsimula na niyang ilabas ang laman ng kanyang sikmura habang nakaluhod siya sa toilet bowl. She kept on vomiting habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa bowl hanggang sa naramdaman niya si Andres sa kanyang tabi.
Hinawakan nito ang kanyang nakalugay na buhok para hindi pumunta sa kanyang mukha at gamit ang isa pa nitong kamay ay hinagod nito ang kanyang likod. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nagpatuloy ang pagduwal niya.
"You're doing fine Kesslee, there, there, I'm here baby," ang narinig niyang sabi ni Andres na nakaluhod din sa kanyang tabi. May hagod ang boses nito katulad ng paghagod ng kamay nito sa kanyang likod. And somehow it helps her na lumuwag ang kanyang nararamdaman.
The spasms in her stomach stopped at nagsimula siyang huminga sa kanyang ilong at bibig. Pero hindi pa rin siya umalis sa kanyang pagkakaluhod sa harap ng bowl. At mukhang hindi na rin siya makatayo dahil sa nanlambot na ang kanyang mga tuhod.
"Tapos na ba?" ang tanong ni Andres sa kanya at tumango siya bilang sagot pero nanatili na nakapikit ang kanyang mga mata.
"Here, I'll help you, hawak ka sa balikat ko," ang sabi ni Andres sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kanan na braso na isinampay ni Andres sa balikat nito. He hooked his arm on her waist and he gently pulled her up. Nanlalambot man ang kanyang mga tuhod ay nakuha niyang makatayo dahil sa tulong ni Andres kung saan inilagay niya ang kanyang bigat at dito siya kumuha ng suporta sa kanyang paghakbang palapit sa lababo. Binuksan ni Andres ang gripo para sa kanya.
"Gusto mo bang linisan kita?" ang tanong ni Andres sa kanya. Mabilis na umiling ang kanyang ulo at hinayaan naman ni Andres na linisan niya ang kanyang bibig. Nagmumog siya para linisan ang kanyang bibig saka niya hinilamos ang tubig. At nakaramdam ng kaginhawaan ang kanyang mukha.
"Here," ang sabi ni Andres at pinunasan nito ng towel ang kanyang mukha. At nang matuyo na ang kanyang mukha ay naramdaman na lamang niya ang kanyang sarili na umangat ang kanyang mga paa mula sa sahig.
"Andres," ang kanyang sabi ngunit binitbit na siya nito patungo sa kama. Ang isang braso nito ay nasa kanyang mga balikat habang nasa likod naman ng kanyang mga tuhod ang isa pang braso nito. At saka siya nito marahan na inilapag sa ibabaw ng kama para muling mahiga. Naupo ito sa kanyang tabi at natungo itong tiningnan siya at nagtama ang kanilang mga mata. At mas lalo niya itong minahal. Mukhang lahat ng ginagawa nito para sa kanya ay dumadagdag lang sa pagmamahal niya para rito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...