Alam ni Kesslee na sa pagkakataon na pumasok sila sa loob ng resort ay iyun na rin ang simula na ipapaalam nila ang kanilang relasyon ni Andres. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib nang sumagi iyun sa kanyang isipan. She was really having second thoughts sa set-up nila na magkaibigan. Though she knew na ginagawa nila ito para sa baby na nabuo nila ni Andres, ayaw pa rin niya na madamay ang personal nilang mga buhay. Hindi na niya iniintindi pa ang sa kanyang buhay pag-ibig, ang inaalala niya ay ang kay Andres na hindi pa man ito sumubok ay sumuko na agad at dahil iyun sa kanya. Sa isang padalos-dalos niyang desisyon ay nadamay pa si Andres.
Naglalakad na sila papalapit sa main entrance ng villa nang kunin ni Andres ang kanyang kamay at awtomatikong nagdaop ang kanilang mga palad. It felt warm on her palm at hindi niya pwedeng ikaila na masarap iyun sa kanyang pakiramdam. She felt comfortable and secure. Hindi niya napigilan ang ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi at hindi niya napansin na sumulyap sa kanya si Andres.
"Nakangiti ka?" ang tanong nito sa kanya. At nilingon niya ito at sandaling nagtama ang kanilang mga mata.
"Hindi ko akalain na masarap pala ang kamay mo na humawak," ang kanyang nakangiti na sabi rito at napansin niya na namula ang mga pisngi nito. at doon na siya natawa saka niya pinisil ang kamay ng kaibigan. Nang nasa harapan na sila ng pintuan at marahan niyang hinila si Andres para sana pigilan ito. Tiningnan siya ni Andres at muli ay nagtama ang kanilang mga mata.
"Andres, once we get public wala nang atrasan ito," ang sabi niya sa kaibigan. Tumango ito sa kanya at mas humigpit ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanyang kamay.
"Ako ang nakaisip nito hindi ba? Ikaw? Gusto mo bang umatras? Mukhang nagdalawang -isip ka nan ang makausap natin si Fabian eh," ang tanong nito sa kanya. Gusto niya, gusto niya sana na lumayo na lang ng tuluyan, ngunit paano si Andres? Lalo pa at alam na ng daddy nito ang tungkol sa pagbubuntis niya na katuparan din sa hinihiling nito sa anak. At paano ang kanyang daddy? Napabuntong-hininga siya at kanyang ikinubli ang agam-agam na nararamdaman niya.
Umiling siya kay Andres at isang matipid na ngiti ang isinagot niya rito. "Naisip ko rin naman yun hindi ko itatanggi pero kapag naisip ko rin ang ginawa niya sa akin eh mas namamayani ang galit ko sa panloloko na ginawa niya sa akin, and baka nga tama ang sinabi ni Nikolas."
Tumango si Andres sa kanya at tuluyan na silang pumasok sa loob ng Villa at sa malaking living area nito ay naroon na ang ibang players ng Mohicans kabilang na si Nikolas. At may mga babae na rin na naroon na ang iba ay mga girlfriend at mga kaibigan ng mga ito.
"Tol! Uy nandito na si captain! Andres!" ang mga pagbati ng mga ito kay Andres at hindi rin naman siya nakaligtaan ng mga ito na batiin siya. At mukhang hindi pa alam ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Andres hanggang sa sandaling iyun nang makita ng isa sa mga ito ang magkahawak nilang mga kamay at nagpalitan lang ng mga pasimpleng tingin ang mga ito.
"Mabuti naman at nakasama si Kesslee," ang sabi ng isa sa mga kateam mate niya na nakaakbay sa girlfriend nitong nakaupo sa tabi nito sa sofa. "Para naman makapag-unwind ka muna sa mga nangyari," dugtong nito.
Isang matipid na ngiti ang kanyang isinagot, mukhang talagang kalat na kalat na ang balitang panloloko ni Fabian, no wonder that it affected his career, ang sabi niya sa kanyang sarili.
"Oo, first vacation kasi namin itong dalawa as a couple," ang sagot ni Andres at kahit pa expected na niya na ipapaalam na nila ang tungkol sa kanilang relasyon ay hindi rin naman niya inakala na biglaan nitong sasabihin sa mga ito. She was really expecting na magsasabi lang sila kapag may nakapansin at may nagtanong na. Sumulyap siya kay Andres at tiningnan niya ang mga taong nasa living area na ang iba ay nakaupo sa sofa at ang ilan ay nakatayo lang habang nanlalaki ang mga mata at nakanganga ang mga bibig ng mga ito sa labis na gulat at hindi na siya nagtaka sa naging reaksiyon ng mga ito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...