Chapter Forty-five

2.1K 141 23
                                    


Kesslee was not feeling well again. Mukhang pati mga anak niya ay galit sa kanyang ginawa at lagi na lang masama ang kanyang pakiramdam nitong mga nagdaan na araw. Wala sana siyang balak na um-attend ng press conference ng Mohicans pero ayaw niyang hanapin siya ng kanyang daddy at magsimula itong magduda at magtanong tungkol sa status ng relasyon nila ni Andres.

Si Andres na makikita na niya ilang sandali pa, ang sabi niya sa kanyang sarili habang naglalakad siya palapit sa building kung saan sa loob nito ang venue ng press con ng Mohicans. She's running late dahil nga sa kailangan niyang pahupain ang kanyang hilo at pagsusuka na narasanasan niya pagkagising niya kaninang umaga.

Dali-dali niyang itinulak ang pinto at bumati sa kanya ang boses na madidinig mula sa mikropono. Nakita niya ang mahabang mesa na nasa gitna at ang kanyang mga mata ay awtomatikong hinanap si Andres na nakatuon din ang mga mata sa kanya at sinalubong nito ang kanyang mga tingin.

At ang puso niya ay lumukso sa kanyang dibdib at gusto nitong umabot kay Andres ng mga sandali na iyun. Nakita niya ang malapad na ngiti sa labi nito at nabasa niya ang pananabik sa ngiti nitong iginawad sa kanya. kukurba na sana ang kanyang labi para sagutin ang ngiting ibinati sa kanya ni Andres nang mapasulyap siya sa katabi ni Andres. It was Nikolas and he was looking straight at her, ang mga mata nito tila ba pinaalalahanan siya ng kanilang naging usapan at ng mga nangyari. kaya naman sa halip na ngumiti ay tumikom ang kanyang labi at umiwas na ang kanyang mga mata kay Andres na nakita pa niyang bumagsak ang mga balikat nang hindi niya sinagot ang ngiting iginawad nito sa kanya.

Space Kesslee, space! Ang sabi niya sa kanyang sarili. Kailangan niyang paalalahanan ang kanyang sarili na hindi magtatakbo papalapit kay Andres, habang naghahanap siya ng kanyang mauupuan at pinili na lamang niya na maupo sa hulihan para mas madali siyang makakalabas at makakaalis lalo pa at hindi maganda ang kanyang pakiramdam.

Naupo na siya at dama pa rin niya ang mga mata ni Andres na nakapako sa kanya. nanatili siyang nakatungo and she was taking her time sa pagkuha ng ballpen at kanyang notebook sa loob ng kanyang bag para hindi niya agad ituon ang kanyang mga mata sa harapan na kakailanganin niyang gawin dahil baka may makahalata sa kanya na umiiwas siya ng tingin kay Andres o sa kahit sinuman ang nasa kanyang harapan. The last thing she needed was to create a gossip about their relationship na parang trumpo.

At ilang sandali pa ay narinig niya na ipinakilala na ang kanyang daddy, at ibinigay na rito ang mikropono at doon na niya nakuha ang pagkakataon na tumingin sa harapan at iniwas niya ang kanyang mga mata kay Andres na hirap siyang gawin lalo pa at katabi lang ni Andres ang kanyang daddy. At ramdam niya ang mga mata ni Andres na nakatuon sa kanya, na tila ba nakapagkit na ang mga mata nito sa kanya at sinusundan ang kanyang bawat kilos.

Kaya naman pasulyap-sulyap na lang ang kanyang ginawa. Naglalaro ang kanyang atensiyon sa kanyang daddy at minsan naman ay sa kanyang notebook na nakapatong sa kanyang bag na nakapatong naman sa kanyang mga hita. And she started jotting down some notes tungkol sa statement na narinig niya mula sa kanyang daddy.

"Thank you! coach Teddy Avalos," ang pagpapasalamat ng host sa kanyang daddy nang matapos na ang pagsasalita nito. "At siyempre ang hinihintay ng lahat, ang captain ball ng Mohicans, Andres Ceresco!"

At nang marinig ni Kesslee ang pangalan ni Andres ay napahawak ng mahigpit ang kanyang mga daliri sa hawak niyang ballpen. At parang mga pakpak ang kanyang mga tenga na pumalakpak nang marinig niyang muli ang tinig ni Andres. It was thick like honey na tila bumabalot sa kanyang puso. At dahil sa hindi niya alam ang kanyang magiging reaksyon ay mas pinili na lang niyang tumungo at itinuon ang kanyang mga mata sa notebook na nakapatong sa ibabaw ng kanyang bag. She pretended to write down notes kahit pa puro doodle lang ang naisulat niya sa papel ng kanyang notebook ay nang makita niya ang kanyang mga naisulat ay napabuntong-hininga siya at isinara na lamang niya ang kanyang notebook. Useless din naman na magsulat siya dahil sa wala rin naman siyang naintindihan sa mga salitang binitiwan nito dahil sa ang kanyang atensiyon ay nasa boses ni Andres at hindi sa sinasabi nito. At kung paanong nanumbalik sa kanya ang mga panahon na magkasama sila nito, ang umaga na binabati nila ang isa't isa pagkagising at ang mga hapon na nakaupo sila sa veranda at pinapanood ang papalubog na arawa habang sila ay nagkakape. At kung paanong ikinukwento ni Andres sa kanya ang mga nangyari rito sa maghapon o di kaya naman ang kanilang mga balakin at plano sa hinaharap para sa kanilang bubuuin na pamilya. Iyun ang kanyang mga narinig sa kanyang tenga ng sandali na iyun at hindi ang tungkol sa basketball.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon