Mabilis na natuon ang kanyang mga mata sa kaibigan, he gave her an incredulous look at nakita niya ang ngiti sa labi nito, at saka niya ito inirapan.
"Kaso hindi ka rin naman mabibigyan ni Nikolas ng baby not unless nagkamatres ka," ang dugtong pa nito.
"Ha...ha...ha...na-ka-ka-ta-wa," ang walang buhay at mabagal niyang sagot sa sinabi ni Kesslee sa kanya.
"Kaso paano mo magiging jowa si Nikolas, kung tatahimik ka na lang at kikimkimin ang tunay mong nararamdaman?" ang tanong nito sa kanya bago nito inilapit ang lata ng beer sa bibig nito para uminom. At nakita pa niya na tinaasan siya nito ng kilay.
"Ugh," ang kanyang sambit sabay irap ng kanyang mga mata, "akala mo ba ganun na lang iyun kadali? Kung naging babae lang siguro ako baka nagawa ko yan Kesslee, pero alam mo mahirap para sa akin na aminin ang tunay ko na pagkatao, hindi lang kay Nikolas, pati na kay daddy, at lalo na sa lahat ng taong kilala ako at," isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Napakahirap para sa kagaya niyang may iniingatan na imahe na umamin na isa siyang bakla.
Oo isa siyang bakla at noong highschool pa lamang siya ay batid na niya iyun at tanging si Kesslee ang nakakaalam ng kanyang iniingatan na sikreto. Namatay ang kanyang mommy na hindi man lamang niya naamin ang kanyang tunay na pagkatao at ngayon naman ay mukhang sinusubok na naman siya ng pagkakataon. Hindi niya maamin sa kanyang daddy na isa siyang bakla, at sa tingin niya ay hindi niya magagawang aminin. His dad was super supportive of him and he never ever expects so much from him, kaya naman nakokonsensiya siya dahil sa ang alam ng kanyang daddy ay isa siyang lalaki o isa nga siyang lalaki ngunit nagkakagusto siya sa kanyang kapwa lalaki at ayaw niyang madurog ang puso ng kanyang ama na napakataas ng tingin sa kanya.
Si Nikolas ang kanyang kateam-mate ang kanyang napupusuan, unang araw pa lamang ng makilala niya ito at makasama sa Mohicans ay nahulog na ang kanyang loob dito, mula noong palagian na niya itong nakakasama. Nikolas is very easy to like, ito ay masayahin, makwento, at masarap tingnan dahil sa gwapo nitong mukha. He is a very attractive man and he is very much straight. Babae ang gusto nito obviously dahil sa mahilig itong makipag-usap sa mga magagandang babae at ugh, basta babae ang gusto nito kaya naman alam niya na hindi siya nito matatanggap ano pa kaya na magustuhan.
"Alam ko na mahirap pero, hmmm, hanggang kailan mo itatago?" ang tanong nito sa kanya sa malumanay nitong boses. Sa tuwing nagkakausap sila ng dalawa lang ay hindi naiiwasan na pag-usapan nila ang tungkol sa kanyang pagkatao. At hindi hindi niya iyun minamasama, kay Kesslee lamang siya nagiging natural na si Andres Ceresco na may pusong umiibig sa kapwa lalaki.
"Ugh, hindi ko alam," ang kanyang sagot na may pag-iling, "hindi ko alam Kesslee siguro kapag patay na ako? Ilagay niyo sa lapida ko na ako si Andres Ceresco namatay ng di umaamin na siya ay may kaluluwang babae sa katawan ng lalaki," ang kanyang sagot kay Kesslee na hindi napigilan na nagbuga ng hangin kasunod ng malakas na tawan.
"Pfffff! Ha ha ha ha!" ang malakas na pagtawa ni Kesslee na nagtaas ng mga paa nito at ipinatong sa kanyang mga hita. Hinawakan niya ang mga paa nito at awtomatikong minasahe niya ang mga paa nitong nababalot sa malambot na kulay pula na media na hanggang tuhod nito.
"Sige lang tawa lang, hanggang sa mautot ka," ang kanyang sambit ngunit hindi siya nagagalit sa kanyang kaibigan. Kahit kailan ay hindi sila nga-away nito may mga maliliit na tampuhan ngunit napakaliit na agad nilang naaayos. Pinisil-pisil niya ang talampakan nito at isang ungol ang lumabas sa bibig ni Kesslee.
"Ughhh, yan ganyan, uhhh sarrrap," ang sambit nito at nang tingnan niya si Kesslee ay nakasandal ang likod at ulo nito sa backrest ng silya habang nakapikit ang mga mata nito.
"You sound orgasmic," ang biro niya rito at saka niya hinagod ang talampakan nito at idiniin niya ang kanyang mga daliri.
"Uhh yeah, I mean...alam mo naman," ang sambit nito sa kanya pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...