Hinawi ni Kesslee ang kanyang buhok na nakasaboy sa kanyang mukha, ilang araw na siyang nakakulong sa loob ng kanyang unit. She was practically living each passing day on deliveries, kung minsan naman ay isang beses lang siya kumakain sa isang araw dahil sa wala rin naman siyang gana na kumain. Tila ba ang inilalagay niya sa loob ng kanyang bibig ay papel na hindi niya manguya at malunok.
She didn't know kung bakit pa siya kumakain, bakit hindi na lang niya gutumin ang kanyang sarili? Hanggang sa tuluyan na siyang mategi? Oo hindi ba iyun ang pinakmaganda niyang gawin? Kaysa sa mamuhay at araw-araw kang mamamatay sa kahihiyan? Wala na siyang mukhang ihaharap sa kanyang mga kaibigan at sa kanyang pamilya. She? Kesslee Avalos the girl who always wins, ang babae na kinaiingitan ng karamihan ang kanyang career at lovelife, ay isang talunan sa pagkakataon na iyun. How can she even face her friends and family? She was so sure of herself at lagi pa naman niyang ipinagyayabang na strong ang relationship nila ni Fabian at ikakasal sila nito sa tamang panahon. Pero ang panahon na iyun ay malabo pa sa tubig na may putik na dumating at magkatotoo ang pinapangarap niyang kasal. Ang tanging pag-asa na lang sana niyana mabago ang lahat ay ang mabuntis siya pero kailangan niyang maghimala at magtila Birheng Maria minus the virgin part, dahil ang tanging pag-asa niya na si Andres para magkatotoo iyun ay mariin na siyang tinanggihan. As in parang sinampal siya nito sa mukha nang tanggihan siya nito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at muli siyang pumihit sa kabilang side para doon naman siya humarap mula sa kanyang pagkakahiga. Sumagi sa kanyang isipan ang date ng araw na iyun, hindi niya alam kung maglalaban na sa championship ang Mohicans at Bearcubs dahil sa ilang araw na rin siyang hindi nagpupunta sa arena at kasabay niyun ay ilang araw na rin siyang hindi nagpopost ng kanyang article sa kanyang column, ni wala na siyang alam na nangyayari sa labas ng kanyang unit.
Palagian siyang nakakatanggap ng tawag mula kay Andres na hindi niya sinasagot, ang tanging sinagot niyang tawag ay ang sa kanyang daddy dahil na rin siguro sa nagtaka ito at hindi siya nagpapakita sa arena at wala siyang sports news article. She said to his dad that she was not feeling well lately at may mga bagay lang siya na inaasikaso. She couldn't bear to tell her dad na she's grieving because of Fabian lalo pa at hindi pa siya handang isiwalat ang tunay na score sa kanila ni Fabian. Tanging si Andres lang ang nakakaalam.
Eh kung mangibang bansa na lang siya? Ang tanong ng kanyang isipan. Mukhang iyun na lang ang maganda niyang gawin lalo pa at wala naman nang kasiguraduhan na matatapos na ang cool-off nila ni Fabian at magkakabalikan na silang muli. Matagal naman na niyang balak ang magtrabaho sa ibang bansa kahit noong pagkagraduate pa lamang niya, but someone stopped her from doing it. Pero sa pagkakataon na iyun ay sa tingin ni Kesslee na iyun na ang last resort niya. There were a lot of news agencies abroad na pwede niyang mapag-aplayan bilang correspondent o sports newscaster kahit pa sa isang county sa States, basta malayo sa Pilipinas.
Pero wala pa siya sa mood na gumawa ng resume at maghanap ng kanyang maaaplayan, tila ba kasi nakadagan sa kanya ang langit at lupa ng panahon na iyun. Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga at ipinikit niya ang kanyang mga mata para sana na matulog ulit kahit pa wala na siya halos na itutulog. Gusto na lang niya na hindi magising kaysa naman maging tampulan siya ng tsismisan at pagtawanan ng mga tao.
Ilang minuto na nanatili siyang nakahiga at nakapikit nang tumunog ang kanyang telepono. At tulad nitong mga nakaraan na araw ay dali-dali siyang gumulong para dumapa sa kama at inabot niya ang kanyang teleponong natabunan na ng kanyang mga unan. Dali-dali na umilalim ang kanyang mga kamay sa mga unan at nang makapa niya ang kanyang telepono having high hopes na si Fabian ang kanyang caller pero ang kanyang pag-asa ay parang lobo na nawalan ng hangin nang makita niya ang pangalan ni Andres. Alam naman niya kung bakit tumatawag sa kanya si Andres at iyun ay ang kamustahin ang kanyang lagay at iyun lamang iyun. He told her firmly the last time they talked na hindi nito pagbibigyan ang kanyang kahilingan. But being her bestfriend ay hindi niya ito kailanman natiis na hindi kausapin. Ang mga misunderstanding sa kanila ni Andres ay mabilis nilang naaayos, ganun kaganda ang hindi man nila perpektong pagkakaibigan.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...