Chapter Forty-Six

2.1K 125 36
                                    

Pinagmasdan ni Kesslee ang natutulog na si Andres sa kanyang tabi. Hindi siya makapaniwala na nasa kanyang tabi itong muli habang mahimbing na natutulog. Nanatili itong nakadapa sa bahagi nito ng kama, isang posisyon na nakagawian na nito mula nang mangyari ang gabing iyun at sa pagkakataon na iyun ay naunawaan na niya kung bakit.

Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang iwan si Andres, na nagawa niya itong bitiwan, sa pag-aakala niya na para sa ikabubuti nito ang lahat hindi niya inakala na kailangan pala siya nito ng lubos sa sandaling iyun.

"Hindi na kita iiwan na muli, I'll stay with you and help you get through this nightmare," ang kanyang mahinang sambit habang pinagmamasdan niya ito. She wanted to reach out and touch his back or his cheek, but she refrain herself from doing so, dahil sa ilang beses itong nagpa-ikut-ikot kagabi. They made love again and again pero hindi lang iyun ang dahilan kung bakit hindi ito gaanong nakatulog, dama niya na dinadalaw pa rin ito ng panaginip o para nga kay Andres ay bangungot ng gabing iyun. At sa tuwing mararamdaman niya si Andres na kikilos o pipihit ang katawan ay agad niya itong ikinukulong sa kanyang mga bisig para yakapin ito ng mahigpit hanggang sa makatulog itong muli sa kanyang bisig habang nakalapat ang mukha nito sa kanyang dibdib.

"I love you Andres," ang kanyang mahinang sambit nang sumagot si Andres ng isang pag-ungol.

"Ughh," ang ungol nito. Agad na napaangat ang kanyang ulo at itinukod niya ang kanyang kanan na siko sa unan para iangat ang kanyang katawan at pinagmasdan niya si Andres. At may kumurot sa kanyang puso nang makita niya kung gaano ito nahihirapan ng sandaling iyun. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pait na dala ng bangungot kay Andres.

"Ugh, no... hindi...hindi ikaw si Kesslee? Kesslee?" ang mga sambit nito habang nakapikit ang mga mata nito at nakakunot naman ang noo.

"Andres, I'm here, I'm here," ang mahinang sambit niya at inilapat niya ang kanyang kaliwang palad sa likod nito. At parang piniga ang kanyang puso sa sakit nang makita niya ang luha na pumatak mula sa nakapikit nitong mga mata.

"Kesslee, please...I need you," ang sambit nito at hindi na niya napigilan ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

"Nandito ako Andres, hindi na kita iiwan," ang malakas niyang sambit at hinaplos niya ang likod ng ulo nito at doon ay napasinghap si Andres kasabay ng pagmulat ng mga mata nito. At nanlalaki ang mga basa nitong mga mata na nakatuon sa kanya.

"Kesslee?" ang patanong na banggit nito ng kanyang pangalan.

"Yes Andres, I'm here, I'm here," ang kanyang sambit at inilapit niya ang kanyang sarili rito at kinabig niya palapit si Andres sa kanyang dibdib at doon ay tila batang natatakot itong lumuha.

"Let it out Andres, cry it all out, I am here for you baby, I am not going to leave you," ang mahinang sambit niya habang nakasubsob si Andres sa kanyang dibdib at hinayaan niyang basain nito ang kanyang mga dibdib ng luha nito. Hinaplos niya ang ulo at likod nito at paulit-ulit niyang hinagkan ang ibabaw ng ulo ni Andres. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Kesslee, ang lalaking noon ay laman ng puso ni Andres ay nagdulot ng bangungot rito? Ang tanong ng kanyang isipan. At siya, siya lang ang tanging magiging sandalan ni Andres sa panahon na ito, at muntikan pa niya itong iwan at magdusa ng nag-iisa, ang hinanakit niya sa sarili.

Hinayaan niyang maubos ang luha nito at nang humupa na ang mga luha ni Andres ay marahan niyang itinulak ito papalayo sa kanyang dibdib at tiningnan niya ng may pagmamahal ang mga mata nitong basa pa rin ng mga luha.

Inilapit niya ang kanyang mga labi sa labi nito para gawaran ito ng halik at saka siya bumulong sa labi ni Andres.

"Meke love to me, Andres Ceresco," ang kanyang bulong saka niya muling hinagkan ang mga labi nito. She pulled him on top pf her as he dipped his lips to her. Clinging their lips, tasting, and sealing their lips to each other. Ramdam niya ang dila nitong nanghimasok sa loob ng kanyang bibig and she welcomed him, she welcomed all of him, as he postioned himself on top of her and in between her thighs. At naramdaman niya ang ulo ng pagkalalaki nito na kumakatok sa kanyang lagusan.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon